UNNOTICED
[Read at your own risk!]"MAGBABAYAD KAYONG LAHAT! MAGBABAYAD!" Halos lahat kaming pamilya ay napalingon sa ate Marjure na nagwawala na ngayon.
"Anak, anong nangyayari sayo?" Marahan pa siyang hinaplos ni mama pero tinabig niya lang ang kamay nito at pinanlisakan ng mata si mama.
"LAHAT SILA! MAGBABAYAD!" Napansin kong dumodoble pa ang boses ni Ate Marjure, na siyang nagbigay takot sa aming lahat.
Pero habang patuloy siya sa pagsisigaw ay napansin ko ang luha sa kanyang mga mata.
Paulit-ulit lang ang kanyang sinasabi, na lahat sila ay magbabayad na siyang hindi namin maintindihan.
"Sinasaniban si Marjure!" sigaw ng isa sa mga kapamilya namin.
"Ted! Pumunta kayo sa simbahan, tawagin niyo si Father! Bilisan niyo!" sigaw naman ni mama.
Nakita kong nag tulong-tulong sila sa paghawak kay Ate Marjure na nagwawala pa rin hanggang ngayon.
"Bitawan niyo ako! Magbabayad sila!" sigaw muli ni ate Marjure.
"A-Ate Analyn," mahina lamang ang aking pagkakasabi pero sapat na iyon para marinig nilang lahat.
Lahat sila ay natahimik pati si ate Marjure na nagwawala at ngayon ay lumuluha na.
"Ate Analyn!" agad akong lumapit sa kanya at niyakap ang munti kong katawan sa ate ko.
Sa lahat ay ako ang pinaka close ni ate Analyn.
Naramdaman ko rin ang yakap ni Ate Analyn.
"Salamat Ary! Salamat at may nakakilala sa akin." Hindi katulad kanina, ngayon ay huminahon na siya.
"Analyn ikaw ba 'yan?" lumuluhang tanong ni mama.
Pinakawalan ako ni Ate Analyn.
"Mama..." nanginginig ang boses ni ate Marjure na sigurado akong sinaniban ni ate Analyn.
Kahit katawan ni ate Marjure ay ramdam ko kanina ang takot ni ate Analyn— ang panginginig niya.
Bumuhos ang masaganang luha sa lahat ng pamilya ko.
Isang linggo ng nawawala si ate Analyn at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita.
Niyakap agad siya ni mama at ni papa.
"Mama, t-tulungan n—niyo po ako..." ramdam ko ang hirap sa boses niya.
"Anak! Anong nangyari sayo?" Nakita kong umiling-iling si ate hanggang sa humagulgol ito ng iyak.
"Ma, w-wala na po ako. B-binaboy n—nila ako."
Lahat ng kamag-anak namin ay nagsi-iyakan na, hindi rin makapaniwala sa sinasabi ni Ate.
"Ikwento mo anak. Magbabayad silang lahat." Narinig kong mariing sinabi ni papa.
"Pa..."
"Anak, pagbabayarin natin sila." Hinaplos-haplos na ni mama si ate para kumalma ito kahit papaano.
Kitang-kita na ang panginginig ni ate sa takot nang magsimula na siyang mag kwento.
"P-pauwi na po ako galing school. Nang nasa lugar na po ako na walang masyadong tao, may bigla na l-lang pong pumukpok sa akin na matigas na bagay. Nanlaban ako, pinilit kong gumising, at nakita ko— nakita ko ang malalabo nilang imahe, marami sila at puro mga lalaki pero ni isa ay wala akong matandaan na mukha dahil tuluyan na po akong nahimatay." Umiyak si Ate habang umiiling na para bang hindi pa rin siya makapaniwala.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...