015

181 13 0
                                    

THE GHOST IS ALSO A VICTIM ;

[Warning: Read at your own risk]

"Ang dami talagang nar-rape sa Tahimik st. 'no? Nakakatakot dumaan doon pag gabi. Doon talaga ang lugar ng mga rapist, tsk." habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na makinig sa tatlong babae na nag-uusap

Napahinto muna ako sa aking paglalakad, upang makinig.

"Alam niyo ba, may multo nga doon kung saan pinapatay niya ang mga rapist pag may nagagahasa doon" narinig ko namang sabi nung isa

"Ayon na nga e, alam na nilang may pumapatay sa kapwa nila rapist pero patuloy pa rin sila sa pang r-rape. Mabuti lang 'yon sa kanila" napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero bago ako tuluyang makalayo sa kanila ay narinig ko pa ang sinabi nang isa sa mga babaeng nag-uusap.

"Siguro kaya pinapatay ng multo ang nga rapist, dahil siguro 'yon din ang kinamatay niya? What do you think?"

Hindi ko na lamang pinansin ang huling sinabi nang babae.

Napatingala ako at napatingin sa papadilim na kalangitan.

Naglakad ako patungo sa Tahimik st. para alamin ang totoo. Nakabiktima na rin ako, at dalawang beses ko na 'yong nagawa pero hindi naman ako pinatay nang multong sinasabi nila. At tamang-tama parang gusto ko ulit makatikim ngayon.

Nakapamulsa akong naglakad, at tuluyan na akong nakarating sa Tahimik st.

Sumandal ako sa malaking puno habang naghihintay ng mabibiktima. Walang katao-tao sa lugar na ito. Curious din ako sa sinasabi nilang multo.

Nagulat na lamang ako nang may magsalita sa kung saan.

"Papatay ka na naman ng inosente?" malalim at puno ng galit ang boses na narinig ko

"Yes" simpleng sagot ko, I think this is the ghost na sinasabi nila. Hindi ako natatakot sa kanya, dapat pa nga akong matakot sa mga tao.

"Pare-pareho lang kayo! Dapat ka ring mamatay!" sumigaw ang babaeng multo, kaya napalingon ako.

Nakita ko siya. Mahabang buhok ang tumatakip sa buong mukha niya, at mahabang kulay puting dress na puno ng dugo ang kanyang suot.

Unti-unti siyang lumapit sa akin, kaya napaatras naman ako.

Nakayuko lang ito, kaya hindi niya rin ako nakikita. Huminto siya sa paglalakad at unti-unting hinawi ang mahabang buhok, na magpapakita ng mukha niya.

Nang tuluyan niyang mahawi ang kanyang buhok ay nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.

Gayon din siya nang makita niya rin ako.

Nakita kong tumulo ang luha sa mapupula niyang mata. Puno din ng dugo ang kanyang mukha, pero hinding-hindi ko siya makakalimutan.

"Naalala ko na ang lahat. Ngayon ay alam ko na, kung sino ang taong bumaboy at pumatay sa akin." madidiin niyang sabi

Napaatras ako nang lumapit siya sa akin.

"M-Maria Joy" banggit ko sa pangalan niya

"Huwag mo ako tawagin sa pangalan ko!" sigaw niya

"P-Patawad" nahihirapan kong sabi, dahil sinakal niya akong bigla.

"Mas gugustuhin kong marape na lang ng mga rapist na pinatay ko rin dito, kaysa gahasain at patayin ng mismong taong mahal ko, nang mismong Boyfriend ko" sunod-sunod na tumulo ang luha sa galit niyang mga mata.

"J-Joy. M-maawa ka sa akin" hirap na hirap kong sabi dahil humihigpit na ang pagkakasakal niya sa akin

"Bakit? Naawa ba ang mahal ko? Naawa ka ba?! Minahal kita, pero ano itong ginawa mo?" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagulat ako ng niyakap niya akong bigla, para akong nanghina sa ginawa niya.

"P-patawad" 'yan lamang ang nasabi ko. Alam kong nag kamali ako.

"Mahal na mahal kita, at pinapatawad na kita sa ginawa mo sa akin. Pero bakit pati ang Ate ko? Pati ang Ate ko ay ginagasa at pinatay mo! Kaya dapat ring mangyari sayo ang ginawa ko sa mga katulad mo. Dapat ka ring mamatay."

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon