[PROMISES ARE REALLY MEANT TO BE BROKEN]
"Will you marry me Ella?" I happily looked at him.
"Ofcourse, YES!" He smiled, when he heard my answer. Then he hugged me tight.
I will take the risk. Kapalit ng pag-aaral ko, ang pagkagalit ng mga magulang ko para sa pagmamahal na ito.
Ayaw na ayaw kasi ng mga magulang ko kay Kian, that's why I chose Kian over my Family. And i'm happy right now, hindi ako nagsisisi na pinili ko siya.
--
Dumating ang araw ng kasal namin ni Kian. Ang araw kung saan ang apelyido niya ay nakarugtong na sa pangalan ko.
Sa loob ng simbahan at sa harap ng Panginoon kung saan kami nagsumpaan na mamahalin, aalagaan at hinding-hindi sasaktan ang isa't-isa hanggang sa kahuli-hulihan naming paghinga.
Masaya. Masaya na kapag ipipikit mo ang iyong mga mata ay asawa mo ang huli mong makikita at sa paggising ay siya pa rin ang unang-una mong makikita.
Punong-puno ng pagmamahalan ang naging relasyon namin, hindi siya nagkulang sa pagpaparamdam sa akin- how much he love me.
Days, weeks, months and years past, we're happy. Yung kahit magkakaproblema kami ay masosulusyunan namin kaagad ng mag-asawa.
Then one day... Hindi ko alam kung ano nangyari- bigla na lang kaming nabaon sa utang.
Yung dating maayos naming bahay, ngayon ay bigla na lang naging kubo na halos masira na. Wala na ring kuryente at tubig dahil matagal na kaming hindi nakakapagbayad.
Natanggal na din si Kian sa trabaho niya dahil palaging lasing daw pag pumapasok.
Naging lasenggero na kasi si Kian nang mabaon kami sa utang.
Halos wala na rin kaming makain. Ni hindi na kami nakakatatlong kain sa isang araw, matutulog na lang kami na walang kain.
Hindi ko alam kung bakit nagkaganito.
Masaya pa kami e.
At yung dating mabait na Kian ay kaya na akong saktan ng pisikal, pero iniintindi ko dahil siguro sa problema na kinakaharap namin.
I always understand him, kasi kung dadagdag lang ako sa problema ay mas lalo lang kaming mahihirapan.
--
Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit namin. Nahihilo pa ako dahil wala pa rin akong kain at may lagnat pa ako.
Narinig ko ang pag bagsak ng kaldero.
Agad akong napatayo at pinunas ko sa Daster na suot ko ang basa kong kamay.
"Tanginang buhay 'to! Wala na namang pagkain!" pumunta kaagad ako sa kusina ng marinig ang boses ni Kian.
Nakita ko siyang lasing, at sigurado na naman akong sasaktan niya ako, pero nilapitan ko siya.
"Hon" nilingon ako ni Kian at nakita ko ang galit sa kanyang mukha.
"Huwag mo akong tawaging Hon! Putangina! Wala ka ngang mapakain sa akin" napayuko ako sa sigaw niya.
"S-sorry, ano... ano kasi- h-hindi ako nakapangutang sa tindahan, kasi marami na tayong utang sa kanila" agad akong napaangat ng tingin sa kanya ng padaskol niyang hinawakan ang baba ko para maiharap sa kanya.
"Wala ka talagang kwentang asawa!" bigla niya akong nasampal sa kanang pisngi.
Pinigilan ko ang maluha. Dapat masanay na ako.
Pero ito na ata ang pinakamalalang pananakit niya sa akin.
"A-aray" sinabunutan niya ako at tinulak sa may upuan, nasaktan ako sa pagbagsak at pagtama ng likod ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...