057

101 6 0
                                    

"PUNTA KAYO SA I8TH BIRTHDAY KO AH?" sabi ko sa mga kaibigan at classmates ko.

First time sa buong buhay ko na maghanda sa birthday ko at itong 18th birtday ko ay pinilit ko si Nanay na maghanda kahit kapos sa pera.

"Sorry, hindi ako makakapunta."
"Sobrang busy natin be e."
"Sususbukan ko pumunta."
"May handa ka na? Sige, susubukan ko, baka kasi hindi ako makapunta."
"Punta kami, baka malate lang kami kasi may practice pa sa group project natin."
"Hindi ako sigurado ah?

Ngumiti ako sa mga naririnig ko sa sinasabihan ko na pumunta sa birthday ko.

"Pero pilitin niyo punta ah?"

Sisiguraduhin ko namang makakapunta sila e.

--

"Oh, anak pupunta pa ba ang mga kaibigan at classmate mo? 8:00 pm na." Napatingin ako kay Nanay at ngumiti.

Yumakap ako sa kanya habang nakatalikod siya sa akin at nakatingin sa mga medyo nilalamig ng mga pagkain na pinaghirapan niyang ihanda.

Kahit marami kaming utang ay nagawan niya pa rin ng paraan.

"Pupunta sila Nay, late lang yung mga 'yon kasi marami kaming mga projects sa school na tinatapos nila." May parang nagbara sa aking lalamunan pero hindi ko iyon pinahalata kay Nanay.

"Ganoon ba? Aba't kumain na muna tayo para mamaya magaayos na lang tayo kapag nag datingan na mga kaibigan mo."

Tumango ako kahit hindi niya ako kita dahil nakayakap ako sa kanya mula sa likod.

"Salamat, Nay ah?"

"Ano ka ba anak, para sa iyo ito." Hindi ko na naiwasan ang pagtulo ng aking luha.

"Kahit sinisigaw-sigawan ka na at nilait-lait ng mga kapit-bahay natin dahil nangutang ka na naman para rito sa handa ko?"

Humarap na siya sa akin at nagulat dahil sa luhang nasa mga mata ko.

"Walang anuman anak, mahal na mahal kita kaya nagawa ko iyon. Kahit pride ko ay lulunukin ko basta para sa iyo."

"Pangako Nay, pupunta silang lahat para kainin ang napakasarap na mga hinanda mo sa 18th birthday ko ngayon." Parang nabunutan ng tinik ang puso ko ng ngumiti siya.

--

11:00 pm.

Napangiti ako ng lahat ng kaibigan at clasamate ko ay nakarating, pati ang adviser namin ay narito.

Lahat sila ay kumakain na hinanda ng Nanay ko. Masaya ako at natupad ko ang pangako ko kay Nanay.

Lumapit ako kay Nanay na nasa lamesa at nag aayos para sa lahat ng bisita namin.

Nakita ko siyang lumuluha habang nagsasandok ng spaghetti sa paper plate.

"Anak naman, bakit mo ginawa 'yon? Dahil ba sa pangako mo? Sobrang sakit naman anak, mas gugustuhin ko na lang mabaon sa utang kaysa..."

'mawala ako?' dugtong ko sa aking isip.

Oo nga pala, naalala ko na nagpakamatay rin ako sa mismong birthday ko ngayon para makapunta lahat ng niyaya ko dahil pinangako ko iyon sa aking pinakamamahal na Nanay.

Napangiti ako ng mapait.

Hindi naman ako nagkamali, natupad ko ang pangako ko.

"Natupad ko naman pangako ko Nay diba? Tignan mo nandito sila lahat, at kumakain ng napakasarap na hinanda mo. Ginusto ko rin ito dahil ayaw ko na ring maging pabigat sayo. Nay, mahal na mahal kita."

Napatingin ako sa aking katawan na nasa higaan namin na nakahiga... wala ng buhay.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon