062

97 4 0
                                    

[Warning! Read at your own risk!]

WHO AMONG MY FRIENDS IS THE KILLER?

Ito ang tanong ko sa aking sarili habang humahagulgol ng may isa na naman sa kaibigan namin ang namatay.

"Hey, Fin. Don't blame yourself again." Pag aalo sa akin ni Klariz pero umiling lamang ako.

"No, this is my fault. Kim texted me na puntahan siya roon, pero sana mas binilisan ko. Sana naligtas ko siya. Kasalanan ko 'to, kasalanan ko," paulit-ulit kong sabi.

"The Police said to us that it was suicide at tumalon siya galing sa fourth floor kaya't iyon ang kanyang kinamatay," mahinahon lamang ang pagkakasabi ni Maria. Maria was a cold hearted one taliwas sa pangalan niyang Maria. But I know deep down she cared for us.

"Paano mo nagagawang maging kalmado gayong namatay ang kaibigan natin?"

"Because that was the truth. Hindi na mababalik ng luha natin ang nawalang kaibigan natin. Ang magagawa lang natin ay maghiganti sa may gawa nito sa atin." Napailing na lang ako habang lumuluha.

Niyakap naman ako ni Jean na inaalo rin ako. "Shhh, it's okay Fin. We can get through this."

Parang gumaan ang pakiramdam ko.

"I know Miley didn't suicide. I saw the signature of the serial killer. Small star on the wrist, katulad sa dalawa pa nating kaibigan na namatay. I think tayo ang pinupuntirya nung serial killer. Tayong magkakaibigan. Apat na lang tayong natitira, we must protect each other." Tumango ako sa pag sang-ayon sa sinsabi ni Klariz pero umiling rin sa huli dahil mali ang pagkakakilala niya sa serial killer.

"One of us is the killer. Walang nakakaalam na doon dumadaan at palaging ganoong oras dumadaan si Miley, kundi tayo lamang ang magkakaibigan. Sa tingin niyo malalaman iyon ng killer?" Paliwanag ko kaya napatitig sila sa akin.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. "At kapag nalaman ko na isa sa inyo ang mamatay tao, papatayin rin kita," seryoso kong sabi.

Lahat kami ay napatingin kay Maria na walang emosyon ang mga mata.

"What?" Maria asked.

"Sana hindi ikaw—" naputol ang sasabihin ni Jean.

"Yes my attitude is not good but I can't kill!"

Napabuntong hininga na lang kami. Hindi na ligtas. Dahil isa sa aming apat ang killer.

--

"Guys! May nakita akong invitation galing sa killer na nakalagay na sa bag ko kanina! Here!" Agad kong binigay sa kanila ang maliit na papel at nakasulat roon ang—

"Go to the abandoned building of our school? Is she serious? Nakakatakot doon, huwag na tayo pumunta baka mapahamak tayo." Agad na tinanggihan ito ni Jean na labis na ang takot sa mga mata.

"No! Ito na ang pagkakataon, pwede na tayong makaganti sa killer! We just need to bring a gun with silencer, to protect ourself."

"Fin is right," sang-ayon sa akin ni Maria. Pero kita ko ang pag tanggi nila Klariz at Jean pero napabuntong hininga na lang sila at walang nagawa kundi ang tumango.

Pero sino nga ba talaga sa amin ang killer? Si Jean ba na nagkukunwaring takot? Si Klariz? Si Maria na sa una pa lang ay alam ng nakakatakot? Kung sino man sa kanila, kailangan ko pa ring mag ingat.

--

10:00 pm na ng gabi at nandito na kami sa abandoned building ng school namin. Kasama rin ito sa school namin at kita ko pa ang building kung saan kami pumapasok, naging abandonado na nga lang talaga ang building na ito.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon