[MEET-UP GONE WRONG]
"Hala, i'm late na!" sabi ko sa sarili ko ng makita ko kung anong oras na. Agaran akong tumakbo papunta sa sakayan ng bus.
At kung minamalas ka nga naman may nakabunggo pa ako kung sinong nilalang.
"Tangina naman!" nakapag mura na ako ng wala sa oras dahil sa inis.
"I'm sorry, Miss," sabi nang lalaking nakabanggaan ko.
"Oh shit!" Napatingin ako sa kanya ng magmura siya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin, at 'yon ang bus na sasakyan ko sa lugar na pupuntahan ko.
"Tang— kainis!" malakas na sigaw ko. Napuno na ang bus kaya inis na inis ako. Late na ako sa pupuntahan ko, at ilang oras pa ang hihintayin ko para makapaghintay ulit ng bus.
Hindi din naman ako pwede mag taxi or grab dahil kailangan kong mag tipid sa pera na dala ko.
Nasilayan ko ang pag-alis no'ng lalaking nakabangga ko kanina.
May katawag siya sa kanyang phone, at hindi naman ako tsismosa pero naririnig ko siya.
"May kikitain ako Fred! Pwede ba? Huwag muna ngayon," rinig kong sabi niya.
Mukhang importante ang pupuntahan niya.
"Fuck! Nand'yan sila Mom and Dad?— what?! Pati buong Family natin?" nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.
"Oh sige, pupunta na ako diyan. Pasundo mo ako sa driver natin dahil wala akong masasakyan dito, maraming tao," sabi niya sa kausap niya sa phone.
Napaigtad ako ng biglang tumunog ang phone ko. May nag chat sa akin sa messenger.
Agad kong binasa ang nag message sa akin ng boyfriend ko.
And ngayon ang una naming pagkikita. Sa RPW lang rin kami nagkakilala, and as of now nag one year na kami kaya kaya naisipan naming mag meet-up. Hindi ko pa din siya nakikita or yung original picture niya, at gano'n din siya sa akin.
Nang mabasa ko ang message niya sa akin ay bumagsak ang dalawa kong balikat.
Baby ko: Baby, pwede bang mamayang gabi na lang tayo mag meet-up? 8:00 pm, may important things kasi akong gagawin
Okay lang rin naman sa akin dahil late na din naman kami sa usapan namin kung ipagpapatuloy.
Pero ang problema saan ako pupunta? Hays.
Nakita kong nakatingin sa'kin yung nakabangga ko kanina. Pero agad din siyang umiwas ng tingin ng may sasakyan na tumapat sa kanya. Papasok na sana siya sa sasakyan ng lumapit ako sa kanya.
Bahala na.
"Kuya!" sigaw ko. Kunot noo siyang napatingin sa akin.
"A-ahm, narinig ko kasi usapan niyo kanina ng kausap mo sa phone," pagsisimula ko.
"And?" nagtataka niyang sabi.
"Ano— wala na kasi akong masasakyan na bus, mamaya pa ata dadating," dugtong ko sa aking sinabi.
"So?" Wow! Ang taray niya ah? Pero kailangan kong mag pakabait dahil kailangan ko siya.
"P-pwede ba akong sumabay muna sayo?" Naglakas na ako ng loob, dahil kulang talaga ang dala kong pera.
Tinitigan niya lamang ako kaya nag puppy eyes ako— na palaging effective sa mga kaibigan ko kapag ginagawa ko ito.
"Please? Promise kapag nakababa na tayo sa sasakyan mo, aalis na kaagad ako."
Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Pasok. Sa susunod huwag kang basta-basta sasama sa mga taong hindi mo kilala, paano kung masama pala ako?" nginitian ko lamang siya at pumasok na ako sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...