HOW WE ENDED, WITHOUT 'US'
I have a suitor named Seb. He's almost a perfect man that every girl could wish for.
They asked me, why not him? Bakit pinapatagal ko pa na nasa ligawan stage kami at hindi na lang siya sagutin?
Hatid at sundo niya ako sa school, he always texted me goodmorning's, he always show his care for me, na kumain na ako, na matulog ng maaga dahil masama ang magpuyat, do my homework first before him... diba? Pati sa pag-aaral ko, hindi siya hadlang. Pati pamilya at mga kaibigan ko kilala na rin siya. Palagi siyang may unexpected surprises na mas gugustuhin ng isang babae sa lalaki, kasi marupok kami pagdating sa ganyan, kahit na hindi naman namin hinihiling na magbigay sila ng effort.
At 'yon na e. Malapit na. Nakuha na niya ang puso ko sa pinapakita at pinaparamdam niya sa akin.
Siguro nga ito ang dahilan kung bakit pakiramdam ko hindi ko siya masagot-sagot sa panliligaw niya sa akin.
Seb texted me na pumunta sa isang amusement park para mag date kami. May binigay pa siyang specific time pero maaga ako pumunta kasi ako naman ang may surprise sa kanya. Sasagutin ko na siya sa panliligaw niya.
One hour ang aga ko sa time na binigay niya sa akin.
Habang naglalakad papasok ay agad akong nagtago ng may familiar akong tao na nakita.
"Si Seb ba 'yon?" Pero bakit may kasamang babae?
Nagtago muli ako at this time, medyo malapit ako sa kanila at naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
"Bye, Mica. Mag review ka for your finals but sleep early okay? May exam ka pa naman tomorrow, so you need energy."
"Oo naman, Seb." Kita ko yung pagningning sa mata nang babae habang nakangiti kay Seb.
"I will not disturb you today, so you will focus on your studies. Bye, sasagutin mo pa ako e." Then Seb kissed the girl's forehead, na ginagawa niya rin sa akin at palagi kong nararamdaman na siya na talaga. Pero ginagawa niya rin pala sa iba.
Lumabas lang ako sa aking tinataguan ng nakaalis na ang babaeng kasama niya.
Kita ko yung masayang ngiti ni Seb habang nakatingin sa gawi nung babaeng umalis, pero agad itong nawala nung makita ako.
"K-Kanina ka pa ba, A-Avonie? Ang aga mo naman ata." I smiled sweetly at him.
"Hindi kasi ako makapaghintay na makita ka." At dahil sa ngiti ko ay ngumiti na rin siya na parang walang ginawang masama.
Pero hindi ko pala kayang mag panggap. Ang sakit naman nung ginawa niya. Yes, wala akong karapatan sa kanya dahil wala namang kami.
"W-Why are you crying? May problema ba?" There! Pati yung pag comfort niya sa akin kaya nahulog rin ako sa kanya, pero sa akin niya lang ba talaga ginagawa?
Lumapit siya sa akin pero mabilis ko siyang sinampal.
"What the?!"
"Ilan kaming nililigawan mo ha?! Wow! May pa option 1 and 2 ka pa, baka nga may option 3,4,5-"
"Ano naman sayo?! Bakit may tayo ba? Hindi mo pa ako pag ma-may-ari, so gagawin ko ang gusto ko." Muli ko siyang sinampal.
"T*ng-in*ng dahilan 'yan!"
So gano'n na pala? Pag hindi ka sigurado sa isa, dapat may reserba ka pang isa?
"Malapit na sana, Seb! Ayon na oh! Kuhang-kuha mo na." I am pertaining with my heart.
Bigla siyang napayuko. "A-akala ko kasi hindi mo ako sasagutin. Sorry."
"Kahit ano pa 'yang dahilan mo, mali pa rin ang ginawa mo! Dahil hindi lang ako yung sinaktan mo, pati rin yung babaeng kasama mo kanina! Kita mo ba yung saya namin tuwing kasama ka namin, paano mo nakakaya 'yon? Paano mo nakakayang pagsabayin kaming ligawan dahil lang diyan sa nakakap*nyeta mong dahilan na hindi ka sigurado sa amin?!"
"S-sorry." Napailing na lang ako.
"Let's end this, kahit walang naging tayo." And I walked out away from him.
Kinuha niya ang puso ko pero binalik niya itong durog na durog.
Nakikita ko na ang future ko sa kanya. He's almost my man, pero sinira niya lang dahil sa maliit na dahilan.
That's how we ended, without 'us'.
--
HartleyRoses
![](https://img.wattpad.com/cover/189347586-288-k51993.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...