"I AM PREGNANT."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng aking pinaka kaibigan at bahagyang napatakip pa sa aking bibig.
Pero nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa lalaking katabi niya na... Boyfriend ko.
"W-What? Pero b-bakit kasama mo si Nash?" Pero mas lalo akong nagulat dahil sinakop ng matitikas na braso ni Nash ang bewang ng kaibigan ko.
"Ako ang Ama."
Napaatras ako sa aking kinatatayuan. At hindi ko pa namalayan ang sunod-sunod na ang pag patak ng luha sa aking mga mata.
Napailing-iling ako habang nakatingin sa kanila.
Wala akong nagawa kundi tumakbo papalayo sa kanila.
--
Napatingin ako sa alak na hawak at tumawa ng sarkastiko.
"Tangina! Dalawang mahalaga sa buhay ko. Ang kaibigan ko ang ang lalaking mahal ko! Woooh! Magsaya at magkakaanak na sila! Congratulations sa inyo!"
Mukha na akong baliw dahil tumatawa ako habang may luha sa mata ko.
Bakit ba hindi matapos-tapos pag-iyak ko? Bakit hindi maubos luha ko?
Two weeks! Two damn weeks na akong ganito.
Tinungga ko pa ang alak sa huling pagkakataon.
Napatingin ako sa buong apartment ko na madilim at makalat. Mga damit na nagkalat, mga bote ng alak na wala ng laman, mga balat ng junk foods, mga gamit ko na hindi na nalagay sa tamang lagayan at ang gamot na iniinom ko dalawang linggo na.
Napasubsob ako sa aking lamesa at humagulgol.
Nagmahal lang naman ako bakit kailangan akong gaguhin ng tadhana? Ano bang nagawa kong masama?
Humagulhol lang ako nang humagulgol. Alam kong matatapos din itong sakit, alam kong makakawala rin ako rito.
"Surprise!"
Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng maraming boses.
Lahat sila ay gulat sa kanilang nakita. Sino bang hindi? Namamagang mata pero panay tulo pa rin ang luha, magulong buhok, naglalakihang eyebags, nangayayat agad ang katawan... isama pa yung lugar ko na sobrang dumi.
"Hon!" Agad lumapit si Nash sa akin at yumakap.
Umiyak akong muli.
"B-Bitawan mo a-ako, niloko mo ako..." Hindi ko na kayang sumigaw pa o magwala, nanghihina na ako.
Napatingin ako sa kanila... bakit ang daming tao?
"H-Hon it's our 5th anniversary." He gazed at my mom. "Tita, I thought Mina is okay?"
Aligaga rin si mommy at hindi alam ang gagawin. " A-Akala ko rin. Tinawagan ko siya at sabi niya ayos lang siya."
"N-Nash, may nakita ako..." sabi ng kaibigan ko na si Yna.
Nalilito na ako sa kinikilos nila. Bakit? Anong mayroon?
"Anong ginagawa niyo?" I asked and Nash looked at me.
"Hon, this is supposed to be our surprise for you— my surprise for our anniversary. Hindi totoo na nabuntis ko ang kaibigan mo, it was just part of our planned... but it turns out na kami yung nasurprise sa nangyari sayo."
W-What? I-It can't be.
"What's that?" tanong ni Nash sa kaibigan ko.
"Pregnancy Test." Inabot ni Yna ang PT kay Nash.
"Anak?! Bakit may gamot ka rito?!" tanong ni mommy sa mga bote ng gamot na iniinom ko.
Nangunot ang noo ni Nash at napatingin sa akin. Alam na niya...
"A-Akala ko... H-hindi. Hindi ko l-lang alam gagawin ko nang mga oras na sinabi mo na buntis si Y-Yna at ikaw ang ama. H-Hindi ko alam saan ako kukuha ng lakas. Lugmok na lugmok na ako... S-Sorry. H-Hindi ko sinasadya!" Napaluhod ako.
Oh gosh! Anong nagawa ko?!
"What do you mean, Mina?" Nalilitong tanong ni Nash.
Napaangat ako ng tingin habang hindi na talaga matigil ang luha ko.
Lahat ng pamilya ko, kaibigan namin ay nakatingin sa akin at nag-aabang sa aking sasabihin.
"It was also my surprised, 'yang Pregnancu test with two red lines... pero gaya ng sabi mo, nabuntis mo si Yna kaya... Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahon na 'yon N-Nash."
"Please, sabihin mo na Mina," nanghihina at nagmamakaawang sabi ni Nash sa akin.
"I a-aborted our child."
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...