22 - Ice Candy

883 100 16
                                    

Anna's POV

Hay naku kung kelan naman kailangan saka ko hindi makita. Si Mama kasi kapag nagligpit parang hindi na ulit gagamitin ang mga gamit. Nasaan na ba kasi nilagay ni Mama yung blender?

"Ano ba nag hinahanap mo at ang aga-aga mong nag-iingay" sabi ni Mama Rio

"Good morning Ma, nagising ba kita?" tanong ko

"Obvious ba? Ano ba kasi ang hinahanap mo?" tanong nya ulit

"Hinahanap ko yung blender natin, Ma. Saan mo po nilagay?" tanong ko rin

"Anong gagawin mo sa blender?" tanong pabalik ni Mama

"Gagawa ako ng ice candy?" sagot ko

"Anong gagawin mo sa ice candy, baka naman mamaga ang tonsils mo kakakain ng ice candy" sabi ni Mama

"Eh basta, nasaan na kasi Ma?" pangungulit ko

"Susmeng bata ito, nandun sa itaas ng cabinet, hindi naman natin madalas gamitin kaya itinago ko na lang dun" sagot ni Mama

"Thank you Ma" masaya kong sagot. "Sige tulog ka na po ulit" dagdag ko

"Hindi na, sasamahan na lang kitang bumili ng mga paninda. Hindi na rin naman ako makakatulog ulit" sagot ni Mama.

"Ok, etong kape ko Ma, sa yo na lang, magtitimpla na lang ako ng bago para sa akin" sabi ko

"Wag na anak, mamaya na lang ako magkakape, magluluto muna ako ng almusal. Anong gusto mong kainin?" tanong nya

"Nakaluto na po ako ng pritong itlog, hinihintay ko na lang si Boyet. Pinabili ko po na pandesal" sagot ko

"Ganon ba? Mainam naman kung ganon. Ako na lang ang magtitimpla ng kape ko. Maupo la na lang dyan" Sabi ni Mama. "Syanga pala, ano ba ang flavor ng ice candy na gagawin mo?" biglang tanong nya habang nagtitimpla ng kape nya.

"Hindi ko pa po alam Ma, iniisip ko pa kung anong flavor ang masarap" sagot ko

"Avocado flavor kaya?" bigla nyang sagot at kamuntik ko nang maibuga ang kapeng iniinom ko. Ramdam ko na may masesermunan nang ganito kaaga at malamang ako yun. Malamang nag-squel na naman itong si Boyet eh. "Ano bakit hindi ka nakasagot? Hindi ba masarap ang avocado flavor ng ice candy?" makahulugan nyang tanong

"Mahal po ang avocado ngayon Ma" maang-maangan kong sagot

"Alam mo palang mahal ang avocado sa panahong ito, bakit ang dami mong biniling paninda?" seryosong tanong ni Mama na nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Oo nga pala, nakareserve nga pala ang mga iyon. Kelan na nga kukunin nung mga may-ari yung mga pinareserve nila" dagdag na tanong ni Mama.

"Bukas daw po ng hapon" sagot ko

"Mabuti naman kung ganon, makikilala ko ang mga suki mo" sagot ni Mama

"Di ba may beaucon ka mamaya? Sabi mo maaga ang alis nyo ni Ninang Candy" sabi ko

"Maaga nga, mga alas singko ng hapon" sagot ni Mama

"ALAS SINGKO PA NG HAPON" malakas kong sagot

"May problema ba kung alas singko ng hapon pa ako aalis ng tindahan Cristina?" tanong ni Mama at alam kong wala na akong magagawa kundi magsabi sa kanya ng tutoo.

"Sorry po Ma" nakatungo kong sabi

"Para saan ang sorry Cristina? Sa pagsigaw mo ngayon lang o sa hindi pagsabi ng tutoo?" tanong ni Mama

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon