Anna's POV
Grabe umasa ako na nakalimutan na ni Mama Rio yung sinabi nya kahapon na ako ang magadadala nung lansones na order ni Sir Lance. Pero eto at in all caps pa ang text na wag kong kalimutang dalhin yung lansones ni Sir Lance ngayong umaga.
Bakit ba kasi hindi maintindihan ni Mama na ayoko nang makita ang maputlang lalaking yun. Kahit sa Timbuktu nya ako papuntahin, susunod ako sa kanya wag lang sa bangkong pinagtatrabahuhan ng bwisit na lalaking yun.
"Hoy Boyet, eto na yung lansones na dapat dalhin kay Sir Lance, ikaw na ang magdala tapos bumalik ka kaagad ha" sabi ko kay Boyet. Sya na lang ang inutusan ko, hindi naman malalaman ni Mama Rio kung sino ang nagdala nung lansones, ang importante eh makarating kay Sir Lance yung order nya.
"Bakit ako? Ikaw ang inuutusan ni Mama Rio bakit mo ipinapasa sa akin?" tahasang pag-angal ni Boyet. Luku-lukong 'to, bigwasan ko kaya ng isa para sumunod.
"Bakit naman hindi ikaw? Walang tatao dito sa tindahan kung ako ang pupunta sa bangko. Saka bakit ba masyado kang maangal" sagot ko
"Eh ikaw naman kasi ang inutusan ni Mama Rio, at hindi ako" patuloy na pag-angal ni Boyet
"Eh ako naman ang nag-uutos sa iyo eh, saka malalaman lang naman ni Mama na ikaw ang nagdala kay sir Lance kung mag-susumbong ka" sabi ko
"O sige, ok lang naman na ako ang magdala. Sa isang kundisyon, ikaw ang tatapos nitong ginagawa ko. Kapag dumating mamaya si Mama Rio at hindi ko pa natapos ayusin itong bubong ng tindahan siguradong malalagot ako dun. Kapag nangyari yung, sasabihin ko sa kanya na inutusan mo akong dalhin yung order ni Sir Lance" pagmamalaking sagot ni Boyet.
Ang lakas makabugnot ng mga sagot nitong bansot na 'to eh. Ang dami pang sinabi eh aayaw lang naman sa inuutos ko. Paano ko ba madadala kay Sir Lance itong lansones nya na hindi ko makikita yung lalaking maputla.
Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung paano ko iiwasang makita ulit ang mayabang na yun. Hanggang sa may idea na akong naiisip, kaya agad kong tinawagan ang taong alam kong makakatulong sa akin.
"Hello Jun" masaya kong pagbati nung sinagot nya ang tawag ko
"Mukhang malaki ang pangangailangan mo ah, hindi ka naman madalas tumawag akin. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo mahal na prinsesa?" tanong ni Jun.
"Grabe ka naman sa akin, tanong ko lang naman kung nasaan ka kasi hindi kita napansing dumaan ngayong umaga" tanong ko kay Jun
"Aba ang lakas namang makaganda ng araw nyang sinabi mo, hindi ako makapaniwala na na-miss mo ako" sagot ni Jun sa akin. Pasalamat 'to at sa telepono kami nag-uusap kasi kung hindi malamang nabatukan ko 'to nang wala sa oras
"Sira, nagtaka lang ako bakit hindi kita nakita ngayong umaga. Hindi ko kasi nagawa yung research ko, tatanungin ko lang natapos mo yung research, mangongopya sana ako sa iyo" sagot ko, kahit kagabi pa natapos ko na ang research work na kailangan namin. Kaya ko lang naman sinabi yun eh para hindi nya mahalata ang tutoong pakay ko. "Ano na nasaan ka ba? Pumasok ka ba?" sunod-sunod kong tanong
"Nasa bangko pa ako, eto kasing si Dondi hanggang ngayon wala pa. Hindi rin nagpasabi kung papasok o hindi. Tapos ko na yung research, pero kunin mo na lang dito kasi malamang hanggang alas dos pa ako" sagot ni Jun sa akin
"Tamang-tama, may dadalhin akong prutas para kay Sir Lance, ipinapapadala ni Mama sa kanya. O sige Jun, maraming salamat ha, tatapusin ko lang itong pag-aayos ko ng paninda tapos pupunta na ako dyan" masaya kong sagot
"Anong salamat? Hindi ako nakukuha sa salamat lang oy, ilibre mo ako ng hamburger mamaya" sabi ni Jun
"Sus yun lang pala eh, mamaya Mc Donalds pa, hindi yung buy one take one na nabibili sa labas ng campus natin. Sige na, kailangan ko nang tapusin itong ginagawa ko para makapunta na ako dyan" sabi ko at dali-dali kong ibinaba ang telepono.
"Uy mukhang masaya ka pinsan ah" biglang sabi ni Boyet
"Talaga kasi wala na akong dapat ipag-alala kasi wala naman pala yung lalaking maputla sa bangko. Absent daw sabi ni Jun, kaya pwede akong pumunta dun para sundin ang iniuutos ni Mama Rio" sagot ko
"Aba eh, kainam naman nun. Hindi kayo pagtatagpuin ni Tisoy katulad ng gustong mangyari ni Mama Rio" sabi ni Boyet
"Talagang mainam, kaya bilisan mo yang ginagawa mo dyan at isusumbong kita kay Mama Rio kapag hindi mo natapos gawin yang bubong, sasabihin ko na daldal ka kasi nang daldal kaya hindi ka matapos-tapos" sabi ko
"Grabe naman areng pinsan na are, ikaw ang kumakausap sa akin kaya hanggang ngayon eh hindi pa ako tapos dine sa ginagawa ko. Ay sya, bahala ka na nga sa buhay mo dyan" sabi ni Boyet at hindi ko na lang pinansin kasi masaya ako na wala akong engkwentro sa isang mayabang at maputlang lalaki na sumisira sa araw ko
Pagkatapos ng wala pang isang oras, masaya na akong naglakad papuntang bangko. At mas natuwa nung nakita kong si Jun ang nakatayo sa labas ng bangko. Grabe pinagpapala talaga ako ni Lord at sya na ang gumawa ng paraan para hindi mag-krus ang landas namin ng mayabang na lalaking yun. "Jun" ilang metro pa nung tinawag ko si Jun
"Uy Anna" sagot nya at ang lapad ng ngiti ng mokong
"May dala ka bang flash drive?" tanong nya nung nakalapit na ako sa kanya
"Wala eh hindi mo naman sinabing kailangan kong magdala ng flash drive. Baka naman meron ka dyan, pahiram na lang muna" sabi ko
"Sige hahanapin ko, ibigay mo na lang muna kay sir Lance yang lansones nya" sagot ni Jun at pinagbuksan nya ako ng pinto. "Sir Lance" tawag ko nung nakita ko si sir Lance na kausap si Ate Judith.
"Aba at naligaw ang magandang anak ni Mama Rio. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ate Judith. Favorite ko talaga itong si Ate Judith sa lahat ng mga teller eh kasi gandang-ganda lang naman sya sa akin.
"May pinadala si Mama Rio kay Sir Lance, ngayong umaga daw dapat" sagot ko kay Judith
"Maraming salamat Anna, ayos lang ba kung maghintay ka sandali? Papunta pa lang yung kapatid ko dito eh, dala yung ATM ko. Naiwan ko kasi sa bahay eh" sabi ni Sir Lance
"No problem sir Lance, may kailangan din naman po ako kay Jun. Mangongopya po ako ng research work" sabi ko
"Isusumbong kita kay Mama Rio, nangongopya ka ng assignment mo kay Jun" pabirong sabi ni Sir Lance.
"Hindi naman po lahat, konti lang naman po ang kukunin ko kasi hindi ako natapos mag research kagabi" sabi ko para ipagtanggol ang sarili ko.
"Binibiro lang naman kita Anna. Sige na kausapin mo na si Jun para makuha mo na yung kailangan mo sa kanya. Pwede mo naman na syang istorbohin kasi dumating na si Dondi" sabi ni Sir Lance.
Literal na nag-freeze ako sa kinakatayuan ko. Paanong nandito ang maputlang lalaking yun eh sabi ni Jun hindi raw pumasok.
************************
Pakiulit nga yung sinabi mo kanina Anna, pinagpala ka ni Lord kasi wala si Dondi? Talaga ba? 😉😛😊Bukas na lang yung kasunod, promise 😉😊
Maraming salamat po and God bless 🙏🙏🙏🙏🙏
![](https://img.wattpad.com/cover/176393220-288-k273230.jpg)
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanficSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...