028

144 6 0
                                    

I LOVE YOU, MAN

"Carl, let's go?" Agad akong napaayos ng tayo ng dumating ang kaibigan ko.

"Man, where are we going?" I ask him, while he's taking off his uniform at naka t-shirt na siya.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay iba ang tinanong nito, "man, hindi mo ba huhubadin uniform mo?"

I laughed.

"Nah, hindi naman ako macho katulad mo." He also laughed at what i've said.

"You're weird man. Ang init kaya." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nauna na ako sa sasakyan niya dahil aalis daw kami.

"Saan ba tayo pupunta?" muli kong tanong.

"Sa Tagaytay, kain tayo bulalo sa sikat na restaurant ng Tita ko doon." Nanlaki ang mata ko. Iba talaga ugali nito, kung ano gusto— gagawin niya talaga.

"Ako na kaya mag drive? Ilang oras pa ang kakailanganin natin bago tayo doon makapunta." I suggest, but he just shook his head.

Pwede naman na kaming mag drive dahil may license naman na kami, and we're both college student—graduating na.

Napaigtad ako ng humawak siya sa balikat ko. "Ako na lang mag d-drive, ayokong mapagod ka," sabi niya.

Napalunok ako. "Sige, pero mag palit na lang tayo kapag nasa kalagitnaan na, nakakapagod kaya mag drive."

"Ako na lang. Sakay ka na." I stared at him, and sighed.

Parehas na kaming nakasakay sa sasakyan.

"Matulog ka na lang muna, baka mapagod ka sa byahe natin," sabi niya.

Wala na akong nagawa at pinikit ko na lang ang mata ko para matulog. Kukulitin na naman niya kasi ako, wala naman akong laban sa kanya.

--

Naalimpungatan ako ng may tumapik sa balikat ko. "Man, wake up. We're here."

Napamulat na ako ng aking mata at una kong nakita si Xian.

Agad akong lumiyad para lumayo sa kanya. Masyado kaming malapit sa isa't-isa.

Pagkalabas namin ng sasakyan ay napatingin ako sa kalangitan. Gabi na pala.

"Woah, ito yung restaurant?" Namangha akong napatingin sa paligid. Maraming tao sa loob ng restaurant, siguro mabenta ang bulalo dito.

"Wait lang Carl," sabi ni Xian at tinitigan ko ang pagtakbo niya papalapit sa kotse niya.

Bumalik ang tingin ko sa loob ng restaurant. Gusto ko ng pumasok dahil kita doon ang city lights. Napakaganda.

Nagulat na lamang ako ng may telang pumulupot sa upper body ko.

Taka akong napatingin kay Xian. He smiled at me.

"Baka kasi lamigin ka." I just nodded at him pero naguguluhan pa rin ako sa kinikilos niya.

Agad akong umiwas ng guguluhin niya ang top knot kong buhok.

"Man, guluhin mo na lahat 'wag lang ang top knot kong buhok. Mahirap mag-ayos." Napatulala ako sa kanya ng bigla itong tumawa.

"Oo na! Halika na pasok na tayo sa loob."

Napatingin ako sa likod ni Xian ng kinausap niya ang Tita niya na siyang may-ari ng restaurant na ito.

Lumingon sa akin si Xian at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa table na kitang-kita ang syudad.

Napatitig ako sa magkahawak naming kamay. Dalawang taon na kaming magkaibigan pero bakit ngayon lang ako naging awkward sa kinikilos niya?

Umupo na kami at nagsimulang kumain. Napakasarap ng bulalo, kaya hindi na ako magtataka kung maraming kumakain sa restaurant na ito, at napakaganda pa ng tanawin dito.

Nang matapos kaming kumain ay tumabi sa akin si Xian.

Nakaharap na kami sa city lights.

Napaigtad ako ng bigla na lang niyang ihilig ang ulo sa aking balikat.

"Man, why are you like this? Hindi ako sanay, its awkward." Hindi ko na napagilan ang gusto kong sabihin.

"I don't know either," sabi niya at umangat ang tingin sa akin.

I saw the hesitation in his eyes, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"I'm a Man, but fuck! Bakit ganito ang nararamdaman ko?" Napanganga ko sa sinabi niya.

What? Is he a gay?

"Xian, you know we're both man," sabi ko.

"I know. Hindi ko na alam sa sarili ko. Lalaki ako manamit, lalaki ako gumalaw, lalaki akong mag salita. Pero bakit ganito? Fuck! I think I like you— no! I l-love you? Shit, this is wrong!" Napatingin ako sa kanya kung paano niya guluhin ang buhok niya sa sobrang frustration.

Tintigan ko siya. Tama siya, lalaking-lalaki siya. Kaya bakit siya magkakagusto sa akin?

"Baka mali ka lang," nag-aalinlangan kong sabi.

"No, i'm not. Carl, I love you." Napapikit ako sa sinabi niya.

Bahagya muna akong lumunok bago magsalita.

Nang iminulat ko ang aking mata ay mapupungay na tinignan ko siya.

"Xian, i'm tired. I'm tired pretending. I'm tired to pretend that everything is okay." I sighed.

"What are you trying to say?" naguguluhang tanong niya.

Inangat ko ang aking kamay papunta sa buhok ko.

Tinanggal ko ang pagkakatali no'n. At tuluyang bumagsak ang brown long wavy hair ko.

"WHAT THE? Y-YOU ARE A GIRL?"

And I nodded at him.

"F*CK!"

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon