071

99 10 2
                                    

"THE THREE FORMS OF BUSINESS."

Sabi 'yan ni crush sa harap ng klase kasi siya yung reporter ngayong araw. Matalino kasi ang koya mo at siya na ang nag represent ng sarili niya na mag report.

Pabalik-balik yung lakad niya sa harap at akala mo e teacher! Siya na yung may authoritative na awra! Kala mo mangangain ng buhay e! Ako na lang kasi kainin mo crush! Rawr!

Yak! Ano ba 'yang pinagiisip ko! Simula talaga ng maging crush ko 'yan, puro kahalayan na nasa utak ko.

"That's the topic for today. Is there anyone knows what are the three forms of business?" Biglang tumahimik ang lahat ng magtanong siya.

Pero lahat ng tingin namin ay napunta sa classmate namin na nag taas ng kamay.

"Yes, Ms. Ashley Lopez?" Nakangiting sabi ni Samuel. If I know may gusto ata siya diyan kay Lopez. Napairap na lang ako.

Makangiti rin itong si Lopez! Nakatitig pa sila sa isa't-isa! Kulang na lang yung red strings na mag c-connet sa kanila e!

Tse!

"The three form of business are Sole Proprietorship, Partnership and corporation."

"Very good Ms. Lopez! You may take your sit. Hindi na pala ako mahihirapan sa report ko dahil siguro naman ay may alam na rin kayo. But anyway...." Nagtingin-tingin siya sa paligid at halos matanggal puso ko sa pagkakalagay sa nito nang mapunta tingin niya sa akin.

Waaaaah! Huwag ak—

"Ms. Francine Reyes."

"Y-Yes sir." Nanginginig pa akong napatayo.

"It's Samuel."

"S-Samuel."

Do you know the meaning of the three form of business?" tanong niya sa akin.

Malay ko! Kaya nga pinareport sayo kasi wala kaming alam e! Tanga ka ba crush? H'wag ka na mag report! Mag tanong ka na lang. Duh!

At saka bakit ba ako natawag?! Nanahimik ako rito sa gilid at likod e!

"A-ahhm... I d-don't know." Wala nangahas ang mag ingay sa mga classmate ko.

Huhu lord magpapakabait na po ako!

Sumeryoso kasi tingin ni crush. Nakakatakot huhu.

"Okay! Remain standing." 

Wow! Ano pahihiyain mo ako future husband?! Nako pag naging asawa na talaga kita, isusumbat ko ito sayo!

"Sole proprietorship. Where there is only one owner in the business. In other words single. Mag-isa. Walang jowa like Ms. Reyes."

At lahat ng classmate ay nag sigawan.

Wow yung dignidad ko dito ah! Tapak na tapak! Naku! Makikita mo! Jojowain kita crush! Single pala ah!

Sino ba kasi nag pauso ng sole proprietorship na 'yan ha?!

"Ms. Reyes?"

"Y-Yes?" Napalunok ako. Ano na naman to?

"Eh yung partnership? Do you have any idea?"

"Ahm, I think... I-In the w-word p-partner in partnership. It is t-wo or more p-people who b-bind themselves in the b-business."

"Okay. Good. Partnership, ikaw ang wala niyan... wala kang partner kasi nga single ka lang."

Punyeta ka na crush ah!

"Ahh, hehe." Tumawa ako ng peke. Baka mapahiya pa siya diyan sa harap.

Ito namang mga classmate ko ginagatungan pa si Samuel.

"Pero willing ako maging partner mo." Halos mabulunan ako kahit wala akong kinakain o iniinom dahil sa sinabi niya.

A-ano daw?!

"Woooooh! Sanaol!"

"Sanaol Partner."

"Wala pa ring forever, mga gago!"

"China oil."

"Sana mantika."

Samu't saring sigawan na naman ang narinig ko.

Enebe! Matagal na akong willing!

"Hehe." Tanging nabanggit ko. Ano ba 'yan! Ba't kasi tahimik ako in real life!

"Okay, let's go to the corporation. Corporation is a legal entity created by a state. It is seperate distinct from it's owner and managers. Dito na papasok yung marami. Hindi na lang sila single, o partner. Dito ay may malaki ka ng company na hahawakan."

Ahh. Edi wow. Wala ako naintindihan.

"Okay I expalain more to those who didn't understand."

Napatingin ako kay samuel. Nababasa niya ba isip ko ha?!

"Maaring maging corporation ang galing sa isang partnership. For example, Ms. Francine Reyes and I are partners."

Wow ah?! Hindi pa nga kita sinasagot diyan, partners agad! Hmp!

"It takes time for it to be a corporation. So kami ni Ms. Reyes ay mag partner at sa future kapag kinasal kami ay magkakaroon kami ng maraming anak." Bigla akong nasamid.

A-Ano na namang pakulo ito?

"Ninang kami Samuel ah!"

"Ninong ako!"

"Sanaol asawa!"

Napairap ako.

"So kapag tumanda na rin kami ay magkakaroon na rin kami ng mga apo ni Francine. At mas lalaki pa ang pamilya namin. And it is like corporation. Malawak, mas maraming proseso at mga tao ang kailangan."

Feeling ko talaga magkaka heart attack na ako sa mga pinagsasasabi ni Samuel.

"So do you get it now, Ms. Francine Reyes?"

Napatindig ako ng maayos.

"Y-Yes po."

"No, not that. I mean, do you get it now? I want to court you so you will have partner... and in the future we will be success and we will have corporation— I mean, own family."

Sigawan dito. Tilian dito. Hampasan dito.

Halos lahat ng classmate ko nangingisay sa kilig at sa pinagsasasabi ni Samuel.

Enebe!

Mahal ko na ang Finance at yang topic na Three form of business na 'yan! I LOVE YOU NA TALAGA!

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon