Anna's POV
Hindi pa man tumitilaok si Mama Rio sa umagang ito eh gising na ako at naghahanda ng kakailanganin ko mamaya pagpasok. First day of school for this semester, panibagong pakikibaka sa mga bagong kaklase at instructors. Pero kakayanin koi to, konting tiis na lang makakatapos na ako. At halos ayos na ang lahat ng kailangan ko nang pumasok si Mama Rio sa kwarto ko.
"Good morning iha" bati nya sa akin.
"Good morning Ma" bati ko rin sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" tanong nya
"Inaayos ko po yung mga gamit ko para mamayang pagpasok hindi na po ako magkukumahog sa paghanap ng mga gamit ko" sagot ko
"Oo nga pala, kailangan mo ng pambili ng mga bagong libro mo" sabi ni Mama Rio.
"Ok lang po Ma, hindi pa naman ngayon kailangan yan, saka titingnan ko po muna kung may mahihiraman ako para hindi na tayo bibili." Sagot ko.
"Sana nga eh makahiram ka anak, para makabawas man lang sa mga bibilhin mong gamit sa school." Sabi ni Mama Rio
"Wag mo nang intindihin yung pambili ng gamit ko Ma, may raket ako kaya may pambili ako ng mga gamit ko para sa school." Sagot ko.
"Raket? Anong raket?" nagtataka nyang tanong.
"Tutorial" sagot ko.
"Hindi ba sinabi ko sa iyong tigilan mon a yang tutorial na yan. Nauubos ang oraas mo sa mga tinuturuan mo, hindi mo na halos naaasikaso ang pag-aaral mo" sagot ni Mama Rio.
"Ok lang yun Ma, isang lang naman ang estudyante ko at hindi naman araw-araw." pagmamalaki kong sinabi.
"Mabuti naman kung ganon, kung mga pa-isa-isa lang at hindi naman araw-araw, walang problema na mag-tutor ka ulit. Teka lang, bakit inilabas mo yang mga luma mong libro, ano ang gagawin mo sa mga iyan?" tanong ni Mama.
"Ibebenta ko po" sagot ko
"Ibebenta? Meron pa bang bibili nyan?" Tanong nya
"Oo naman Ma, hindi pa naman nagbabago ang curriculum namin kaya magagamit pa ang mga 'to" sabi ko at nakita kong natuwa si Mama sa sinabi ko, ang laki ng ngiti nya eh.
"Bilib talaga ako sa iyo anak, manang-mana ka sa akin." Sabi ni Mama.
"Syempre naman, wala naman akong ibang pagmamanahan kundi ikaw" sagot ko.
"O sige, mag-ayos ka na at mas mabuting maaga kayo sa bilihan ng prutas para hindi pabulok na yung mga mabibili nyo. Aagahan ko na lang ang pagpunta sa tindahan para hindi ka naman ma-late sa klase mo." Sabi ni Mama
"Sige po Ma, magpahinga ka na muna at alam kong late ka nang nakauwi kanina. Kami na po ni Boyet ang bahala." sagot ko saka ko binitbit ang mga lumang libro ko.
"Dadalhin mo na ba ang mga libro na yan? Bakit hindi mo muna iwan, tutal mamaya pa naman ang klase mo." Tanong ni Mama.
"Dadalhin ko na po Ma, kasi kukunin na ng buyer ko ito mamaya" sagot ko.
"Aba at kay inam naman pala at may buyer ka na" natutuwang sabi ni Mama.
"Opo Ma, si Dondi po ang bibili ng mga librong ito" sagot ko.
"Si Dondi? Bakit ibebenta mo sa kanya, bakit hindi mo na lang ipahiram anak" sabi ni Mama.
"Bakit naman hindi Ma, may pambayad naman sya, saka hindi ko naman libre nakuha ang mga librong ito, kaya dapat lang na ibenta ko rin" sagot ko.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...