KAHIRAPAN
"Maangas ka? Sino ka ba?" tanong ka sa dalagitang kasing edad ko lamang.
"Ano naman sayo?" mataray pa nitong sambit.
"Hindi mo ba alam na teritoryo ko 'to? Ang tapang mo ah!" Nag akma na akong susugod sa kanya nang may maliliit na kamay ang yumakap sa paanan ko.
Tinitigan ko kung sino iyon. "Umalis ka," mariin kong sabi sa bata, natakot siya kaya't agad na itong tumakbo papalayo.
Tumingin ako sa babaeng nakasagupa ko.
Dinuro ko siya. "Huwag kang mag tapang-tapangan dito sa teritoryo ko."
Ngunit may kung sino na lang ang sumuntok sa tiyan ko ng malakas kaya't napaluhod ako. Hindi pa nakuntento at pinagtatadyakan ako.
"Ikaw yung sino? Huwag kang feeling amo at angkinin ang teritoryo dahil walang sayo. Bagong recruit 'yan kaya galangin mo." Napaangat ang tingin ko sa babaeng siyang kailangan naming tingalain sa lahat.
Nagsalubong ang kilay ko ngunit kailangan ko pa ring magpakumbaba. "P-Patawad, amo," nanghihinang sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko na ramdam pa rin ang pagkakasuntok niya.
"Umalis na kayo sa harapan ko at simulan niyo ng mag banat ng buto. Gano'n pa rin ang rules, pag 'di niyo nasunod... alam niyo na."
"Opo," sabay naming sambit ng dalagitang nakaaway ko.
Nagkatinginan kami ng bagong salta at nakita ko ang malawak niyang ngisi ngunit hinayaan ko na lang siya, alam kong sa huli ay wala na ang ganyang ngisi niya.
Sabay kaming umalis at ginawa ang siyang krimen na nakasanayan ko ng gawin at ng mga karamihang bata na kasama sa grupo namin... ang magnakaw.
--
Sabay kaming nakabalik ng babaeng bagong salta at pare-pareho na kaming may dala-dalang pera.
"Ito lang?!" sigaw ng amo namin pagkatapos naming ibigay ang nakaw namin.
Nakita ko na nagulat ang babaeng bagong salta na parang kinakabahan.
"Patawad, boss, walang dilihensya..." walang buhay kong sabi dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.
Pareho kaming nabugbog ng bagong saltang babae dahil sa maliit na kinita.
Pagkatapos mabugbog ay binigay ang parte namin at halos wala pa ito sa kalahati ng nakaw namin.
"I-Ito lang po?" reklamo ng bagong salta.
At narinig ko ang malakas na tunog ng sampal na tinamo niya.
Kahit ako gusto ko rin magreklamo ngunit alam kong sa huli ay mapapahamak lang rin ako.
Nang makaalis ang amo namin ay nilingon ko ang babaeng bago sa grupo na siyang nakaaway ko kaninang umaga.
"Akala mo swerte ka na kanina? Mas malala pa ang mararanasan mo diyan sa pagsali mo rito." Tinignan niya ako ng masama dahil kinausap ko siya.
"Yung ginawa ko kanina sayo? Gawain ko na 'yon, dahil kung hindi ka magmamataas sa mga kapantay mo... walang mangyayari sayo. Hindi ko lang alam na kasali ka sa grupo."
"Anong ibig mong sabihin?"
Pagak akong tumawa. "Kilala mo si boss? Katulad lang din natin silang mahirap, ngunit nagmamataas kaya akala mo kung sino na ang may kapangyarihan sa lahat. Ginagawa ko ang ginagawa niya para mabuhay sa napakadamot at madayang mundong ito. Magmataas, para mabuhay dahil kung mananatili ka sa baba... tatapaktapakan ka, paluluhurin ka nila, pasusunurin ka sa mga gusto nila."
"H-Hindi kita maintindihan." Napangiti ako ng mapait. Naalala ko ang mangmang kong sarili bago ako pumasok sa magulong mundo na ito para lang mabuhay.
"Maiintindihan mo sa susunod. Karanasan ang magpapamulat sa iyo."
--
Nanghihina akong pumunta sa barong-barong, dala-dala ang pagkaing siyang nagkasya lang sa kinita ko.
"A-Ate..."
Naawa ako sa kapatid ko dahil sa murang edad ay namulat na siya. Siya yung bata na yumakap sa paanan ko kanina, ang walang muwang na pitong taong gulang kong kapatid.
Sinabi at pinamulat ko na sa kanya halos lahat, kaya kanina ay alam na niya ang mangyayari kaya kusa na siyang umalis.
"Ate binugbog ka po ba ulit nila?" Napangiti ako at may naramdamn ko ang pagpatak ng luha galing sa mga mata ko.
Marahan kong ginulo ang kanyang buhok. "Pasensya na at tinapay lang ang kinaya ni ate... hayaan mo babawi si ate bukas."
Kinuha niya ang dala kong pagkain at kinain 'yon ng masaya na para bang hindi sa pagnanakaw ko iyon kinita.
Napaangat ang tingin ko sa madilim na kalangitan habang lumuluha.
"Kailan ba matatapos itong kahirapan?"
Namatay ang magulang at iba ko pang kapatid dahil sa kahirapan.
Hindi nakapag aral dahil sa kahirapan, paano pa makakaahon sa buhay kung ang sinasabi ng karamihan na edukasyon ang sagot sa kahirapan?
Ni hindi makakain ng tatlong beses dahil sa kahirapan.
Walang katapusang kahirapan.
Kaya kakapit na lamang sa patalim.
Nag sara na ang utak ko sa isang bagay na kapag mahirap ka ay lalo kang hihirap.
Nakakapagod na, parang nabubuhay ka na lang pero wala ng patutunguhan.
Bukas ay panibagong araw na kailangan kong mag mataas sa kapwa ko mahihirap, para mabuhay.
Napatingin ako sa kapatid ko na siyang nag iisang rason bakit pa ako narito, kung bakit ko hinaharap ito ng matapang.
"Kailangan kong mabuhay sa madayang mundo na ito..." bulong ko sa aking sarili.
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...