CANCER FIGHTER
I'm a famous doctor. Isa rin ako sa mga taong nag hahanap ng cure for cancer.
"Mommy!" I smiled at my daughter when I saw her. Masaya siyang nakangiti sa akin habang kumakaway at papapunta sa gawi ko.
Masisi ba nila ako? Yes, kami yung naghahanap ng cure sa cancer, pero wala kaming ginagawa. We're busy making money. Masisi ba nila? Para sa pamilya ko kaya ko ito nagagawa.
Naramdaman ko ang init ng yakap ng anak ko kaya't niyakap ko rin siya pabalik.
"Hows school baby?"
"Mommy naman e! Seven years old na po ako. Huwag na po baby!" Hindi ko maiwasan na matawa sa mukha niya kaya't ginulo ko ang buhok niya na mas lalo niyang kinanguso.
"Mommy nag didikit-dikit na po kami ng sulat... and looked! Kaya ko na po," Pinakita niya sa akin ang papel niya na may cursive na sulat. "And mommy, perfect po score ko sa quiz namin sa science!"
"Very good ang baby ko ah?"
"Syempre po! Gusto ko rin po maging katulad mo mommy! Gusto ko maging Doctor tapos po pagagalingin po natin yung may mga cancer kasi sabay po natin gagawin at hahanapin ang gamot."
Mas lumawak ang ngiti ko, pero nalungkot din ng may maalala. Isa nga rin pala ako sa mga tao na ginagamit ang cancer para kumita ng pera. Para naman ito sa anak ko. Para sa magandang kinabukasan niya.
"Soon, baby. Soon." I uttered to my cutest daughter while faking my smile because it's hard for me to see my daughter looked so healthy, but the other kids are still fighting cancer but can't do anything.
It's hard for me as a mother. But I am happy to see my daughter grow up happily and healthy. Sapat na sa akin 'yon.
But that was I thought.
Here I am crying.
I can't believe that my daugher... has a cancer.
"Why you lied to mommy? Why didn't you tell me that your head is aching," I said but she manage to smile to me that it broke my heart more.
"Mommy I am not afraid... but I am more worried that you might cry... like this po." Mas lalo akong umiyak.
Pero naramdaman ko ang maliliit n'yang kamay ma pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.
"Shh mommy... sorry if hindi ko po sinabi sa inyo na may masakit sa akin. Ano po ba sakit ko mommy?" Parang may kung ano ang nagbara sa lalamunan ko.
Kahit nagtatanong siya kung anong sakit niya nakangiti pa rin siya na parang wala lang iyon sa kanya.
Ang hirap. Ang hirap sabihin na... cancer din ang sakit niya.
Karma ko ba ito? Bakit ang anak ko pa? Bakit hindi na lang ako?
Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para huminto ako sa paghagulgol. Ayokong makita ako ng anak ko na ganito kahina gayong siya ang mas nahihirapan sa aming dalawa.
"Doctor ka po mommy. And I know po na magagamot mo ako. Mapapagaling mo po ako. Tapos po sa susunod tayong dalawa na po yung magpapagaling sa mga tao. Lalo na po sa may mga cancer. Ayoko na po matulad ang iba kay daddy. Ayoko pong may mamatay dahil po sa cancer."
Agad kong niyakap ng mahigpit ang anak ko.
"Gagawa ako ng paraan anak. I will do everything to find the cure. Just... just stay. Okay? Huwag mo iiwan si mommy ah?"
At katulad ng sinabi ko sa anak ko. Ginawa ko ang lahat. Hinanap ko ang maaring maging gamot sa cancer, sa sakit niya.
Pero ang sakit. Ang sakit na makita ang sarili kong anak na nahihirapan. Ako mismo ang Doctor pero wala... wala akong magawa. Wala akong kwenta.
Hanggang sa nakita ko na ang pagkawala ng buhok ng anak ko dahil sa gamutan.
Ang pangangayayat niya. Ang paglubog na masisigla niyang mata. Ang panghihina ng katawan niya.
"Mommy! May gift po ako sayo!" masaya niyang sabi na akala mo walang sakit.
Mapupungay ang mga mata ko nang tignan ko siya. "Ano 'yon baby? Hindi ko naman birthday ah? And I can't remember na may occasion ngayon."
Ngumiti muli siya.
"Charan! This gift is for you mommy, thank you po kasi hindi kayo sumusuko sa akin."
I looked at her gift. It's a picture frame na may nakalagay ng pictures.
Nasa gitna ang picture ko, at sa gilid ng picture ko ay ang picture ng asawa ko na wala ng buhok dahil sa cancer, sa isang side naman ay ang picture ng anak ko that I took few days ago... wala na rin siyang buhok dito. But they looked so happy. Their smile is genuine. At sa baba ng mga kanya-kanya naming litrato ay ang picture na kumpleto pa kaming pamilya. Noong baby pa ang anak ko na karga-karga ng asawa ko.
Tumulo ang luha ko... hanggang sa hindi na ito natigil.
Nakangiti ako habang lumuluha.
"Mommy kaya po nasa gilid kami ni Daddy kasi palagi lang po kaming nasa tabi mo. Palagi ka po naming babantayan ni daddy! Mahal na mahal po kita!"
Umiling-iling ako. May kutob na ako pero hindi ko kaya.
"Mommy, yakapin mo naman po ako."
Hindi ako nag dalawang isip at niyakap ko kaagad siya. Ramdam ko yung higpit ng yakap niya.
Pero halos mamatay na rin ako nang maramdaman ko na lang na unti-unti ng kumawala ang yakap niya... at ang dahilan ay tuluyan na siyang nawala, tuluyan na siyang kinuha sa akin.
Ang maliliit niyang braso ay nakalantay na lang.
"Anaaaaaak!!!" malakas na sigaw ko.
Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit ang mapayat niyang katawan.
--
Napatingin ako sa kalangitan para pigilan ang nagbabadyang luha.
Napakasariwa pa rin ng lahat. Parang kahapon lang nangyari.
It's been years pero tagos pa rin sa puso ko ang sakit.
Bakit yung pamilya ko pa? Bakit hindi na lang ako ang kinuha?
Siguro kung nabubuhay pa ang anak ko ay pareho na kaming Doctor... ito ang pangarap niya.
"Asawa ko, anak ko. Nakuha na ni mommy ang cure sa cancer. Marami ng gagaling dahil sa gamot na ito. Maraming salamat sa inyo. Now I know the purpose, kailangan muna niya kayong kunin sa akin para lang isampal sa akin na mali lahat ng ginawa ko noon. Kailangan muna kayong kuhain sa akin para malaman at makita ang halaga ko bilang isang Doctor."
Hinaplos ko ang dalawang lapida na nasa harap ko. Nakita ko ang dalawang pangalang nakaukit na sobrang mahalaga sa akin.
Agad akong pumunta dito dahil gusto ko sila ang unang makaalam.
Nilabas ko pa ang huling regalo ng anak ko sa akin bago siya kunin. Marahan ko rin iyong hinaplos.
Hindi man gumaling ang anak ko but she's a cancer fighter... kung hindi dahil sa kanya hindi matatalo ang sakit na ito. Because of her, I found the cure.
"Thank you anak. Mahal na mahal ko kayo."
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...