Dondi's POV
Katulad sa ibang branch, magaan ang trabaho ko dito sa bangko. Check ng bag at bukas ng pinto para sa mga kliyente lang ang pinagkakaabalahan. Pero medyo boring sa branch na ito palibhasa bagong pa lang ang branch 'to compare sa Caloocan kaya wala pang masyadong kliyente.
At dahil lamang ang idle time, naisipan kong i-search ang isang 'Ana Carillo' sa facebook, sa Instagram pati na rin sa tweeter na hindi ko naman madalas buksan. Anak ng tinapa, naparami naman ng lumabas sa search result ng mga social media accounts ko, kahit ito lang ang gawin ko sa buong maghapon hindi ako matatapos kung iisa-isahin ko ang mga ito.
Pero ano naman ang magandang idudulot sa akin kapag nakita ko ang social media account ng masungit na babaing yun. Wala naman akong balak na i-follow sya o mag friend request man lang. Sa kabilang banda pwede ko rin naman pagkatuwaan na hanapin at tingnan ang mga bagay-bagay tungkol sa Ana Carillo na yun, para malaman ko kung ano ang pinanggagalingan ng kasungitan ng babaing yun. Kaya lang mukha naman akong stalker kapag ginawa ko yun.
Hay naku, mukhang bored na nga ako at kung anu-ano na ang naiisip ko, hangga't maaga itinigil ko na lang ang kalokohan ko. Bakit ba ako mag-aaksaya ng oras na hanapin ang masungit na babaing yun. Maganda nga pero sobrang sungit naman, parang bagong break lang sa boyfriend kung magalit. Pero ano naman ang pakialam ko kung bagong break sya sa boyfriend nya, ang mahalaga ay maiayos ang kotse ko.
Konting maliit na gasgas lang yun, gastos pa rin. Ilang araw ko ring allowance ang one thousand pesos na ibabayad ko sa pagpapa-ayos ng kotse ko.
"Dondi" narinig ko may tumawag sa akin, si Boss Lance pala
"Yes po sir" sagot ko
"Kapag dumating si Mama Rio, yung nagtitinda ng prutas papasukin mo sa office ko ha" sabi ni Boss Lance.
"Sige po, padating na po ba?" tanong ko
"Maya-maya pa yun pagkapananghalian. Nag lunch ka na ba?" tanong nya sa akin
"Opo boss, tapos na po ako" sagot ko.
Mabait talaga itong branch manager dito. Nung araw na ipinakilala ako sa kanya, magaan agad ang loob ko sa kanya kasi hindi masungit katulad nung branch manager sa Caloocan. Hindi ko ramdam na unang araw ko sa branch na 'to kasi kung kausapin at biruin ako ng mga empleyado dito parang isang dekada na kaming magkakakilala. Masarap magtrabaho kung ganito ka-gaan dalhin ang mga tao sa paligid mo. Palibhasa maliit lang ang branch namin at wala masyadong kliyente kaya naubos ang oras ng mga empleyado sa Q&A, palibhasa first day ko kaya mula umaga hanggang hapon yata ang interview portion.
"Excuse me, nandyan ba si Sir Lance?" narinig ko biglang may nagtanong.
Mukhang sya na yung Mama Rio na hinihintay ni Boss Lance. Sireyna pala sya, akala ko tutoong babae. At mukhang may edad na rin, siguro lagpas 50 years old na ang mamang ito.
"Hijo, pinag-aaralan mo ba ang mukha ko? Hindi ako masamang tao at kilala ako ng mga tao dyan, suki ko ang mga yan sa prutas." Sabi ng matanda
"Ano po ang pangalan nila? At ano po ang kailangan nyo kay Boss Lance?" tanong ko
"Paki sabi nandito na si Mama Rio, marami akong dalang prutas ngayon na pwede nyang pagpilian" sagot nya
"Sige po pasok na kayo, ipinagbilin po kayo ni Boss Lance" sabi ko. "Pasensya na po kung hindi ko kayo pinapasok agad, nag-iingat lang po ako" paliwanag ko
"Wag ka nang magpaliwanag hijo, naiintindihan ko. Bago ka dito? Ngayon lang kita nakita eh" tanong ni Mama Rio
"Opo, first day ko po ngayon" sagot ko
"Ganun ba, aba eh welcome to Mandaluyong Branch" sabi ni Mama Rio na parang nasa beauty contest.
"Salamat po, mamaya po pagkatapos nila Boss Lance, bibili po ako ng paninda nyong prutas. Uuwian ko po ang Lolo at Lola ko" sabi ko
"Aba, unang araw mo pa lang dito pero gusto na kita. Gwapo ka hijo" sabi ni Mama Rio at biglang pinanggigilan ang pisngi ko
"Tutoong babae po ang gusto ko, pasensya na po" sabi ko. Mabuti na kasi yung maliwanag, mahirap na baka mamis-interpret pa ako nitong si Mama Rio.
"Mabuti na lang gwapo ka hijo. Nakakahinayang basagin yang mukha mo. Hindi ako mahilig sa bata kahit kasing gwapo mo pa" nagagalit na sinabi ni Mama Rio. Saka ko lang narealize na nakaka-offend naman kasi yung sinabi ko
"Sorry po, wala po akong ibig sabihin sa sinabi ko" pagbawi ko sa nasabi ko kanina
"Hay naku, makapasok na nga para makabenta, kesa naman masira pa ang araw ko sa iyo bata ka" sabi ni Mama Rio bago pumasok sa loob ng bangko.
Nung matapos makapagbenta si Mama Rio sa mga empleyado, nilapitan ko sya para pumili ng pwede kong bilhin para ipasalubong sa Lolo at Lola ko.
"Hindi pwedeng puro tingin lang pogi, dapat bumibili rin para hindi masira ang negosyo ko" sabi ni Mama Rio.
"Bibili po talaga ako, pasalubong ko po sa Lolo at Lola ko" sabi ko
"May ngipin pa ba ang Lolo at Lola mo? Eto mansanas, masarap yan" sabi ni Mama Rio
"May ngipin pa naman po sila" sagot ko at hindi ko napigil ang pagtawa. "Sige po pabili po ng anim na mansanas, tig-dadalawa kami" sabi ko
"Aba, galante pala ang batang ito. Mabuti ka pa anim agad ang binili, hindi katulad nung iba dyan hanggang tatlo lang na apples ang binibili sa akin" sabi ni Mama Rio at halatang nagpaparinig sa mga empleyado ng bangko. Masayang tawanan lang ang isinagot nila sa sinabi ni Mama Rio.
"Binata yang si Dondi, Mama Rio. Mukhang bagay sila ng anak mo" biglang sinabi ni Boss Lance. Lagot na, yung mga ganitong usapan ang ayoko eh kasi hindi ako komportable.
"Ano kamo Sir Lance, si Cristina ko bagay dito kay tisoy?" biglang react ni Mama Rio
"Oo, bagay sila ni Dondi, tingnan mong mabuti" sagot ni Boss Lance.
"Hay naku Sir Lance, ayoko nang mga bagay-bagay na ganyan. Nag-aaral pa si Cristina ko. Hindi pa sya pwedeng mag-boyfriend" sabi ni Mama Rio
"Hindi mo mapipigilan ang bugso ng damdamin Mama Rio" patuloy na panunukso ni Boss Lance kay Mama Rio.
"Kapag naka-graduate na si Cristina, pwede na." sagot ni Mama Rio
"So ibig bang sabihin, boto ka na kay Dondi para sa anak mo?" Tanong ni Boss Lance
"Hindi pa rin, patunayan muna nya ang sarili nya" mabilit na sagot ni Mama Rio
Grabe naman kung makatanggi 'tong si Mama Rio parang liligawan ko agad yung anak nya kapag nakilala ko na. Sagad kung maka-ayaw, pakiramdam ko tuloy ang pangit ko. Ang tanong lang naman eh, maganda ba ang anak nya? Nakikita ko naman na may itsura si Mama Rio, kung naging tutoong lalaki lang sya, eh ang kisig nya malamang. Pero paano na lang kung hindi sya ang kamukha nung anak nya at hindi naman talaga kagandahan, malulugi naman ako.
Saka ako rin naman, hindi pa pwedeng mag-girlfriend kasi marami pa akong gustong gawin para sa sarili ko pati na rin sa Lolo at Lola ko. Malayo sa isip ko ang pakikipag-relasyon.
************************
Talaga ba Dondi? Ano kaya ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo na yung babaing kanina mo pa pinaghihirapang hanapin sa social media eh ilang hakbang lang pala ang layo sa iyo. 😉😛😊Maraming salamat po and God bless 🙏🙏🙏🙏🙏
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...