NOT YOUR TYPICAL LOVE STORY
Nasa jeep ako ngayon ng may sumakay na lalaking gwapo sa jeep.
Lahat kaming nasa loob ng jeep napatingin sa kanya, lalo na yung mga babaeng nagsisigawan na sa kilig.
Seriously? Ba't 'to sumakay sa jeep? Parang mayaman.
Halos mag uusog na yung grupo ng mga babae, para paupuin nila sa mga tabi nila kaya nagulat na lang ako ng sa tabi ko siya umupo.
Tahimik lang ako sa aking kinauupuan pero hindi na ako mapakali, sh*t! Ang bango niya pa, ang lakas ng dating.
I don't know, pero may sumanib ata sa aking malanding spirit dahil sa ginawa ko.
Nilabas ko ang aking cellphone, at nilagay ito sa aking tenga, kunwari may tatawagan ako. Pi-picturan ko siya, pero this time in-open ko yung flash ng camera para mapansin niya at yung maririnig niya yung tunog ng camera ng cellphone ko. Ewan ko, pero nawala yung hiya ko ngayong araw.
*Click*
*flash*Halos lahat napatingin sa akin sa ginawa ko, at doon lumabas ang hiya ko.
Shocks! Anong kagagahan na naman ang ginawa ko.
Nagulat ako ng kinuha niya ang aking cellphone, hinapit niya ang aking bewang at halos mapugto yung paghinga ko sa ginawa niya.
Tinapat niya sa aming dalawa ang camera ng cellphone ko, para mag picture.
"Smile," sabi niya bago kami mag picture, kaya wala na akong nagawa at ngumiti sa harap ng camera.
"Dapat sinabi mo agad sa akin na gusto mo akong picturan para hindi ka na nahirapan." Tapos kumindat pa siya sa akin.
"Jake Emmanuel Barredo. Add me, then chat na lang tayo. Manong para po." Pagkasabi niya no'n, hinalikan niya ang aking pisngi at binalik sa akin yung cellphone ko na kinuha niya bago bumaba na ng jeep.
Halos tulala ako sa mga nangyari at nahimasmasan lang ako ng magtiliian na naman sa kilig yung mga babae.
"Ate, gagawin ko nga yang technique mo!"
"Oo nga, baka sakaling makakuha rin ng pogi"
"Wah! sana lahat!"
"Ang swerte mo po ate!"Ngumiti na lang ako sa kanila at agad kong binuksan yung cellphone ko at sinearch yung pangalan niya para mag send ng Friend request at confirm na agad.
Jake: Hi, darling
Me: Darling? I love it. Hello, darlingAt doon nagsimula ang aming not your typical love story, in short landian lang.

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
AcakThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...