75 - Company Event

983 116 27
                                    

Anna's POV

Malapit nang mag-sink-in sa akin na type talaga ako nitong si Sir Angelo eh. Palagi na lang na ako napapansin, pati yung ibang trabaho sa akin ipinapagawa imbes na kay Gemma, ang sarap tuloy ng buhay ng hitad. Di bale pagtitiisan ko na ito, tutal sandali lang naman ang 360 hours tapos madalas extended pa ang working hours dahil sa mga pinapagawa ni Sir Angelo.

Ang importante naman ay hindi ako magpapadala sa mga pagpapa-cute nya. Atsaka wala sya sa kalingkingan ng boyfriend ko. Kung hindi nga nag-inarte itong si Yabs sa parents nya malamang may maganda trabaho na rin sya ngayon. Atsaka kahit pa si Sir Angelo ang may hawak ng pinakamataas na position dito sa office hindi ko pa rin ipagpapalit si Yabs sa kanya.

"Anna, you come with us sa contract signing later this afternoon para tulungan mo sila Gemma sa preparation, hanggang dinner na yun kaya magpaalam ka sa bahay nyo. Don't worry ihahatid na lang kita para siguradong safe ka makakauwi." Sabi sa akin ni Sir Angelo.

"Sir, ako po sasama sa contract signing?" tanong ko para makumpirma ko na tama ang dinig ko.

"Oo ikaw, wala namang ibang Anna dito maliban sa iyo" sagot ni Sir Angelo.

"Bakit po ako?" tanong ko ulit kasi hindi ako makapaniwala na isasama nila ang isang trainee na katulad ko sa isang event na katulad ng contract signing.

"Bakit ayaw mo ba? Counted naman yung event sa number of required hours ng training mo." Sagot ni sir Angelo.

"Hindi naman po yung ang ibig kong sabihin sir, kasi mukhang hindi po ako bagay itong suot ko sa event." Sabi ko.

"Naka-corporate attire ka naman, so okay na yan. Saka tutulungan mo lang naman si Gemma sa mga logistics eh, you don't have to talk to the clients." Paliwanag ni Sir Angelo. "Alam mo magandang exposure ang contract signing event lalo na sa course mo. Believe me, kapag nasa corporate world ka na, papasalamatan mo ako kasi binigyan kita ng ganitong experience." Pahabol na sinabi ni Sir Angelo.

"Ganun po ba?" maikli kong sagot

"You look hesitant, may lakad ka ba ngayong gabi?" tanong ni Sir Angelo.

"Wala naman po akong lakad, diretso uwi na nga po ako sana kasi magre-review pa po ako para sa exam ko bukas." Sagot ko.

"Sandali lang naman yung event. Matagal na ang dalawang oras kasama na yung dinner. After the dinner, we can all go home, para rin makapag-review ka pa for your exam tomorrow." Sabi ni Sir Angelo.

"Sir, baka naman pwedeng pass na lang po ako sa pagkakataon na ito." Sabi ko.

"Sayang naman yung opportunity kung papalagpasin mo. You only have 360 hours of OJT, hindi tayo sigurado na nandito ka pa sa next contract signing event. Kaya if I were you, sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ito." Sagot sa akin ni Sir Angelo.

"Masyado na po kasing gabi at hindi po ako marunong magcommute galing Okada Hotel, papunta sa amin." Sagot ko.

"Hindi mo ba ako narinig kanina? Ang sabi ko ihahatid kita sa bahay nyo para siguradong safe kang makakauwi." Sagot ni Sir Angelo.

"Yun na nga po sir, nakakahiya po sa inyo, kasi out of way po ang bahay namin papunta sa inuuwian nyo." Sagot ko.

"You worry too much. Maliit na bagay ang ihatid kita sa bahay nyo compare sa abalang hinihingi ko ngayon sa iyo. I am not taking No for an answer. Coordiante with Gemma for the needed logistics para siguradong wala tayong makalimutan para sa event." Sabi ni Sir Angelo sabay walk-out papasok ng room nya.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon