Dondi's POV
Salamat naman at kahit papaano, makakatulog ako nang maayos ngayong gabi. Mabuti na lang at mukhang nahimasmasan na si Anna, kung hindi malamang hindi ako papatulugin ng pangyayari kanina. Siguro narinig naman nya talaga yung litanya ko kanina, kaya medyo nawala ang galit. Ngayon alam ko na, kung gusto ko ng tahimik na relasyon, hindi ko dapat salubungin ang galit ni Anna.
Iba na nga ang pakiramdam ko kanina, pero ayoko lang talaga mapahiya si Daphne. Bakit ba naman kasi may mga babae na alam namang may girlfriend na yung lalaking gusto nila, eh nagpupumilit pa rin. Hindi lang naman ako ang lalaki sa campus, lalo naman sa Pilipinas at higit sa buong mundo. Bakit ba ipinagsisiksikan nila ang sarili nila sa taong masaya sa relasyon nya?
Maganda naman si Daphne, at sigurado akong maraming lalaki ang may crush sa kanya sa campus. Bakit ba hindi na lang nya ituon ang pansin nya sa mga lalaking nanliligaw sa kanya at ako ang pinupuntirya nya. Alam ko gwapo ako at boyfriend material talaga, pero mahal ko si Anna at wala nang iba para sa akin kundi si Cristina Carillo. Gagawin ko ang lahat para sa kanya at para hindi sya mawala sa akin.
///
Kinabukasan, nag-text sa akin si Anna na sa tindahan ko na lang sya sunduin. Salamat naman may oras pa kami para makapag-usap ng maayos bago pumasok. Hindi kasi talaga ako papayag na hindi namin pag-usapan ang issue namin kagabi. Hindi ko gusto na sabihan ako ni Anna na nambababae dahil kahit kelan hindi ko gagawin yon. Pero wala naman akong magagawa, kahit saang angulo tingnan, pambababae talaga ang tingin nung nangyari kagabi.
Sampung minuto pagkatapos ng shift ko, agad akong umalis sa bangko para sunduin na si Anna sa tindahan nila, at walang limang minuto nasa harap na ako ang pwesto nila.
"Magandang hapon po, Mama Rio." Bati ko.
"Ikaw pala Dondi, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mama Rio.
"Sabi po ni Anna dito ko raw po sya sunduin." Sagot ko.
"Aba eh wala sya dito. Iniwan ko sa bahay at may tatapusin daw syang research work. Hindi naman nagpasundo kay Boyet kung sinabi nyang dito kayo magkikita." Sabi ni Mama Rio.
"Baka po parating na rin yun. Ayaw na po nya sigurong abalahin si Boyet kasi wala kayong kasama dito sa tindahan." Sagot ko.
"Siguro nga. Kumain ka na ba?" Tanong ni Mama Rio.
"Tapos na po, kanina pa po, bago natapos ang duty ko." sagot ko.
"Tawagan mo na kaya si Anna, para malaman mo kung dito mob a talaga sya susunduin o sa bahay na lang, o magkikita na lang kayo sa school." Sabi ni Mama Rio.
Agad ko syang sinunod at tinawagan si Anna, pero minsan masaklap talaga ang buhay. Hindi ako makakonek kasi nag-expire na ang load ko. "Wala na po pala akong load." Sabi ko.
"Diyaskeng bata ka, ang lakas ng loob mong mag-girlfriend, kulang naman ang budget mo sa load. Ako na lang ang tatawag at nakaregister naman ako sa unli-call." Komento ni Mama Rio.
"Ako na lang po tatawag, magpapaload lang po ako. Malapit lang naman po ang loading station dito eh." sagot ko.
"Asus, nahiya ka pa sa akin. Nagbibiro lang naman ako kanina." Sabi ni Mama Rio.
"Wag mo nang tawagan si Anna, Mama. Nagtext na sa akin kanina pa , papunta na raw sya dito, malamang na-traffic lang yun kaya wala pa hanggang ngayon." Sabat ni Boyet.
"Bakit hindi mo sinabi agad? At bakit hindi mo sinuundo para hindi na sya nag-jeep?" tanong ni Mama Rio kay Boyet.
"Mas matatagalan pa raw kung hihintayin nya ako. Kaya sya na lang daw ang pupunta dito, para hindi rin sayang ang gasolina." Sagot ni Boyet.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanficSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...