141

78 4 0
                                    

MY CRUSH IS AN ENGINEERING STUDENT

Sabi nila yung mga Engineer ay para sa mga Accountant. Well, I am future Accountant while my crush is future engineer. See? Click agad kami.

"Dali na! Dadaan lang naman tayo sa Enginering department eh!" Pamimilit ko sa kaibigan kong si Jade.

"Gaga ka! Dadaan lang? Talaga ba?"

"Oo tanga! Mukha ba akong lalandi? Ano pag daan ko, lalandiin ako kaagad? Mag-isip ka nga! Titignan ko lang yung future Engineer ko!" I rolled my eyes at her and she did the same at me. It's normal to us.

"Tara! Support ko 'yang kalandian mo!" I smiled widely and grabbed her hand.

Tumatakbo kami kanina at ngayon ay dahan-dahan na kaming naglakad nang makarating sa department nila Klad.

Impit akong tumili nang makita ko na yung crush kong si Klad. Pinagtutu-tulak ko si Jade dahil sa kilig.

"Ouch! Akala ko ba 'di ka lalandi?!"

"Tangina mo, magkaiba yung kilig sa landi. Bawal kiligin, ha?! Hampasin kita diyan eh!" Napangiti na lamang ulit ako dahil nakita ko na naman si Klad.

"Wow, kanina ka pa nanghahampas diyan Xyla! Pasalamat ka suportado kita sa kapokpokan mo— hoy sa'n ka pupunta?!"

Nilingon ko si Jade at sineniyasan na manatili lang siya sa pwesto niya.

Ilang months na akong may crush kay Klad. Siya yung crush na sineseryoso, kaya kailangan ko na gumaawa ng moves para sa kinabukasan. Charot.

Ewan ko ba, crush ko lang naman siya pero sa limang buwan na pagsunod-sunod sa kanya ay nabaliw na lang ako sa kanya bigla. Papacheck up na nga ako sa utak, sama ko na rin pati si heart.

Nakayuko akong dumaan sa harap ni Klyde na nasa hall way at nagpanggap na natalisod.

"Aray!" sigaw ko.

Tumingin ako kay Klad na hindi man lang tumingin sa akin. At si Jade pa ang lumapit sa akin.

Grabe, bingi ba yung crush ko? O bulag at 'di man lang ako nakita sa tabi niya?

"Tanga-tanga mo talaga." Inalalayan ako ni Jade pero pinandilatan ko siya ng mata.

She also look at me at nagdilatan kami ng mata.

'Anong ginagawa mo look' ang sinenyas ni Jade.

'Makisama ka tanga look' ang siyang pinakita ko sa kanya.

'Ano gagawin look'

Nginuso ko si Klad at yung paa ko na kunwari ay natalisod ako.

"Ehem tulong! Ehem!" pagpaparinig ni Jade.

Then finally! Klad gazed at us.

"Me?" he asked, Jade nodded at him.

"Why me? Katangahan 'yan ng kaibigan mo."

Wow! No filter bunganga ni kuya. Bwiset naman, suplado pala crush ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko ng padabog at sinenyasan si Jade na iwanan na lang muna ako.

I need to talk to him. Charot, feeling jowa lang ang peg?

At yung gaga kong kaibigan sinunod nga at iniwan ako. Kaya kaming dalawa na lang ni Klad ang nandito sa hallway.

"Klad crush kita!" lakas loob kong sabi sa kanya. Para na ito sa magandang kinabukasan kahit alam kong walang forever. Charot lang ulit!

"What? Why me?"

I looked at him and smiled sweetly.

"Well, you are an ideal man to me. Future engineer, check na check!"

"Check." Hindi ko pinansin ang sinagot niya kahit na nagtaka ako. Tinuloy kong sabihin kung ano ang mga nagustuhan ko sa kanya, since tinanong niya bakit siya ang crush ko.

"Matangkad, check."

"Check."

"Fair skin, check."

"Check."

Lumapit ako sa kanya kaya't nagpantay ang aking ulo sa kanyang dibdib. Inamoy ko siya, at napaangat na lang ang aking kilay dahil sa bango niya. "Mabango, check."

"Check."

"Neat and clean, check."

"Check."

"Gwapo, check."

"Check."

"Basta ikaw yung nagustuhan ko, hindi ko alam kung ano pa yung mga dahilan."

"Check."

Nagtaka ako dahil hindi naman siya nakatingin sa akin at nakatulala na parang may tinititigan sa likod ko.

Pero halos mapugot ang paghinga ko ng lumapit si Klad sa akin na parang hahalikan ako.

I closed my eyes. Ito na ba?! Bakit parang ang bilis!

But I only heard whispers.

"I don't like you, because the one I like is in your back now." Nanlaki ang mga mata ko.

Aba, sino yung haliparot na babaeng 'yon?

Agad na lumingon ako at napanganga dahil sa lalaking nilalang na mala-adonis ang kagwapuhan.

Then I remembered, kaya pala sa pag de-describe ko kay Klad, mag rereply din siya ng 'check', dahil lahat ng ideal na sinabi ko about sa kanya ay halos nasa lalaking papunta rin sa gawi namin ngayon ni Klad.

But what the— don't you ever tell me?!

"Yes. Huwag ka ng maharot gorl, sa akin na 'yang future engineer na 'yan. Takpan mo 'yang bunganga mong naglalaway sa crush ko."

No way! Yung lalaking Engineer na gusto ko ay Engineer na lalaki din pala ang gusto?

B-Barbie...

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon