Pumangalumbaba ako sa study table ko. I sighed. Ganito na lang ba talaga ang buhay ko? Paulit-ulit na lang, wala na bang bago? Yung may thrill naman.
Nagulat ako ng biglang natumba ang lagayan ng mga ballpens, pencils, and color pens ko.
"Wala namang ganyanan," biglang sabi ko. Gusto ko ng thrill, pero ayoko naman ng horror. Matatakutin ako sa mga multo e.
"Tulong!" sumigaw ako ng malakas nang makita ko ang isang ballpen na bigla na lang tumayo na para bang may humahawak dito kahit wala naman.
Mas lalong kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa takot at kaba, nang tumutuktok pa ang ballpen nang mag-isa sa may lamesa, kaya nagkakaroon ng ingay sa buong kwarto ko.
Ako pa naman mag-isa sa buong apartment ko. Anong gagawin ko?!
Hindi pa rin tumitigil sa pagtuktok nang mag-isa yung ballpen, pero bigla akong napatingin nang itutok niya sa kung saan ang point ng ballpen.
"Notebook?" tanong ko nang makita kong doon 'yon nakatutok.
Agad ko yung kinuha at nanginginig na binuksan ang notebook.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong kusang nagsulat ang ballpen sa notebook.
"HELP ME." 'Yan ang pagkakabasa ko sa nakasulat, kahit pangit ang pagkakasulat.
Parang unti-unting nawala yung takot ko. "Hindi ka naman dangerous?" tanong ko. Siguro mukha akong baliw kung may makakakita sa akin, dahil nagsasalita lang akong mag-isa.
Tumingin ako sa ballpen nang muli 'yong sumulat.
"No." Napabuntong hininga ako doon.
"So... If you want me to help you-- firstly, what is your name?" tanong ko sa hangin, at nakatingin sa ballpen at notebook dahil doon ko makukuha ang sagot niya.
"Arcus."
"Arcus? Your surname?" tanong ko dahil paano ko siya makikila kung name niya lang ang alam ko. Like, hello? Maraming Arcus kaya sa buong mundo. May kapangalan pa siya na kakilala ko.
"I don't know." Nakita kong nakasulat sa notebook na sagot niya, kaya napabuntong hininga ako. Napansin niya siguro 'yon kaya muli siyang sumulat. Nakailang papel na siyang gamit ah?
"Help me, please?" I sighed again.
"Oo na! Oo na, kahit takot ako sa multo!" Napairap na lang ako.
"Thank you!" Nakita kong nalaglag ang ballpen, at nanindig ang mga balahibo ko nang makaramdam ako ng lamig, para niya akong niyakap? I don't know, hindi ko naman siya nakikita.
"Nakikita mo ba ako?" Nakita kong umangat muli ang ballpen.
"Yes," sagot niya.
"Niyakap mo ako 'no?" May naramdaman kasi talaga akong may yumakap sa akin.
"Ahm." Nakita kong nakasulat sa notebook, at parang nag-aalangan pa ang ballpen na sumulat.
"Huwag mo akong ma-ahm-ahm diyan, chumachansing ka na kaagad sa aking mumu ka!"
"I'm sorry." 'Yon lang ang nakita kong sagot niya sa notebook. Hindi ko tuloy alam kong nakasimangot, nakangisi, o naiinis ba siya sa akin. Ang daya!
"Okay! First things first, gagawa ako ng rules at kailangan mo 'yong sundin para matulungan kita."
"Sure."
Napapabuntong hininga na lang talaga ako, hindi ko kasi makita kung ano yung reaksiyon niya.
"First! Bawal mag chansing sa akin. Second, bawal mamboso. Alam kong nakikita mo ako, malay ko bang baka mamaya maligo ako tapos bosohan mo pala ako? Mahirap na."
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...