"Argh! History na naman subject natin! Nakakabored kaya!" pagrereklamo ko sa katabi kong kaibigan.
"Hindi kaya, kung magbabasa ka at makikinig napakaganda ng history ng bansa natin. Na ang dami nilang pinaglaban makuha lang natin ang kalayaan na mayroon tayo ngayon." Napairap ako sa sinabi niya, bakit ba kasi ako sa kanya nagrereklamo? Kung may pagkakataon ata siyang makapunta sa panahon na iyon ay pumunta na siguro siya.
Lumingon na lang ako sa ibang classmates ko na nagrereklamo rin sa subject namin ngayon at nag damayan kami ng isa't-isa.
Ito namang kaibigan ko sa tabi ko ay tahimik lang ng dumating na ang prof namin sa history.
Hays! Nakakantok na subject ito, pero kailangan kong labanan baka bumagsak pa ako ng hindi oras 'no! Ayoko naman no'n.
"Magandang umaga sa inyo," ani ng prof namin at bumati rin kami pabalik sa kanya.
"Maganda umaga rin po."
Nagsimula ng mag turo ang prof namin at nakatingin lang ako sa kanya pero hindi naman ako nakikinig.
Napapikit ang mata ko dahil sa sobrang nakakaantok talaga ang subject na ito pero nang mag mulat ako ay nasa ibang lugar na ako.
"Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili.
Lahat makaluma, pati ang pananamit ng mga taong nakikita ko.
Lumapit ako sa isang ale at magtatanong sana pero hindi nila ako nakikita!
Kinakabahan na ako. Bakit ako napunta dito? Anong mayroon? Nasa classroom lang ako ah?
Npatingin na lang ako sa paligid. Alam kong mahihirap lamang ang mga tao dito pero nakangiti sila at masasayang nag-uusap-usap na akala mo walang problema.
May ibang mga bata na tinutulungan yung matatanda kapag maraming dala-dala dahil nasa isang malaking palengke ata ako.
Sobrang namamangha pa ako sa aking nakikita ng mag bago ang paligid.
At nalaman kong nasa spanish era ako ng makita ko ang mga tao sa loob.
Maganda ang lugar at maayos naman ngayon ang suot ng mga tao dito na mga espanyol.
Kahit may hindi ako naiintindihan ay alam ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Kinukurakot nila ang mga Pilipino!
Lahat ng mga Judges, Army officer provincial executives, at goverment employees. Lahat ay pinadala rin ng mga espanyol sa Pilipinas na galing sa kanilang bansa! Lahat ng mga matataas ang posisyon ay puro mga espanyol.
Pati yung mga nakuha nila sa mga pinaghirapan ng Pilipino ay pinangsusugal lamang nila.
Nangingitngit pa ako sa galit ng biglang nag bago na naman ang lugar.
Nasa isa akong bulwagan at may mga nakita na akong kapwa ko Pilipino na nakabihis ng pormal.
Narinig ko sa isa sa mga tao ang pinag-uusapan nila. This place is the first period of Philippine representation in the Spanish Cortes. Ngunit hindi pinansin ng mga espanyol ang hinaing ng mga Pilipino rito kaya nag salita na rin si Graciano Lopez Jaena at nagmakaawa na pakinggan sila para sa sariling bansa at mga gobernador nito ngunit muli na namang ito hindi pinansin ang pagmamakaawa ni Lopez Jaena at ang mga kasamahan nito.
At hindi na ako magtataka nang dito magsimula ang Propaganda na naging daan sa Philippine Revoulution of 1896. Naalala ko ito sa lesson namin sa history.
Paiba-iba yung lugar na napupuntahan ko at naawa na ako sa mga kababayan ko. Gusto ko ng makaalis dito, ayoko ng makita pa ito.
Pati yung mga human rights ng mga Pilipino ay hindi binigay ng mga espanyol. Mga hayop sila! Ginawa nilang alipin ang mga Pilipino!
Nasa ibang lugar na naman ako, ito naman ay ang pagpapakilala ng Christianity sa Pilipinas. Pero ginamit din ito ng mga espanyol sa Pilipino sa masamang paraan.
Nakita ko ang pang-aasar ng isang espanyol sa isang Pilipino na maitim at pango ang ilong.
Naalala ko ito sa history subject namin! Ito yung No equality before the law. Ganito pala ka-grabe ang nangyari noon.
Umiyak lamang ang Pilipino na inaasar na ng mga espanyol dahil sa balat nito.
At ayon sa Spanish Penal Code, mas mabigat ang pinapataw na parusa sa mga Pilipinong maiitim at kayumanggi lamang ang balat kaysa sa mga mapuputing espanyol na kapag nakagawa ng kasalanan ay mababaw lamang ang ibibigay na parusa.
Pero parang nadala ito ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Yung mga tao kasi sa kasalukuyan kapag maganda ka ikaw ang sikat, maraming opportunity ang matatanggap hindi katulad na kapag pangit ka lalaitin ka pa ng iba. Nakakalungkot dahil nasaan na yung pinaglaban ng mga Pilipino dati? Nasaan an yung pinaglaban ng mga national hero natin?
Nasa ibang lugar na naman ako, at ngayon ay nasa korte. Mga Pilipinong hindi nakukuha ang hustisya dahil lamang sa mahirap sila. Mga Pilipinong hindi binibigyan ng pagkakataon para makamit ang hustisya na gusto nila.
At naiyak ako sa isang scene na nakita ko. Alam kong pilipino siya, nandoon siya sa pinangyarihan ng patayan at siya ang naging suspect at nakulong agad ng wala man lang ginagawang hakbang sa imbestigasyon kung siya ba talaga ang may kasalanan.
Gusto ko ng maiyak sa nakikita ko. Sana matigil na ito.
Nandito ako ngayon sa kulungan kung saan halos mga Pilipino ang nagsisisigaw na wala silang kasalanan ngunit walang nakakarinig o dapat sabihing walang pumapansin sa kanilang mga hinaing dahil nga sa mahihirap sila.
Gusto kong tumulong pero wala akong magawa.
Nakita ko rin ang mga nagt-trabahong mga mahihirap na tao lalo na ang mga Pilipino.
Naalala ko na isa rin ito sa pinag-aralan namin. Ang force labor na mas kilala o tinatawag na Polo. Mga espanyol din ang nagtatag nito.
Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata nila pero wala silang magawa.
Nag t-trabaho sila pero hindi man lang sila mabigyan ng sahod pero nag bibigay pa rin sila ng tax sa gobyerno na kinukurakot lamang. Saan ang hustisya rito?
Nagbago na naman ang lugar. Puro mga gwardya ang nakikita ko sa madilim na lugar na ito.
At napatakip ako sa aking bibig ng makita ang dalawang Pilipinang kababaihan ang walang magawa dahil sa mga sakim na gwardya na ito.
Hindi ko na napigilan ang luha ko ng sapilitang tinanggal ng mga gwardya ang damit ng mga babae at sinimulan gahasain.
Pinikit ko ang aking mga mata dahil hindi ko na kaya ang aking nakikita.
Naalala ko na ito ang mga Guardia Civil sa kwento ni Dr. Jose Rizal sa libro niyang Noli Me Tangere. Mas malala pa pala ito sa totoong buhay.
Hindi ko na kaya pang makakita ang paghihirap ng kapwa ko Pilipino. Gusto ko ng umalis! Ayoko na dito! Nagmamakaawa ako! Ibalik na sana ako sa kasalukuyan!
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang prof ko sa unahan at nag d-discuss.
Napatingin sa amin ang prof ko at nagtaka.
"Bakit ka lumuluha miss Suarez?" Nagtaka rin ako ng binanggit niya ang apelyido ko kaya napahawak ako sa aking mukha at may basa nga ito ng luha.
Totoo pala ang nakita ko. Akala ko imahinasyon ko lamang ito.
"Wala ma'am, n-napuwing lamang ako." Tumango ang prof namin sa sagot ko.
Nakinig ako sa discussion niya at lahat ng ito ay tungkol sa pagsakop ng mga espanyol sa bansang Pilipinas at ang mga masasama at maling gawain ng mga ito na siyang mga nasaksihan ko.
Napalingon ako sa aking kaibigan ng tinawag niya ako.
Nakangisi ito kaya nangilabot agad ako.
"Ano ang nangyari sa iyong paglalakbay kaibigan? Napakaganda diba?"
Ano?!
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...