65 - Lychees at Grapes

923 137 36
                                        

Anna's POV

Mula nung araw na tinanggap ko ang imbitasyon ni Dondi hanggang kahapon ayos pa ang pakiramdam ko, pero ngayon parang hindi pumapasok sa utak ko kahit tutok na tutok ako sa mga nire-review ko.

Parang ngayon lang nag-sink in sa akin yung dinner ko kasama ang buong pamilya ni Dondi. Wala naman akong problema sa Lolo at Lola nya, pati na rin sa Mama nya. Ang Papa lang nya ang talagang pinangingilagan ko. Hindi ko kasi sya matantya nung gabing naghapunan kami ni Paolo sa bahay nila. Hindi ko mabasa kung tahimik ba talaga sya o ayaw lang talaga nya sa amin nila Paolo at Isay.

"Sung, anong nangyayari sa iyo?" narinig kong tanong ni Dondi, na ikinaputol nap ag-iisip ko.

"May tinatanong ka Yabs?" balik kong tanong sa kanya.

"Bakit ka ba nakatulala? May problema ka ba?" Tanong ni Dondi.

"Wala, ok lang ako. Saka bakit mo alam na nakatulala ko? Magreview kang mabuti hindi yung lagi ka na lang nakatingin sa akin." Sagot ko

"Iniisip mo ba yung para mamayang gabi?" Tanong ni Dondi.

"Hindi ah, bakit ko naman iisipin yun eh, kakain lang naman tayo ng hapunan." Sagot ko.

"Sung, alam ko araw-araw kong tinatanong 'to sa iyo, at malamang nakukulitan ka na sa akin, pero itatanong ko pa rin. Sigurado ka bang ok lang sa iyo na ipakilala na kita kila Mama at Papa bilang girlfriend ko? Kasi kung may alinlangan ka, hindi na natin itutuloy ito. Syempre gusto ko yung komportable ka." Sabi ni Dondi.

"Ok lang ako, Yabs. Ako pa ba?" mayabang kong sagot.

"Okay, sabi mo eh, susunod lang naman ako sa iyo." Sagot ni Dondi.

"Pwede ba wag mong sasabihin yan, lalo na kung kaharap ang Papa mo? Hindi kasi ako komportable. Baka sabihin nya andres-de-saya ka." Sabi ko.

"Wala akong nakikitang mali sa sinabi ko. Pero sige, kung hindi ka komportable, hindi ko na yun sasabihin." Sagot ni Dondi.

Huminga na lang ako nang malalim at nagpatuloy sa pagbabasa ng reviewer ko. Siguro nga tama lang na ngayon na nya ako ipakilala sa parents nya bilang girlfriend. Tama naman si Dondi eh, walang kasiguruhan kung kelan babalik ang parent nya sa Pilipinas, ayoko naman na sa susunod namin pagkikita eh pamanhikan na.

Anong bang 'pamanhikan' ang sinasabi mo self, marami pa kayong pangarap ni Dondi, hindi pa pwede ang pamanhikan na yan.

"Anong oras ba ang alis nyong dalawa?" tanong ni Mama Rio habang namamaypay sa labas ng tindahan.

"Maya-maya pa po Mama Rio, sabay-sabay na po tayong umuwi, kasi magpapalit pa po ng damit si Anna." Sagot ni Dondi.

"May ginawa akong fruit basket, Cristina. Yun ang ipasalubong mo sa pamilya ni Dondi." Sabi ni Mama Rio.

"Hindi naman po kailangan, Ma. Pero maraming salamat po." Sabi ni Dondi.

"Walang anuman, ayoko naman kasi na pupunta si Anna sa inyo para sa hapunan na wala man lang dala na kahit ano." Sabi ni Mama Rio kay Dondi.

"Gusto nyo po bang sumama, Ma?" tanong ko kay Anna.

"Ikaw na lang, tutal hindi naman ako importante dun. Saka ayoko ngang sumama sa iyo. Wala akong balak mamanhikan kila Dondi. Kung gusto nila akong makilala, sila ang pumunta dito" Sabi ni Mama Rio.

"Advance kang mag-isip, Ma. Anong pamanhikan ang sinasabi mo dyan." Tanggi ko sa sinabi ni Mama.

"Tama ka po, Ma. Dapat lang na ang pamilya ko ang pumunta sa bahay nyo para makilala ka nila." Sabi ni Dondi.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon