KALSADA
Disclaimer: This is a work of fiction. Take time to read this!
Warning: Read at your own risk!Oo, kalsada. Kasi sa kalsada lamang kaming mag pamilya na nakatira. Mahirap at salot sa lipunan kung tatawagin dahil ang magulang namin ay magnanakaw at ang ate ko naman ay isang puta o ibinibenta ang sariling katawan para lang kumita ng pera.
Lahat ng tao tingin sa amin ay masama— may naawa, may nandidiri, at may nagagalit.
Pero gusto kong ikwento sa inyo ang buhay na mayroon kami bago niyo kami husgahan.
Pito kaming magkakapatid at ako ang pangalawa. Lalaki ang bunso namin na may malubhang sakit pa, at babae na kaming lahat.
"Putangina! Ito lang nanakaw mo? Tanginang 'yan! Ano mapapagamot ng anak mo dito!" malakas na sigaw ni Inay kay Itay.
"Tangina mo ka! Ikaw kaya yung mag nakaw!" sigaw rin pabalik ni Itay.
Nakatingin lamang kaming magkakapatid sa kanilang dalawa.
"Mapapakain ba nito yung mga anak mo!" Tinignan pa ni Inay ang laman ng pitaka na ninakaw ni Itay, at kitang-kita ang pagkadismaya sa mukha niya.
"Tangina! E sa ganyan nga lang ang nakuha!" Hindi na ba sila titigil sa kakasigaw?
Tumayo si Inay at pinagsusuntok si Itay. Lumaban naman si Itay sa kanya.
"Wala ka talagang kwentang Asawa! Tangina! Yung anak mo mamatay na sa sakit!"
May tumulong isang patak ng luha sa aking mata. Agad ko yung pinunasan dahil sa akin na lang rin kumukuha ng lakas ang mga kapatid ko.
Wala kaming magawa. Palaging ganyan ang nangyayari sa pang araw-araw namin kaya sanay na rin kami.
Siguro kung natanggap lang yung Itay ko sa mga trabaho na pinag a-applyan niya— hindi naman kami ganito. Hindi sana sila magiging magnanakaw. Pero hinuhusgahan kaagad nila ang Itay ko kaya hindi siya matanggap-tanggap sa trabaho, kaya wala silang ibang pagpipilian kundi ang kumapit sa patalim.
Hindi na rin kami pinag-aral dahil sa kakapusan ng pera.
--
At isang araw, yung ate ko hindi na nagpakita. Mas lalo kaming nahirapan dahil nawala na lang bigla si ate.
Akala ko ay sumama lang siya sa mga matandang pinagsisilbihan niya at yayaman na siya. Pero kabaliktaran ang nangyari.
Nabalitaan namin na sumama nga si ate sa isang matanda pero para maging isang bayarang puta rin sa ibang bansa.
Gusto naming magalit, gusto naming mag sumbong sa mga kapulisan— pero wala kaming magawa kundi ang umiyak at mag luksa, paano kami hihingi ng tulong sa mga pulis kung ang mismong magulang namin ay gumagawa ng krimen.
Sobrang lupit ng tadhana sa amin.
--
Lahat kaming magkakapatid ay namalimos. Pero kulang pa 'yon at yung mga nananakawan ng mga magulang ko. At lumalala pa ng lumalala ang sakit ni bunso.
Kaya umisip ako ng paraan para makatulong.
May kaibigan din akong magnanakaw at nagpatulong ako sa kanya kung paano mag nakaw.
Mahirap pero nagawa ko.
Masaya akong lumapit kay Inay at Itay para ipakita yung perang nakuha ko sa pagnanakaw.
"Inay! Itay! May nakuha po akong pera," masayang sabi ko. Kumunot ang noo ni Inay.
"At saan galing 'yan?" tanong naman ni Itay.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...