Dondi's POV
"Hoy Dondi, anong nangyari sa iyo at nakatulala ka dyan" ang narinig kong sabi ni Ate Judith.
Tutoo naman na natulala ako pagkatapos kong mabasa ang text message ni Mama Rio. Akala ko, pagkatapos kaninang umaga, matatagalan pa bago ko makita ulit si Anna pero nagsusumigaw yung text ni Mama Rio, daanan ko raw yung fruit basket na inorder ko kay Anna.
"Ano ba meron ang araw na ito at parang hindi para sa akin" sagot ko
"Anong pinagsasasabi mo Dondi?" tanong ni Ate Judith
"Nag text si Mama Rio, naayos na daw nya yung order kong fruit basket" sagot ko
"Magkano ba yang fruit basket na yan at mukhang problemado ka sa pambayad, gusto mo pautangin kita?" sabi ni Ate Judith
"Hindi naman yun ang problema, pumayag naman si Mama Rio na sa sweldo ko na lang bayaran yung fruit basket" sagot ko
"Oh eh ano ang problema at parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa?" tanong ulit ni Ate Judith
"Paalis na kasi sya nang alas dos nang hapon, kay Anna ko na lang daw kunin mamaya" sagot ko na may kasamang malalim na buntong hininga.
"Anong pinoproblema .... aysus, naturete nung nalamang magkikita sila ni Anna ulit ngayong araw. Ngayon mo sabihing wala lang crush kay Anna" panunukso ni Ate Judith
"Hindi ganon yun Ate Judith, di ba nga may atraso pa ako sa kanya, sa kanila ni Mama Rio. Ang kapal naman ng mukha ko na matapos yung ginawa ko, pumayag pa rin si Mama Rio na sa sweldo na ako magbayad" sabi ko
"Nasabi mo na yan kanina, so ano nga ang problema mo?" sabi ni Ate Judith
"Kapag nalaman ni Anna na inutang ko lang yung fruit basket, baka lalong isipin nun na makapal ang mukha ko" sabi ko
"Oh eh di sabihin mo quits na lang kayo, ang tanong ko lang naman eh bakit big deal sa iyo ang iisipin ni Anna?" sagot ni Ate Judith
"Ewan ko sa iyo Ate Judith, kung anu-ano ang iniisip mo, ayoko ko lang naman na mayroong wrong impression ang mga tao sa akin. Hindi lang yung Anna na yun" sabi ko
"Ok, sabi mo eh. Pero bakit hindi mo na lang kunin nang mas maaga yung fruit basket, sabi mo naman alas dos pa aalis si Mama Rio, may oras ka pa para hindi kay Anna kunin yung order mo" sabi ni Ate Judith
"Huh? Hindi pwede, walang maiiwan dito. Baka mareport ako ng 'abondoning the post' mas malaking problema yun" sagot ko
"Maaga naman lagi dumarating yung isang guard, madalas bago mag-1:30 nandito na yun. Basta magpaalam ka lang kay si Lance na may sasaglitin ka lang sa tindahan ni Mama Rio, siguradong papayagan ka naman nun" sabi ni Ate Judith at aaminin ko na may katwiran sya.
"Tama ka Ate Judith, mas mabuti pang mas maaga kong puntahan yung order ko para si Mama Rio ang makausap ko at hindi ang masungit na si Anna" sabi ko
"At para makapag-sorry ka na rin kay Anna" sabi ni Ate Judith
"Bakit naman ako magso-sorry?" tanong ko
"Itanong mo yan sa sarili mo. Pero para sa akin, mas maganda kung magso-sorry ka kay Anna sa harap ni Mama Rio para mas sincere ang dating. Atsaka, hindi ka na rin maalangan kay Mama Rio" sagot ni Ate Judith
Simula nung nagtrabaho ako dito, ngayon lang ako naiinip sa pagdating nung kasama kong security guard. Abot-abot ang dalangin ko na sana mag maaga syang dumating kesa nung mga unang araw. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Boss Lance na sumaglit sa tindahan ni Mama Rio. Kung mamaya pa kasi, baka magkaroon na naman kami ng hindi magandang engkwentro ni Anna.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfikceSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
