033

135 6 0
                                    

MY COUSIN IS A PLAGIARIST

"Sheirah, kinakabahan kasi akong mag post ng mga one shot stories ko," malungkot kong sabi.

Hawak niya kang journal notebook ko na color blue.

"Pwede ko bang mahiram itong journal notebook mo? Gusto kong basahin kasi you know i'm also a writer sa fb. We both know naman na mas magaling ka kaysa sa akin, kaso mahiyain ka lang talaga," sabi niya habang tinitignan ang mga compilation ng mga one shot stories ko na nakasulat sa journal notebook ko.

"Sure!" masaya kong sabi.

"I hope na magkaroon din ako ng confidence na ibahagi ang mga story ko katulad mo." She smiled at me.

"I know na magkakaroon ka din ng confidence. Try to create dummy account like mine," sabi niya.

"Talaga? Sabi mo diba pwede kong itago ang katauhan ko doon? Maybe I can start through creating an account na walang nakakakilala sa akin."

"Oo, tama! By the way Ceila may ginagawa ka ring story na novel, right?" I nodded at her.

"Pwede mo din ba 'yon ipahiram sa akin pag natapos mo na? You know, I am planning to create a novel din kasi nag rerequest sa akin mga readers ko."

"Sure!" Tumango din siya at umalis na sa bahay namin.

Napatingin ako sa aking Pinsan.

Hindi naman sa pag mamalaki pero kung babasahin ang mga gawa namin ni Sheirah ay mas maayos ang way of writing ko. Marami pa kasing mali sa mga sulat niya pero tinuturuan ko siya at minsan ay sinusuway ko siya kasi parang ginagaya niya lang ang content ng ibang story at medyo cliché na pero hindi niya pa rin hinihinto.

Sikat na fb writer siya, kaya minsan nalulungkot din ako sa mga mambabasa niya— hindi naman sa ayokong sumikat ang kaibigan ko pero kasi hindi napapansin ng mga mambabasa kung alin ang mas magandang story. May nababasa din ako sa fb na nagsusulat din pero hindi napapansin.

--

I created a dummy account, nabigay na rin ni Sheirah yung journal notebook ko. At yung isa ko namang notebook ang ibinigay ko sa kanya na ginawa kong novel, natapos ko na kasi at pinahiram ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong name ng Pinsan ko na ginagamit niya sa fb dahil puro react, comments and shares lang pinapakita niya na libo-libo ang inaabot.

Ayoko rin naman sabihin sa Pinsan ko yung name ko at ipakilala sa mga reader niya. Gusto ko kasi na makilala nila ako bilang ako, hindi dahil sa sikat na manunulat ang nag pakilala sa akin kaya makikilala ako.

Ilang araw na akong nakakapag post ng mga one shot story ko.

May kaunting react kahit papaano pero masaya ako na naibabahagi ko ang gusto kong sabihin through writing kahit sa kaunting tao lang. Kahit twenty lang sila, masaya na ako na naibabahagi ko ang nasa utak ko.

Then one day nag post ako ng isa sa one shot story ko sa fb biglang may nagcomment na plagiarizer daw ako.

At parami na ng parami ang nag sabi na lahat daw ng story na pinopost ko ay kinopya ko lang sa famous writer.

I stalked the writer na minention nila sa comment section. Nagulat ako dahil sikat ito, may hundred thousand itong followers.

Nag scroll down pa ako at nakita ko ang mga story na ako mismo ang may gawa.

Halos manginig ang kamay ko habang tinitignan ang mga story ko na maraming nakaka-appriciate ngunit ibang tao ang pinupuri nila.

Isa lang ang nakakaalam ng mga story ko at 'yon ay ang Pinsan ko.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon