MASKARA
Habang naglalakad kami sa daanan para makauwi na kasama ang kaibigan ko, nang may nakita ako sa sahig na maskara. Mukhang luma na ito, at hindi ko alam kung bakit ko iyon pinulot.
"Leannie, 'wag mo ng pulutin yan! Ang dumi ng maskarang iyan, baka kung saan pa 'yan galing." Nagbingibingihan ako sa sinabi ng kaibigan kong si Ariana.
Nang mapulot ko ang maskara ay pinagpagan ko iyon at may nakitang nakaukit na pangalan "Angelito Alonzo Monterde"
Pagkatapos kong bigkasin ang pangalan na iyon ay bigla na lang sumakit yung ulo ko.
"Liannie!!" Sinalo ako ng kaibigan kong si Ariana sa pagkakatumba ko.
Marami pang sinabi si Ariana, bago dumilim ang buong paligid ko at nawalan ng malay.
Nagulat ako ng pagdilat ng mata ko ay naka, gown na ako at may suot na maskara.
Nilibot ko ang aking paningin, lahat ng tao ay mga nakagown at formal attire at lahat rin sila ay may maskara katulad ko.
What the fuck? Nananaginip ba ako? Saang lugar ito?
"W-Where Am I?"
"Hinding-hindi magkakamali ang aking mga mata pag dating sayo Liannie, kahit magtago ka pa sa maskarang 'yan." Umawang ang ang aking labi ng may baritonong boses ng lalaki ang nagsalita sa aking likod.
Lumingon ako sa kanya. "Who are you?"
"Ouch, you're hurting me." Tapos may paghawak pa siya sa kanyang puso, at hindi ko alam kung bakit pero bigla akong natawa sa kanya.
"Alonzo?"
"Yes, hon?" tama nga ako, ang nakaukit na pangalan sa maskara ay ang pangalan ng lalaking kaharap ko ngayon.
"Pwede ko bang maisayaw ang pinakamagandang babae sa lugar na ito?" Hindi man niya makita, pero napangiti na lang ako. Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at nagsimula kaming magsayaw sa malamyos na musika.
Pinakiramdaman ko ang aking puso, malakas ang tibok nito at sigurado akong dahil ito kay Alonzo.
Tinanggal ni Alonzo ang kanyang suot na maskara at doon ko nakita ang kanyang kakisigan.
"Mahal na mahal kita." What the? Saan nanggaling 'yon? Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ko iyon nasabi?
"Mahal na mahal din kita." Hindi ko alam pero napangiti ako sa naging sagot ni Alonzo. What's happening to myself? Smiling to the to the person I don't really know.
"Huwag mong kakalimutan na mamahalin pa rin kita kahit nasaan ka man. At kahit ano man ang mangyaring ngayon, 'wag mong sisisihin ang sarili mo. Mahal na mahal kita, kahit na maraming hadlang sa pagmamahalan natin." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Nagulat na lang ako ng biglang magkagulo ang lahat at may lalaking sumigaw. "Layuan mo ang anak ko! Angelito Alonzo Monterde!"
Kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagkatumba ni Alonzo sa aking harapan, at maraming dugo ang nagkalat, dugo ng lalaking mahal ko.
"ALONZO!!" malakas kong sigaw.
Humihingal na napabangon ako sa aking pagkakahiga na umiiyak.
"Liannie, bakit umiyak ka? Nanaginip ka ba?" tumingin ako sa kaibigan kong si Ariana na taranta dahil sa pag gising ko.
Umiling lang ako sa kanya, at niyakap siya ng mahigpit.
"Shhhh, it's just a bad dream." Pag-aalo sa akin ng kaibigan ko, umiyak lang ako nang umiyak at wala ng sinabi pa.
Nilibot ko ang aking paningin sa kinaroroonan namin. "Nasaan tayo?"
"Nahimatay ka kasi kanina, kaya dinala kita sa malapit na clinic."
"Binuhat mo ako?"
"Of course not! Hindi kita kaya 'no. May lalaking tumulong sa akin, siya yung may ari ng maskarang pinulot mo kanina." Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa huling sinabi ni Ariana.
Napatingin ako sa pintuan ng may pumasok doon na gwapong lalaki.
"Alonzo..." Bumangon agad ako sa aking hinihigaan.
Kumunot ang noo ng lalaki sa aking sinabi.
"Kilala mo siya, Liannie?" tanong ni Ariana.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko? And You look familiar, nagkita na ba tayo?" bigla akong nasaktan sa tanong ni Alonzo.
Magsasalita na sana ako ng may babae pang pumasok sa kwarto at kinawit niya ang kanyang braso sa braso ni Alonzo. "Babe, aalis na ba tayo?"
G-Girlfriend niya?
"Ahm, pwede bang makuha na yung maskara ng boyfriend ko?" mahinahong tanong ng babae at tumango na lang ako
"Paano mo akong nakilala?" seryosong sabi ni Alonzo.
"A-Ahh, n-nakita ko yung p-pangalan mo sa m-maskara." Tumango siya sa sinabi ko.
Lumapit siya banda sa kinatatayuan ko at kinuha niya ang maskarang hawak-hawak ko pala.
Kinuha niya na ang maskara pero nagulat ako ng ibigay niya ulit iyon sa akin. "Ikaw ang tunay na nagmamay-ari ng maskarang ito, kaya sa iyo na ito."
Nakatulala na lang ako nang tuluyan ng umalis si Alonzo kasama ang nobyo niya.
"Liannie, bakit kung magtitigan kayo nung lalaki parang matagal na kayong magkakilala?"
Ngumiti lang ako ng mapait, nakilala niya ako pero hindi na niya sinabi ito. Mas mabuti na rin ang ginawa namin, may girlfriend siya, may boyfriend ako. At kahit na ano man ang gawin namin ay hinding-hindi talaga kami para sa isa't-isa, at kahit anong pilit namin, patuloy pa ring pipigilan ng tadhana ang pagmamahalan namin, sa nakaraan man o sa kasalukuyan.
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...