53 - LQ, Slight Lang

1K 135 17
                                        

Anna's POV

Isang masarap na tulog na ginising ng walang tigil na tunog ng phone ko. Grabe, sino ba ang tumatawag na ito at nauna pa sa alarm ko?

"Yabs, ang aga mo namang tumawag." Sagot ko na aantok-antok pa.

"Di ba 4am ka gumigising? Five minutes before 4 na, kaya bangon na." sagot ni Dondi sa akin.

"Five minutes pa rin yun, kaya mamaya ka na tumawag. Bye na." Sagot ko.

"Teka lang,wag mo munang ibaba, may itatanong pa ako sa iyo eh." sabi nya.

"I-text mo na lang Yabs, antok pa ako eh." sagot ko.

"Anong oras ka magbubukas ng tindahan?" tanong nya.

"Yan lang ba ang itatanong mo? Bakit hindi ka na lang nagtext para hindi ka nakaistorbo sa masarap na tulog." Sagot ko.

"Ayoko ng text lang gusto kong marinig ang boses mo, nang ganito kaaga." Sagot ni Dondi.

"Asus, ang aga-aga mo akong binobola, sinayang mo pa ang five minutes na dapat tulog pa ako. At ang sagot ko sa tanong mo, madalas alas sais kami nagbubukas." Sagot ko.

"Sabi mo masarap ang tulog mo, siguro napanaginipan mo ako." Pagbibiro nya.

"Malay ko, hindi ko na matandaaan kung ano ang panaginip ko. Nakalimutan ko na agad kasi naistorbo ang tulog ko." Sagot ko kahit natatandaan ko naman ang panaginip ko. At tama si Mr. Yabs, sya nga ang napanaginipan ko kagabi.

"Sorry na po sa istorbo, sige na nga, tulog ka na lang ulit. Mamaya na lang tayo mag-usap ulit." Sabi nya.

"Gising na ako, impossible na akong makabalik ng tulog. Istorbo ka kasi eh." Sagot ko.

"Maaga pa naman, mag-video chat nga tayo, gusto kong makita ka nang bagong gising. Gusto kong makita kung gaano ka kaganda sa umaga." Sabi nya.

"Ayoko nga." Mabilis kong sagot

"Cristina, Cristina .... Bangon na anak at baka tanghaliin na tayo" narinig kong sabi ni Mama Rio. Habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ayun na yung unang alarm ko, nauna rin sa alarm ng cellphone ko." Sabi ko kay Dondi at narinig ko syang tumatawa sa kabilang linya.

"Sige na nga. Mamaya na lang po ulit. Babay na." Sagot ni Dondi bago nya ibinaba ang phone.

Masigla akong naligo at nagbihis bago ako bumaba para mag-almusal. "Good morning Ma." Ang masaya kong bati kay Mama habang naghahain ng masarap na almusal.

"Aba mukhang maganda ang gising ng anak ko ah, nakaligo at nakabihis na kaya ready nang sumabak sa hamon ng buhay ngayong araw." Sabi ni Mama Rio.

"Palagi naman akong ready sa araw-araw na hamon ng buhay." Sagot ko.

"Alam ko anak, sige kain na at para maaga tayong makabili ng paninda." Sabi ni Mama Rio at dali-dali akong kumuha ng sinangag, itlog na maalat na may kamatis pangterno sa daing na galunggong.

"Ang sarap ng almusal ah" komento ko.

"Bigay ng Ninang Candy mo yang itlog na maalat." Sagot ni Mama Rio. "Syanga pala parang may kausap ka kanina nung kumatok ako sa kwarto mo. Sino ba yun at ang aga namang tumawag sa iyo." Tanong ni Mama Rio na ikinabigla ko.

"Si Dondi po yun, Ma." Sagot ko kay Mama at pinili kong hindi na lang magsinungaling.

"Si Dondi? Bakit ang aga namang tumawag sa iyo?" tanong ni Mama.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon