REBOUND
Ilang beses na akong nagpapansin sa kanya pero never kong sinabi na mahal ko siya. Mahal na mahal.
I'm always there for him. Marami na akong babaeng nakita na dumaan sa buhay niya, nakita ko kung paano siyang nalugmok at nalungkot.
And this one, sobrang lala na. To the point na ayaw niya na pati sa sarili niya.
Hindi ko na rin kaya na makita siyang nasasaktan ng ganito dahil mas nasasaktan ako.
Napapikit ako habang kaharap ko siya.
"I love you..." sabi niya na mapupungay ang matang nakatingin sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako ng hinalikan niya ako.
"Lyca..." he said between his kisses.
Parang may tumusok sa puso ko. Pangalan ng babaeng pinakamamahal niya pero sinaktan lang siya.
Lasing lang siya, pero masakit pa rin isipin.
"Mahal rin kita, Justin." Halos mag dugo na ang labi ko nung sinabi ko 'yon.
Lumayo sa akin si Justin at napailing-iling.
"Masasaktan ka lang saakin, Beathryn."
"Matagal na akong nasasaktan, at mas nasasaktan ako na makita kang ganito!" hindi ko maiwasan ang mapasigaw, mabuti na lamang at medyo malayo ang gawi namin dito.
"Lasing ka na." Malalim akong napabuntong hininga sa sinabi niya.
Yes, I'm bit tipsy dahil sinamahan ko siya rito para mag lasing. Pero siya na yung lasing! Hinalikan niya ako tapos sasabihin niya yung pangalan ng babaeng nanakit sa kanya!
"Sa tingin mo aabot ako sa ganito? Una pa lang nasasaktan na ako, noong inamin ko sa sarili ko na mahal kita, sobrang sakit na. Sa tuwing may babaeng mahahalin ka, hindi mo alam kung gaano kasakit na makita 'yon, pero kaya ko pa e! I can hold on to that, na makita kang masaya sa iba. Pero yung ganito? Hindi. Kasi mahal kita Justin." Napatitig siya saakin.
"Justin... kahit rebound mo na lang ako. Ako na lang, promise mamahalin kita kahit hindi mo ako mahal."
I know, I am that desperate, pero hindi ko na kayang itago itong nararamdaman ko.
"Okay." He said then lean on me to kissed me again.
--
Yes, naging Boyfriend ko ang taong mahal ko. Pero hindi ko akalain na may mas sasakit pa pala sa hindi ko masabi sa kanya na mahal ko siya noon.
Pinakamasakit sa lahat yung pag mamay-ari mo siya pero wala ka pa ring magawa dahil alam mo na hindi ka niya mahal.
Yung pag mamay-ari mo siya pero masaya siya sa iba.
Naalala ko na rebound nga lang pala ako sa larong ito. Sa laro ng pag-ibig.
Kinagat ko yung ibabang labi ko para mapigilan yung paghikbi ko.
We're here on my rooftop.
"You ask for it Beathryn. Might as well that you ask for pain."
"I know."
"Bakit hindi ka magalit sa akin? Bakit ganyan ka pa rin?" tanong niya.
Gusto ko siyang suntukin, sapakin, lahat ng pisikal na pwedeng gawin sa kanya para mapantayan yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pero ang tanga ko dahil...
"...mahal kita." I heavily sigh.
I felt my tears on my cheeks. Masaganang masagana sa pagluha.
Nagulat ako ng niyakap niya ako. Siya ang humagulgol sa aming dalawa.
"Bakit ka ba ganyan? Mas gugustuhin ko na magalit ka sa akin. I felt guilty, pero bakit ganito? Hindi ko maramdaman na mahal kita. Nakita ko lahat ng efforts mo, and I promise I appreciate those. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na dumating ka sa buhay ko."
Humagulgol na rin ako. I can't stop myself.
"Bakit kasi hindi na lang ako?" tanong ko pa rin kahit obvious na yung sagot.
"Dahil ikaw ang nawawala kong kapatid, Beathryn. Kaya pala nung una pa lang, masaya ako na nand'yan ka. Mahal kita, pero hanggang kapatid pa rin katulad nung una kitang makilala at hindi ko pa alam na kapatid kita noon. Kaya sinaktan kita kahit hindi ko gusto, dahil baka sakali doon ay ayawan mo ako."
Natulala ako.
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...