035

123 6 0
                                    

Its our first anniversary. So I want to surprise him. I design our room at sa gitna no'n ay may nakalagay na 'Happy 1st Anniversary'

I cooked all his favourite foods, and nag handa pa ako ng ibang pagkain para sa importanteng araw na ito. Bumili rin ako ng cake, and other sweet desserts.

May mga balloons sa paligid, rose petals and boquet of flowers in our bed.

Pagkatapos kong makapag handa ay nagsuot ako ng magandang dress.

Tinignan ko ang ginawa ko. Beautiful.

I smiled in contentment. Sigurado akong magugustuhan niya ito.

I texted him na pumunta sa hotel room namin. Pinatay ko muna ang ilaw at doon sa labas nag hintay sa kanya.

Mga ilang minuto lang ay nakarating din siya.

"Why?"

I smiled brightly.

"Make a wish. Tutuparin ko." So dahil importante ang araw na ito, kahit anong ihiling niya ay tutuparin ko.

Nakita kong nagliwanag ang mukha niya.

"Are you sure." I nodded.

Binuksan ko ang pintuan ng room namin at bago ko mabuksan ang ilaw ay sabay kaming nagsalita.

"Surprise!"

"I am breaking up with you, and that is my wish."

Nang mabuksan ko ang ilaw ay may confetti na nalaglag na isa din sa surprise ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa inihanda ko.

"Oh, I'm sorry. W-wrong timing." I saw the sympathy in his eyes habang nakatingin sa akin at sa ginawa ko.

My face fell, pero pinilit ko pa ring ngumiti.

"A-ahh... H-appy 1st anniversary." Parang may bumabara sa lalamunan ko.

Kinukurot nito ang puso ko, at parang may libo-libong karayom ang tumutusok doon.

"It's a s-surprise. Ahm, ano— pumapayag ako, w-wish 'yon ng m-mahal ko e."

Ngumingiti pa rin ako pero kinakagat ko ang pangiba-bang labi ko para pigilan ang luha ko.

"S-sorry..." Lalapit sana siya sa akin ngunit lumayo ko.

"H-hindi, o—okay l-lang talaga. A-ano, k-kainin m-mo na lang..." ngumiti pa rin ako.

I took a deep breath.

"I-ibigay mo na l--lang sa mga k-kaibigan mo. O b-baka h-hindi m--mo nagustuhan, i—itapon m-mo na l-lang."

Nakatulala lamang siya sa akin at purong awa ang nakikita ko sa mata niya.

"A-alis na a—ako."

Tumakbo ako paalis at narinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ko ngunit hindi na ako lumingon.

Nang tuluyang makalayo ako ay sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

Heartbreak.

Pain.

Dissapointment.

In our first anniversary.

"Tang'nang araw ito."

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon