I saw a video that is viral now on facebook. It has a million views, thousands of reacts comments, and shares.
I silently cry while watching it.
It is me and my boyfriend.
"Ayoko na sayo, pagod na pagod na ako. Tama na." Umiiyak kong sabi sa naturang video.
Shocked is written all over on his face.
"W-What? Why? P-Paano? Masaya pa tayo ah? May nagawa ba akong mali?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"W-Wala kang nagawang mali, it's just that, ayoko na sayo. Napagod na lang ako sayo, sa atin." I coldly said.
I saw his tears flow freely down to his cheeks.
Me and my boyfriend don't know na may kumukuha na palang video. Kung titignan ako ang lumabas na masama.
"H-Honey... Please, huwag ganito. Kung pagod ka pwes ako hindi. Ipaglalaban ko ito hanggang sa huli. Hindi, ayaw ko, huwag, hindi ko kaya." Yung mga salita niya ay parang mga karayom na paulit-ulit na tumutusok sa puso ko. Sobrang sakit.
Nabaliktad na ang pangyayari, ako naman ang nagulat sa ginawa niya... lumuhod siya sa harap ko, nagmamakaawa.
"Mahal na mahal kita, hindi ko kaya. Please, give ma a chance, okay lang kahit pagod ka... ako hinding-hindi mapapagod lalo na pagdating sayo. Gagawin ko lahat para bumalik sa lahat. Gagawin ko lahat para maging perfect boyfriend mo, hindi ako gagawa ng dahilan para ayawan mo ako."
Hindi ko akalain na totoo ang lahat ng mararamdaman ko. Sobrang sakit kahit alam kong hindi totoo.
Nagtawanan ang mga kaibigan ko na siyang nag video sa aming dalawa.
"It's a prank h-honey," I uttered.
Tinayo ko siya sa pagkakaluhod at niyakap agad siya.
"H-Hindi ko kaya, hinding-hindi ako mapapagod," bulong ko habang yakap-yakap ko siya. We're both crying while embracing each other.
Medyo natawa ako dahil umiyak siya na parang bata habang yakap ako ng mahigpit na akala mo iiwan ko na talaga siya. "A-Akala ko... akala— hindi k-ko kaya. M-Mahal kita."
Mas lalo akong natawa dahil ramdam ko na marami siyang gustong sabihin pero hindi niya masabi ng maayos.
"Mahal na mahal din kita."
Nagtilian ang mga kaibigan ko sa video na siyang may pakana ng prank na 'yon.
I read the comments, at halos lahat puro 'sanaol' ang sinabi, yung iba naman ay mga nag tag and mention ng kanya-kanya nilang kasintahan.
Kanina habang pinapanood ko yung video ay napaiyak talaga ko dahil ramdam ko. Yung tipong kahit hindi totoo ang sakit, paano pa kaya pag totoo na? Hindi ko kakayanin.
"Hoy! Ikaw paiyak-iyak ka kanina tapos ngayon tatawa-tawa ka!"
"Oo nga!"
Tinignan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang natawa.
"Kayo kasi e! Kayo talaga may pakana ng prank na 'yon. Ang sakit kayang makita na nagmamakaawa sayo yung taong mahal na mahal mo— aray!" sigaw ko sa huli dahil pinagbabatukan nila akong tatlo.
"Gaga ka, magpasalamat ka na rin sa amin, at least ngayon alam mo na totoong mahal ka ng boyfriend mo."
I smiled genuinely at them.
"Alam ko namang mahal niya ako e. I trust him that much. Salamat sa inyo dahil ngayon mas nalaman ko kung gaano niya ako kamahal."
Hindi gaya noon na mga bitter sila sa amin ng boyfriend ko, ngayon ay nginitian na nila ako.
"Support ko na lang kayo."
"Huwag mo na 'yan papakawalan, bihira na lang yung ganyang lalaki."
"Alam na namin na nasa tamang tao ka."
I'm really thankful for having a best boyfriend and best bestfriends. I am blessed for having them.
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...