042

125 8 0
                                    

FORGET ME

Tamang titig lang ako sa Abs ni crush kasi naka hubad-baro siya, aahhhh!

Shiz! Paano ba kumalma?

Pero naiinis ako kasi maraming nakakakita! Dapat ako lang makakakita niyan e! Kakainis!

Bakit ba kasi siya nag huhubad?

Katatapos niya lang kasi mag basketball kasama mga kaibigan niya tapos ayon nag hubad siya ng jersey niya kaya kita tuloy yung abs niya tapos nag f-flex pa yung mga katawan niya kapag gumagalaw siya.

Halos marindi na nga ako sa tilian ng mga babaeng school mate ko dito sa may gym kasi nga kita yung abs ni crush na para sa akin.

Unti-unti akong lumapit kay Crush, tapos ng mapansin nila ang paglapit ko kay Crush ay tumahimik ang lahat at doon naman dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

Parang bumagal ang lahat ng nasa paligid at kaming dalawa lamang ang narito habang nakatitig sa isa't-isa.

Tahimik pa rin ang lahat ng tuluyan na akong makalapit kay Crush.

Kinuha ko yung damit niya at pabalang na binigay sa kanya sa may bandang dibdib niya ang kanyang t-shirt.

"Suotin mo, maraming nakakakita sa katawan mo." Malamig kong sabi pero sa loob-loob ko halos manginig na ako sa kaba.

Tumalikod ako ng ma-realize ko ang ginawa ko. NAKAKAHIYA! Ano ba itong naisip ko?

Paalis pa lamang ako ng hinigit ni Drew ang palapulsuhan ko. Sa sobrang gulat ko ay napasubsob ako sa dibdib niya, pero suot na niya ang t-shirt niya? Ang bilis naman!

Agad akong lumayo sa kanya pero pinalibot niya ang kanyang kamay sa bewang ko at hinapit pa papalapit sa kanya. Napasinghap ako sa ginawa niya.

"A-anong g—ginagawa mo?" Lumapit siya sa akin at akala ko ay hahalikan niya ako kaya pumikit ako.

Pero naramdaman ko ang kiliti sa bandang tenga ko nang bumulong siya.

Halos mangilabot ako sa sobrang husky ng boses niya.

"Do you? Perhaps, remember me?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

Ofcourse! Siya yung taong gusto ko!

Hinarap niya na ako pero masyado pa ring malapit ang mga mukha namin sa isa't-isa. At nakapalibot pa rin ang kanang kamay niya sa bewang ko.

"O-oo, ikaw si D-Drew. Ang taong g-gusto ko."

WHAT?! Bakit ko nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya? Shiz!

Nakita ko ang saya at galak sa kanyang mga mata, "may naalala ka pa?"

Napabaling ako sa ibang direks'yon habang may inaalala pero wala naman kaming masyadong naging contact? Ang alam ko lang ay Cush ko siya pero bakit yung tingin niya? Parang kilalang-kilala niya ako.

"B-bakit? May dapat pa ba akong maalala?" Pag kasabi ko niyon ay agad niya akong tinulak palayo sa kanya na para bang napaso siya sa akin.

"Umalis ka na." Sobrang lamig ng pagkakasabi niya kaya kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba. Bakit naging ganito siya?

Habang nakatitig sa kanya may naalala ako na sinabi ng Mama ko.

May mga ala-ala akong kusa ko daw na kinalimutan.

Selective amnesia ang tawag doon. Noong una hindi ko ito pinansin pero sa tinanong kanina ni Drew parang may dapat akong maalala.

Sino ba talaga siya sa buhay ko?

Kaya daw nawala ang ibang ala-ala ko na ako mismo ang kumalimot— dahil daw sa sobrang sakit na naramdaman ko.

Hindi ko maintindihan kung anong sakit ang naranasan ko, pero ngayong nakatitig ako ngayon kay Drew— sobrang sakit ng puso ko.

Wala man akong maalala pero itong puso ko, sobrang sakit.

At hindi ko alam na may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

Tumitig sa akin si Drew at halos mapunit ang puso ko sa sinabi niya.

"Forget me again. Huwag mo na akong gustuhin o mahalin kung hindi mo naman kayang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa akin. Kakalimutan mo lang rin naman ako dahil doon ka naman magaling. Kaya kalimutan mo na lang ulit ako."

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon