1ST GRADING
"Congrats, top 1 ka!" Ngumiti lang ako.
"Salamat."
Pero pag uwi ko sa bahay.
"Ma, Pa, top1 po ako." Masaya kong sabi.
Tinignan nila yung card ko na labis kong ikinasaya.
"Okay, pero sa susunod taasan mo yung grado... masyadong mababa para sa isang top 1."
"O-Opo."
--
2ND GRADING
"Uyy, halos lahat tumaas. Pero sayang itong 1 point na binaba mo sa English natin. Pero congrats! You're still the top 1."
"Salamat."
Pag uwi ko sa bahay.
"Ma, Pa, top 1 pa rin po ako tapos halos lahat naman po tumaas yung grades k—"
"Ano itong mababa? Anong sinabi ko?"
"D-Dapat lahat t-tumaas yung g-grado."
"Sa susunod ayus-ayusin mo."
"O-Opo."
--
3RD GRADING
"Uyy, top 2 ka! Ang galing mo talaga!"
"S-salamat."
Pag uwi ko sa bahay.
"L-Lahat po tumaas yung grades—" Iaabot ko sana yung card ko pero hindi nila tinananggap.
"Really?! Top 2? Nakakadisappoint ka!"
"S-Sorry po."
--
4TH GRADING
"Uyy sama ka sa outing ng class natin?" tanong ng mga classmate ko.
"Hindi e. Tatapusin ko pa mga paper works ko."
"Sus! Puro ka aral e! Ikaw na kaya matalino, sobra na yung katalinuhan mo."
Ngumiti lang ako sa kanila. Gusto ko sumama pero mas gusto ko na maging proud ang magulang ko saakin.
**
"Ma, Pa, punta po kayo sa recognition day namin."
Naalala ko pa yung sinabi ko sa kanila, pero ni isa walang pumunta.
"Congrats self, valedictorian ka. Bakit hindi ka pa nasanay na ganito palagi ang nangyayari taon-taon?" bulong ko sa aking sarili nang marinig ko ang aking pangalan upang sabitan ng mga medal na pinaghirapan ko pero walang ni isang naka-appreciate.
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
De TodoThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...