138

80 5 0
                                    

THAT GIRL HE WILL NEVER NOTICE

Siguro kung sasabihin ko ang kwentong pag-ibig ko ay walang-wala pa yung akin. Yung iba long distance relationship na pinagpalit pa sa malapit, yung iba naman na nasa kanila na nga ang taong mahal nila pero nasasaktan pa rin sila, yung mga martyr, yung iba na kahit anong lakas ng loob na pagpapansin o pagbibigay ng effort na hindi nakita nang taong mahal nila, yung iba na ilang years na yung relasyon pero nag end pa rin.

And while me? I'm just the girl who will never notice by the man I love. Walang nakakaalam na siya yung taong mahal ko kundi ako lamang.

Pero nasasaktan din naman ako. And I believe na kahit mababaw o mabigat man yung pinagdadaanan ng isang tao, kapag nasaktan, nasaktan.

You don't need to know what's the story behind or what's the real problem. Nasaktan yung isang tao, and you don't need to compare his or her problem to others kasi kahit ano pa ang dahilan, nasaktan pa rin siya.

And yung sa akin?

Yung mga effort na ginagawa ko na hinding-hindi niya makikita, 'coz I always keep it to myself. Those letters and poems na patago kong nilalagay sa locker niya, but still never niya rin ako makikila.

All the words I want to tell him, I'll just say it to God through my prayers. Lagi siyang nasa prayers ko, wishing all the best for him.

In six years stalking him, halos lahat alam ko na sa kanya. Nakilala ko yung mga iba't-ibang babae na dumaan sa buhay niya na pinasaya siya ng sobra ngunit sa huli ay pinalungkot at sinira lamang siya.

Gusto ko rin na maging isa sa mga babaeng mahal niya, at kung sakaling mangyari iyon ay hinding-hindi ko na siya pakakawalan. Pero paano 'yon mangyayari, if he never know that I exist.

I even got his number and always text him to greet his day, how was his day, if he already eat, if he is okay and such. Sometimes he replied at masaya na ako roon, hindi lang naman ako ang babaeng nagkakagusto sa kanya, marami kami. I am already lucky if he replied once.

I already know what he wants, favs, likes, anything about him ay alam ko.

It's always my routine, kapag papasok ako sa school sa umaga ay titignan ko siya ng patago para good mood na ang buong araw ko. Just seeing him a far will make my lips curve into a smile.

I'm always there for him, support him. If he is happy then I'm the most happy person for him, and if he is sad, I am also sad, kumbaga naka depende sa kanya lahat.

But then destiny really played me well. I got the news that Jass is in a relationship with my bestfriend.

"Bes, kami na ni Jass yung crush ko! Fudge! Parang dati lang pinagpapantasyahan ko lang siya. And now he is mine!" Pilit akong ngumiti sa kaibigan kong si Fienna.

"W-Wow! Congrats."

Sa lahat ng babaeng naging girlfriend ni Jass ay ngayon ako nasaktan ng sobra. Bakit kaibigan ko pa?

"Hon!" I felt my heartbeat pound so fast when I heard that familiar voice.

"Oh hon." They kissed in front of me. And it hurts kahit na ilang segundo lamang iyon.

"Let's go? Mag d-date pa tayo."

Fienna looked at me. "Alis na kami Noreen ha. Bye, kita na lang ulit tayo bukas."

Jass looked at me too, and nodded at me like he was bidding a goodbye. And that was my first interaction with him, 'yon ang kauna-unahan na nagtagpo yung tingin namin. But sadly, baka iyon na ang huli.

I felt like I am backstabbing my bestfriend because I am in love with his boyfriend Jass.

Lahat ginawa ko para itigil yung nararamdaman ko para kay Jass. Paunti-unti ay tinigil ko, I stopped stalking him, I stopped sending him texts, I stopped giving him letters secretly. Lahat ay hininto ko.

Sobrang sakit kahit wala namang naging kami, at nakakatawa pa dahil hindi niya nga ako kilala but he is unintentionally hurting me.

Ang hirap mag mahal ng patago, kaya sobrang hirap ding masaktan na patago. Umiiyak patago. Wala kang masabihan kahit kaibigan dahil wala rin naman silang alam.

Unti-unti ay nasanay ako pero hindi ko itatago sa sarili ko na siya pa rin yung lalaking mahal ko.

I detach myself to the things that will only reminded me of him just to lessen the pain.

Then one day Fienna came to me crying. She told me everything na naghiwalay sila ni Jass.

"Paano? Your relationship is almost perfect," I uttered.

But she shooked her head. "Minahal ko si Jass as my friend, Noreen. Tanggap ko yung paghihiwalay namin pero ang hindi ko tanggap ay aalis na siya."

Nanlaki ang mga mata ko. "W-What?"

"The real reason why we broke up is because he used me."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi 'yon magagawa ni Jass," I confidently said. Kilala ko si Jass, he will never do it.

"Nagawa niya Noreen. Nagawa niya para sa babaeng mahal niya. Nagawa niya para sayo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Gusto ko itong sabihin sayo Noreen kasi baka may paraan pa para mapigilan ang pag-alis niya. He will leave because he is hurt. I know na hindi mo siya gano'n kilala, but please Noreen give him a chance? He is a good guy."

Kung alam mo lang Fienna. Kung alam mo lang.

"Nasaan siya?" I asked in panic.

"Airport. He will go to states permanently."

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari pero ang alam ko lang ngayon ay tumatakbo ako para sundan kung nasaan man siya.

Nakasakay na ako ngayon sa taxi na pinarahan ko kanina. Hindi na ako mapakali. Para na akong sasabog sa kung ano-anong emosyon na nararamdman ko.

Kinakabahan, natatakot, masaya, excited at mga emosyon na hindi ko na mapangalanan pa. All I know is he also likes me!

I want to know the truth but first I need to stop him leaving.

"Jass, I am almost there..."

Pagkababa ko sa sasakyan ay tumakbo agad ako.

Pero may narinig ako na sobrang lakas na busina ng sasakyan at maliwanag na ilaw nang pag lingon ko sa aking kaliwa.

Isang malaking truck ang papunta sa akin. At napapikit na lamang ko.

Halos mabingi ako. I felt the pain in my head and body.

Nakadapa ako sa daanan at pinilit na tumayo pero hindi ko nagawa.

Kahit na malabo ay nakita ko ang maraming dugo na galing mismo sa akin.

I can't breath.

"J-Jass..." I whispered his name.

Marami akong mga boses na naririnig na hindi ko na maintindihan.

I think this is the end. But it really hurts. Why God let my life be like this?

In the end, I am still the girl he will never notice. Kahit man lang sa huling sandali ko ay hindi ko nasabi sa kanya o kahit sa iba na mahal na mahal ko siya.

Kahit na nanghihina at nahihirapan ay ginalaw ko ang aking kamay.

Ginamit ko ang sarili kong dugo at may pinahid sa kinahihigaan ko ang mga salitang hinding-hindi ko na masasabi pa.

"I LOVE YOU, JASS."

Everything went all black.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon