23 - Bantay

881 110 25
                                        

Dondi's POV

Simula sa araw na ito, saludo na ako sa mga gumagawa ng ice candy. Hindi ko naman inisip na ganito pala kahirap gawin ito. Akala ko pagkatapos timplahin ang mga ingredients eh ok na ang susunod, ang paglalagay pala sa plastic ang challenge dito.

Mabuti na lang magaang kausap ngayon si Ms. Sung. Masarap palang kausap ang babaing masungit, lalo na siguro kung hindi magsusungit ito. At nararamdaman ko na marami pang magagandang bagay akong pwedeng madiskubre sa kanya.

At dahil ngayon lang ako nakalapit ng ganito kalapit sa babaing masungit, ngayon ko lang nakita na maganda pala syang ngumiti, lalong gumaganda ang mga mata nya kapag nakangiti sya. At dahil distracted ako sa kakatingin sa kanya, tumapon tuloy yung ginagawa kong ice candy.

"Naloko na, tumapon na sa akin" sabi ko sabay hubad ng sando ko para hindi na kumalat yung dumi. Sana hindi mahirap tanggalin ang mantsa na ito, kundi lagot ako sa Lola ko.

"Dondi? Anong ginagawa mo dyan sa loob ng tindahan, at bakit ka nakahubad?" bigla namin narinig na nagsalita ang pamilyar na boses.

"Mama anong ginagawa mo dito?" ang tanging nasabi ni Anna habang ramdam na ramdam ko na sumikip ang dibdib ko dahil kitang-kita kong nagdudumilat si Mama Rio

"Mama Rio, magpapaliwanag po ako" ang sabi ko

"Talagang kailangan ko ng paliwanag, unang-una hindi nasabi sa akin ni Anna na may bisitang darating dito sa tindahan. Napadaan ka lang ba? Sa susunod magpasabi ka at nag-iisa ang anak ko dito sa tindahan. Pangalawa, ano ang ginagawa mo dyan sa loob? Alam kong mainit ang panahon pero hindi naman tama na haharap ka sa amin nang ganyan ang itsura mo" sunod-sunod na tanong ni Mama Rio

"Ma, teka lang. Hindi mo naiintindihan" sagot ni Anna habang isinusuot ko yung t-shirt na hinubad ko kanina.

"Eh di ipaintindi nyo sa akin" sabi ni Mama Rio sa mataas na tono

"Ma, una po pasensya na po kayo kasi inabot nyo po ako sa ganitong itsura, tumapon po kasi yung ginagawa kong ice candy sa damit ko kaya hinubad ko po agad para makapagpalit ako ng T-shirt" Malumanay kong sagot. "Sorry din po kasi hindi po ako nakapag-paalam sa inyo na magpapaturo ako kay Anna na gumawa ng ice candy. Dalawang kilong avocado po kasi yung binili ko, kesa naman po masira, naisip ko pong gumawa ng ice candy tutal mainit naman po ang panahon ngayon" patuloy kong pagpapaliwanag.

"Sa kanya naka-reserve yung dalawang kilong avocado Cristina?" tanong ni Mama Rio kay Anna.

"Opo Ma, sa kanya po yung dalawang kilong avocado" sagot ni Anna

"At kelan ka pa bumili ng prutas na higit sa isang kilo ang timbang. Bakit kapag sa akin laging hanggang isang kilo lang ang binibili mo samantalang dito kay Anna dalawang kilo agad. Magsabi ka ng tutoo, nililigawan mo ba ang anak ko Dondi?" biglang tanong ni Mama Rio at hindi ko alam kung bakit parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ko masagot ang tanong nya. "Tinatanong kita Dondi, nanliligaw ka ba kay Cristina?" tanong nya ulit.

"Hindi po Ma, bakit ba ganyan na agad ang tanong mo?" sagot ni Anna

"Naawa lang po kasi ako kay Anna nung naikwento nya sa akin na papagalitan mo po sya kasi sobra-sobra yung binili nya para maitinda. Kaya nag-volunteer po ako na ako na lang ang bibili nung dalawang kilo para tatlong kilo na lang ang problemahin nyang ibenta." sagot ko.

"Naawa ka na rin lang bakit hindi pa limang kilo ang binili mo" sarkastikong sagot ni Mama.

"Hindi na po kasi kaya ng budget ko ang limang kilo, eto nga pong dalawang kilo, inutang ko lang baka wala na pong matira sa budget ko" sagot ko

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon