004

509 29 29
                                    

A MAN'S BESTFRIEND;

Napakamalas na araw. Bakit kasi wala akong masakyan na jeep? Maglalakad tuloy ako ng 'di oras.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa magkakaibigan na masayang nagtatawanan at nag-aasaran

"Tsk, pinaplastik lang naman yung isa't-isa," bulong ko sa aking sarili. I don't have friends, and kung mayroon man... dati 'yon, hindi na ngayon. Trinaydor nila ako at hindi ko na ulit hahayaan ang sarili ko na mangyari ulit 'yon.

Hindi ko na lang pinansin ang mga ka-school mate ko.

Lumapit ako sa may mga bilihan ng street foods. Gutom na rin ako kaya bibili na ako.

"Manong tig sampung piraso sa kikiam at fishball." Tumango lang 'yung tindero sa akin, at kinuha 'yung gusto kong bilhin.

Pagkatapos kong makuha ang binili ko ay nagbayad na ako, at nagpatuloy muli sa paglalakad habang kumakain.

Nakakaisang subo pa lang ako sa aking pagkain ng may sumusunod pala sa aking kalsadang aso.

"Malas ba talaga ako?" tanong ko sa sarili ko. Mas lalo akong nairita ng inamoy-amoy pa ako ng aso.

"Argh! How I hate dogs!" sigaw ko habang tinataboy ang aso gamit ang paa ko.

Hindi pa rin ito nagtigil kaya mas lalo akong nainis.

"Ano bang gusto mong aso ka?!" sigaw ko, kaya nakuha ko ang ibang atensyon ng tao. Napayuko ako sa kahihiyan.

Binigay ko na lang sa aso yung pagkaing binili ko sa kanina. Nanahimik naman yung aso kaya napabuntong hininga na lang ako. Gutom lang pala.

Pinagpagan ko ang aking sarili at handa nang umalis.

Naglakad na ako, pero napalingon ako sa asong kinakain na ang pagkain ko dapat. Pero natigilan ako ng nakatingin pala ito sa akin, parang nangungusap ang mga mata.

Napailing na lang ako. "Ang dugyot-dugyot nang aso na 'yon, mapayat, galisin, at ayaw ko sa mga aso dahil muntikan na akong makagat no'n."

Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad, at iniwan na yung aso.

--

Muli na naman akong naglakad pauwi. Wala na naman kasing masakyan na jeep. Nakakainis.

Pero habang naglalakad ay naalala ko yung aso. Dalawang araw na ang nakakalipas nung una ko siyang makita.

Dumaan muna ako sa bilihan ng mga kikiam at fishball pero this time hindi para sa akin, kundi para sa asong 'yon.

Habang naglalakad ay palingon-lingon ako. "Nasaan ka na bang aso ka?"

Patuloy ko pa ring hinahanap yung aso, pero agad akong napilingon sa mga tawanan ng mga bata. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa aso?" sigaw ko sa mga bata, nagulat naman sila at agad na nagtakbuhan. Kinakawawa at pinagpapalo lang naman nila yung aso.

Agad kong nilapitan yung aso, siya yung hinahanap ko.

Napatingin siya sa akin, na parang humihingi ng tulong. Kita ko yung hina at pagod sa mga mata niya. Ito ba yung dahilan kung bakit marami siyang sugat? Dahil sa mga batang 'yon?

"Aso," banggit ko, napatingin ako sa pagkaing binili ko kanina, na para sa kanya

"Kain ka na, binili ko ito para sayo," sabi ko, pero ni-pagbangon ay hindi niya magawa.

Halatang nanghina siya sa ginawa ng mga bata kanina.

Kinuha ko kaagad yung hoody na palagi kong dala. Aircon kasi sa school namin kaya palagi akong may dalang hoody.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon