Anna's POV
"Hindi ako makahinga, Yabs." Ang sabi ko kay Dondi, sobrang higpit naman kasi ng pagkakayakap sa akin eh. Wala naman akong ibang sinabi kung hindi 'Sige'.
"Sorry, natuwa kasi ako sa sagot mo eh. Walang nang bawian yan ha." sabi sa akin ni Dondi.
"Wala nang bawian, Yabs." Sagot ko na may kasamang matamis na ngiti.
"Anong pinagsasasabi nyong magpapakasal kayo pagkatapos ng finals nyo? Hoy Cristina, nangako ka sa akin na magtatapos ka muna ng pag-aaral mo bago ka mag-asawa." Sabi ni Mama Rio na sobra naming ipinagtaka ni Dondi.
"Teka lang, Ma. Ikaw itong napupumilit kanina na panindigan ako ni Dondi, bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin ngayon?" Sabi ko.
"Sinusubukan ko lang naman itong si Dondi kung ano ang gagawin ni nya kapag dumating ang ganyang sitwasyon." Sabi ni Mama Rio.
"Ibig bang sabihin, Mama, hindi pa kami pwedeng magpakasal ni Sung?" malungkot na tanong ni Dondi.
"May taning ba ang buhay mo, Dondi?" tanong ni Mama at umiling lang si Yabs. "Ganon naman pala eh, bakit ka nagmamadali?" tanong ulit ni Mama kay Dondi.
"Naisip ko lang po kasi nab aka pwede namang abutin namin ni Anna ang mga pangarap namin na magkasama kami. Alam naman po natin na pareho na po kaming nasa edad para mag-asawa." Sagot ni Dondi.
"Tutoo namang nasa tamang edad na kayo para mag-asawa. Pero sa maayos at magandang bukas, hindi pa kayo handa, Dondi. Pareho pa nga kayong hindi pa tapos ng pag-aaral. Ikaw Dondi, ilang taon pa ang kakailanganin mo para makakuha ng magandang trabaho na ipang-bubuhay mo sa pamilya mo." Sabi ni Mama Rio.
"Kakayanin naman po namin yun ni Anna, basta magkasama kami." Sagot ni Dondi.
"Walang namang nagpapahiwalay sa inyo ah, kaya hindi nyo kailangang magmadali. Bakit hindi nyo muna i-enjoy ang pagiging magkasintahan para mas makilala nyo pa nang lubos ang isa't-isa habang tinutupad nyo ang mga pangarap nyo nang magkasama kayo. Nakasuporta kaming pamilya nyo sa relasyon nyo kaya wala kang dapat ipag-alala, Dondi." Patuloy na paliwanag ni Mama Rio.
"Naiintindihan ko po." ang sabi ni Dondi.
"Wala naman akong duda na maaalagaan mong mabuti si Cristina pati na rin ang pamilya bubuuin nyo. Hindi ako nag-aalala sa bagay na iyon. Maganda rin na abutin ninyo ang mga pangarap nyo na magkahawak ang mga kamay nyo. Sa iyo na rin nanggaling, Dondi, magsasama kayo ni Cristina habang-buhay nyo. Ibig sabihin konti panahon na lang ang matitira sa amin ng nanay nya para makasama sya. Pwede ba wag mo munang kunin si Cristina sa amin? Pwede bang magtapos muna ng pag-aaral si Cristina bago ko sya ihatid sa altar? Pwede bang toga muna bago trahe-de-boda?" tanong ni Mama Rio kay Dondi.
"Syempre naman po. Patawarin nyo po ako kung nagmadali ako." Sabi ni Dondi.
"Naiintindihan naman kita Dondi. Wag mong alalahanin yun." Sagot ni Dondi kay Mama.
"At mas mabuti na rin siguro ang ganon, Yabs. Hindi pa rin kasi lubos na magaling si Nanay. Gusto ko rin kasi na kasama sya ni Mama Rio na maghahatid sa akin sa altar." Sabi ko.
"Kung ano naman ang gusto mo, Sung yung ang masususnod eh." sagot sa akin ni Dondi.
"Oh nagkakaintindihan din tayo na hindi ngayong finals ang pinag-uusapan natin ha. Sa susunod na finals pa." sabi ni Mama Rio.
"Sige po." Sagot ni Dondi.
Dondi's POV
"Sige." Hanggang ngayon paulit-ulit ko pa rin syang naririnig, isang simpleng sagot pero ang kapalit isang buhay na kasama ang pinakakamahal kong babae. Ito na ang naging pinakapaborito kong salita mula nung narinig ko yun kay Anna tatlong taon na ang nakakaraan. Ang salitang ginawa kong inspirasyon para madaliin na matapos ko ang pag-aaral ko.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanficSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...