017

194 17 1
                                    

[ THIS IS MY FIRST TIME, SO IT HURTS]

I am simple girl with a simple life, and my priority is to study para masuklian ko lahat ng sakripisyo ng magulang ko para sa akin.

Then one day a guy named Luis came into my life. At sa kanya ko natutunan ang lahat.

Hindi naman ako mahirap pakisamahan, at sa katunayan ay mas malapit ako sa mga lalaki. Isipin na nila ang gusto nilang isipin, but for me wala namang malisya doon.

Naging close kami ni Luis, lalo pa't parehas kami sa mga bagay-bagay kaya nagkakasundo kami.

Wala mang karanasan about love, pero ramdam ko naman na may gusto siya sa akin. Hindi ko siya tinatanong baka kasi nag a-assume lang ako, mahirap na.

He's so sweet when it comes to me, nakikita ko 'yon dahil iba yung trato niya sa akin kaysa sa mga kaibigan niyang babae.

Then may nakakapansin na sa amin, at may nagtanong sa akin, one of his friends.

"Kayo na ba ni Luis?" I laughed, at umiling. Katabi ko pa no'n si Luis pero hindi ko man lang naisip yung mararamdaman niya.

I answered his question while smiling, "no, we're just friends. No malice"

I looked at Luis, nakita ko yung dumaang sakit sa mata niya? May nasabi ba akong mali?

Pagkatapos no'n ay hindi niya ako chinachat, palagi kasi kaming nagpupuyat para makapag-usap. Siya palagi ang ka-late night talks ko, which is unusual for me- hindi naman kasi ako gano'n.

Tinanong ko ang mga kaibigan ko kung bakit nagkagano'n si Luis, at kinwento ko sa kanila ang nangyari.

Binatukan nila akong lahat, at nagsalita naman si Rose na isa sa mga kaibigan ko.

"Ang manhid-manhid mo talaga! Sinabi mo talaga 'yon tapos nasa tabi mo lang siya? Syempre nasaktan 'yon" bigla akong napaisip sa sinabi ni Rose.

Akala ko hindi siya magagalit doon kaya ko nasabi 'yon. Agad akong nag chat sa kanya at humingi ng sorry, at ang loko pinatawad naman agad ako.

--

Dumating ang araw na kinakatakutan ko. Nahuhulog na ako sa kanya.

Pinangako ko sa sarili ko na never ako mag b-boyfriend, pero hindi ko pa naman siya sinasagot and hindi naman siya nagsabi na manliligaw siya sa akin.

Pero nagulat pa rin ako sa sinabi niya.

"Arianne?" I looked at him while smiling, naglalaro kasi kami ng bad minton at nagpapahinga kami sa isang tabi.

"Hmm?" hinihingal kong sabi.

"I like you" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, pero nagawa ko pa rin naman siyang sagutin.

"A-ahh, haha. Okay" 'yon lang ang nasabi ko, pero ginulo niya ang buhok ko na siyang kinaiinis ko.

"Ano ba?!" I shouted but he smiled at me.

"Tara na, laro na tayo" I nodded at him.

--

Mas lalo siyang naging sweet sa akin. Palagi kaming nagsisimba tuwing linggo- isa sa mga nagustuhan ko sa kanya kasi maka-Diyos siya, family oriented din. In short he's an Ideal man for me.

Gabi-gabi na rin kaming nagc-chat. Ako yung tao na tamad mag reply pero pagdating sa kanya, hay! Lumulubog na talaga ako.

--

Dumating ang prom night namin. Nakita ko si Luis sa tuxedo na suot niya, ang gwapo niya talaga sa paningin ko.

Agad siyang lumapit sa akin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon