Anna's POV
Mabuti na lang at malapit na akong bumaba. Kapag nagtagal pa ako sa kotse ng maputlang lalaking 'to, malamang hindi ko 'to matantya at gilitan ko sa leeg. Parang engot na nagha-hallucinate. Lakas mang-alaska, kung hindi lang talaga sa matitipid ko monthly, hindi ko pagtya-tyagaan na makisabay sa mayabang na to eh.
"Gutom ka na ba?" tanong nya sa akin, in fairness medyo thoughtful ha.
"Nakakatiis pa." walang kalatoy-latoy kong sagot.
"Konting tiis na lang malapit naman na tayo." Sabi nya.
"Baka ikaw ang gutom, tagal mong naghintay eh." sagot ko.
"Ok lang ako, nakakatiis pa rin." Pabirong sagot ni Dondi.
"Seryoso ang tanong ko." sabi ko.
"Seryoso rin ang sagot ko. Pambihira ka, nagtitiis ka pa ng gutom ng lagay na yan ha, paano na kung gutom ka na talaga, malamang mas masungit ka." Komento ni Tisoy pero hindi ko na lang pinansin at hahaba pa ang diskusyon. "Ano usually ang itinerary mo kapag Sunday?" biglang tanong nya.
"Ano pa nga ba, eh di nagtitinda pa rin. Sa mga ganitong sitwasyon wala dapat sinasayang na oras para kumita." sagot ko
"Nagtitinda pa rin? Hindi man lang ba kayo nagpapahinga ni Mama Rio?" tanong nya.
"Sabi ko nga di ba, sa sitwasyon namin ngayon, wala kaming karapatang magpahinga. Kaya nga lahat ng pwedeng pagkakitaan pinapatulan ko eh. Sa tingin mo papayag akong maging fake girlfriend mo kung hindi ako gipit?" sagot ko.
"Kung busy ka mula Lunes hanggang Linggo, kelan naman ako pwedeng magpa-tutor sa iyo?" tanong nya.
"Anong subject?" balik kong tanong.
"Accounting Fundamentals" sagot nya. "Medyo masakit kasi sya sa ulo eh, palibhasa ang tagal na nung Accounting Fundamentals 1 ko, kaya kinalawang na ako. Pareho tayong busy sa school at sa kanya-kanya nating trabaho mula Lunes hanggang Sabado, kaya Linggo ang naisip kong pwede sana akong magpaturo sa iyo kahit three hours lang." Dagdag nyang paliwanag.
Lunes hanggang Sabado, hatid at sundo na ako nitong si Mr. Yabs, tapos may tatlong oras pa na tutorial tuwing Linggo? Aba eh kelan mapapahinga ang mga mata ko sa pagmumukha ng lalaking maputlang ito? Kulang na lang hilingin na tumira na lang sa bahay namin eh.
Pero sayang naman yung kikitain ko for three hours, 450 pesos din yun, pwede na ring pang-allowance para sa ilang araw.
"Nasa tindahan ako maghapon tuwing Linggo. Kung makakapagtyaga ka pwede kitang i-tutor dun. Kaya lang maraming istorbo, kasi mas maraming bumibili kapag Linggo, kaya nga hindi kami makapag-sara kapag Sabado at Linggo. Sayang naman ang ibabayad mo kung hindi masulit ang tatlong oras." Sagot ko.
"Hanggang anong oras ba kayo sa tindahan?" tanong nya.
"Madalas hanggang alas kwatro ng hapon kami." Sagot ko.
"Anong oras ang hindi masyadong maraming bumibili?" tanong nya ulit.
"Usually after lunch" sagot ko.
"Eh di after lunch na lang, para hindi masyadong matao sa tindahan nyo." Sagot nya.
"Grabe, ang init kaya nung ganong oras." Angal ko.
"Ok lang, nasa initan din naman ako halos araw-araw." Sagot ni Dondi sa akin bago huminto sa harap ng bahay namin.
"Maraming salamat sa hatid, bukas po ulit." Sabi ko habang naghahandang akong bumaba sa kotse ni Dondi.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
