HULING ARAW NA PALA 'YON, SANA...
"Papa, sasaglit lang ako kanila tita," sabi ko kay papa at niyakap siya ng saglit bago ko kinuha ang bag ko.
"Lagi ka mag-iingat anak ah, yung alcohol mo, huwag mo kakalimutan. Lagi ko maghuhugas ng kamay, suutin mo palagi yung mask mo, maghugas lagi ng kamay, at huwag na huwag ka rin palabas-labas sa bahay ng tita mo." Bahagya akong natawa kay Papa.
"Ano ba 'yan pa, nakailang sabi ka na niyan kagabi. Sige na po papa, alis na po ako. Kayo rin po mag-iingat rin."
"Oo anak, mahal na mahal kita." Tinanguan ko na lang siya at tuluyan nang umalis sa bahay namin.
--
"Oh pa? Bakit ka po napatawag?" tanong ko nang makita ko yung name ni papa sa cellphone ko at tumatawag.
"Hindi ka pa ba uuwi anak?" Nalungkot naman ako.
"Pa, dito daw muna ako kanila tita... yung covid-19 po kasi diba, mas lalo na pong lumalaganap. Mabuti na pong nag-iingat."
Nangunot ang noo ko ng marinig kong umuubo si papa sa kabilang linya.
"Mabuti 'yan anak, yung mga paalala ko sayo ah. Lagi kang mag-iingat."
"Opo pa, bakit inuubo ka po? Inom ka na po ng gamot."
"Nasamid lang 'nak... sige na, palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng papa mo." Sasagot pa sana ako pero pinatay niya na kaagad ang tawag.
--
"T-Tita?" kinakabahan kong tanong dahil may sasabihin daw siya sa akin.
"Quarantine na ang papa hija, ayaw niyang sabihin sayo at..." Kusang nagtuluan ang mga luha ko.
"A-At?"
"Nag positive siya sa covid-19."
Nataranta agad ako na parang gusto ko na lang umuwi kay papa, pero hindi ko magawa dahil nag loackdown na kaya nga narito pa rin ako kila tita.
Wala akong magawa, ni makausap si papa ay hindi ko na rin magawa dahil naka isolate na siya para hindi na makahawa pa.
Kami na lang ni papa ang magkasama sa buhay pero bakit nagkaganito? Ano na nararamdaman ni papa ngayon? Ayos lang ba siya na mag-isa roon? Kumusta na siya? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Anong ginagawa sa kanya ngayon? Nakakakain ba siya ng maayos?
Lahat ng katanungan sa isip ko ay wala akong nakuhang sagot kundi ang umiyak na lang.
--
After two months...
Wala akong ibang naintindihan ngunit ang nag-iisang balita na siyang paulit-ulit na winawasak ako.
"Wala na ang papa mo. Namatay siya dahil sa covid-19."
Alam ko na matanda na si papa kaya't hindi rin kinaya ng kanyang resistensya pero ayos pa siya e, okay pa siya, malakas pa siya pero nang dahil lang sa virus tuluyan na siyang kinuha sa akin.
Huling araw na pala 'yon nung umalis ako sa bahay namin sana sa yakap sa akin ni papa hinigpitan ko na, sinulit ko na at tinagalan ko pa.
Yung huling 'mahal kita' ni papa sana tinugunan ko na, sana pinaulanan ko na siya ng salitang nahihiya akong sabihin sa kanya.
Si Papa yung laging nag papaalala sa akin pero siya itong nahawaan. Si Papa na walang ibang ginawa kundi ang magmalasakit sa akin.
Hindi ko akalain, napakabilis ng pangyayari, maraming pagsisisi na sana ginawa ko na sa kanya noon pa.
Tinignan ko ang picture ni papa na magkasama kami.
"Papa mahal na mahal din kita."
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
AléatoireThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...