"OMG! MAY TRANSFEREE?"
"Balita ko pogi daw e!"Napangisi ako ng malupit dahil sa narinig ko. May bago na naman akong target.
Nang makapasok siya sa classroom namin ay naghanap siya ng mauupuan.
Nakita ko yung gwapo niyang mukha at halos magtilian ang mga babae dahil sobrang gwapo niya pala talaga.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Pero agad na naalarma ang guro namin dahil alphabetical arrange ang upuan namin.
"Doon ka sa tabi ni Ms. Hannah," sabi ni Ma'am na nakatingin sa class record niya, siguro tinignan niya ang pangalan ng yummy at gwapo naming transferee.
And Gosh?! Sa tabi daw ni Hannah! E ako lang naman ang nag-iisang Hannah rito sa room namin.
Kaya ayon todo reklamo yung iba kong mga classmate na babae dahil gusto nila itong makatabi. Sorry girls!
Pagsinuswerte ka nga naman oh!
Lumipat yung katabi ko at nag adjust lahat dahil letter B nagsisimula ang apelyido ko.
Nakangiti siyang umupo sa katabi kong upuan.
"Hi!"
"Hello," inipit ko pa yung boses ko na parang pabebe.
"Mabuti naman at may ka-close na ako dito. Tama nga si Mama na dito na lang ako mag transfer."
Enebe! Close na agad kami? Oh diba! Walang kupas pa rin ang ganda ko!
"Bakit naman? Kilala ba ako ng mama mo?"
"Oo naman! Kilalang-kilala." Boto na rin pala ang magulang niya sa akin e! Sus, hindi na ito mahirap.
"Bernardo?" Napalingon ako ng may tumawag sa apelyido ko.
"Bakit?" Nagulat ako ng sabay namin itong tinanong ng transferee.
"Ayy, si Hannah yung tinatawag ko," sagot naman ng classmate ko.
"Gano'n ba? Sorry, Bernardo rin kasi ang apelyido ko at pinsan ko si Hannah."
WHAT?! PINSAN KO SIYA?!
Kaya pala sinabi niya na kilalang-kilala ako ng Mama niya at kung makangiti sa akin itong transferee namin sa akin... yun pala ay dahil sa pinsan niya ako.
ARGH! PLANADO KO NA NGA FUTURE NAMIN E!
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...