PAINTING
Nandito kami ni Mama sa museum. Palagi ko siyang sinasamahan dito tuwing sabado, at titignan lang niya yung painting ng isang babae at ng lalaki na magkasama.
Ang tagal ko na ring sinasamahan dito si mama, pero hindi ko alam kung ano yung dahilan niya kung bakit siya palaging nandito.
"Mama," tawag ko kay Mama na may luha sa mga mata, sanay na rin ako na ganito siya tuwing pupunta kami dito at titignan 'tong painting
"Bakit anak?" Pinahid niya ang luha niya, bago siya tumingin sa akin
"Ano po ba yung dahilan? Sorry po, pero nagtataka na po kasi ako."
Ngumiti si Mama, "sorry anak. Hindi ko ito sinasabi sa iyo, baka kasi pagkamalan mong baliw si Mama at alam kong hindi ka maniniwala sa akin."
"Mama, sa akin pa po ba kayo hindi nagtiwala?" sabi ko kay Mama na may halong lambing.
"Hindi mo ako maiintindihan anak, bata ka pa."
"Mama sixteen na ako hindi mo na ako baby girl. At simula bata pa lang ako palagi na kitang sinasamahan dito sa museum para makita ang painting na ito." Turo ko pa sa painting.
Babae at lalaki ang nasa painting na magkatabi. Medyo naguguluhan lang ako sa painting na ito, dahil ang suot ng lalaki ay parang panahon pa ng kastila at yung sa babae naman makabago ang suot na kasalukuyang damit. Napansin ko rin sa painting, yung lalaki sobrang saya ng mga mata at yung babae naman punong-puno ng lungkot ang mga mata na may halong takot.
"Anak, kahit sixteen kana, ikaw pa rin naman ang baby girl ko." Ngumuso na lang ako sa sinabi ni mama
Tumingin lang ako kay Mama, napansin niya iyon kaya napabuntong hininga na lang siya. "Sasabihin ko na sa iyo, anak. Sasabihin ko na sa iyo ang kwento sa likod ng painting na ito."
Napangiti ako sa sinabi ni Mama. "Nagtataka po kasi talaga ako, mama. Lalo na sa itsura ng painting."
"Nakakapagtaka yung painting anak, diba?" tumango lang ako sa sinabi ni mama, dahil totoo ang sinabi niya.
Nagsimulang mag kwento si Mama habang nakatingin sa painting. "Dati nang dalaga pa ako noong 2018, mag-isang lalaki lang talaga ang nasa painting na ito, wala pa yung babae rito." Nagtaka ako sa sinabi ni Mama pero hindi na ako nag komento.
"Pero nung malapit na magtapos ang 2018, nagulat na lang ang mga tao dito sa museum, dahil nagkaroon na lang ng babae sa painting. Ako yung sinisi ng mga tao noon, ako daw yung nag drawing ng babae sa painting. Ako kasi yung huling tao na nakita nila sa harapan ng painting. Sagrado kasi ang painting na ito na anak kaya ako ang sinisisi nila sa nangyari."
"Pero alam n'yo po ba yung kwento nung painting?" tanong ko kay Mama, at tumango siya.
"Diba sabi ko sayo anak, wala dati yung babae dito sa painting?" tanong sa akin ni Mama na tinanguan ko.
"Pero saan po nanggaling yung babae sa painting?"
"Nabubuhay din dati dito ang babae sa painting. Malungkot palagi ang babae at pumupunta lang dito sa Museum tuwing gabi para makita niya ang lalaki sa painting. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko anak, pero tuwing gabi ay nakakapag-usap silang dalawa. Gabi-gabi, palagi silang nag uusap, at hindi namalayan ng babae sa painting na nahuhulog na pala siya sa lalaki."
Nangilabot ako pero hinayaan ko na lamang iyon.
Bigla akong nagtanong kay Mama "Eh ma, bakit po magkaiba yung suot nila?"
"Luma na talaga ang painting na ito anak, panahon pa ito ng kastila. At yung babae naman kaya makabago ang kasuotan, dahil sa panahon 'yan ng kabataan ko noong 2018."
"So ano na po yung nagyari?"
"Una nag-uusap lang sila, hanggang sa nagtapat ang babae na nahuhulog na siya sa lalaking nasa painting lang. Nag offer sa kanya ang lalaking nasa painting na sumama na lang ito sa kanya, at hindi nagdalawang isip yung babae na sumama. Binalaan siya ng lalaki sa painting, na kapag sumama na siya dito, hinding-hindi na siya muling makakabalik. Pero dahil mahal siya ng babae, sumama pa rin ito sa kanya."
"Tapos po nung sumama na ang babae sa lalaking nasa painting, napunta na rin ang babae sa painting?" Tumango si Mama sa tanong ko.
"Kita mo ba yung lungkot sa mga mata ng babae sa painting."
"Opo, mama."
"Nagsisi yung babae." Napatulala ako sa sinabi ni Mama.
Hindi na natuloy ang pag ke-kwento ni Mama ng may kakilala ata ito, ang kumausap sa kanya.
Naiwan akong mag isa sa tapat ng painting, tinitigan ko lamang iyon.
"Ate, alam mo po ba yung kwento ng painting na ito?" tanong ko sa babaeng dumaan, pero umiling lang ito.
"Ahmmm, kuya. Alam nyo po ba yung kwento ng painting na ito?" At gaya ng mga nauna kong tinanong, umiling lang rin ito.
"Oh! Anak. Halika na, uuwi na tayo." Lumapit ako kay Mama.
"Mama, isang tanong na lang po."
"Ano yun anak?"
"Nagtanong po kasi ako sa ibang tao kung alam nila yung kwento ng painting, pero hindi po nila alam. Bakit po kayo alam n'yo?"
Ngumiti si Mama ng malungkot, "kaibigan ko yung babaeng nasa painting anak."
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...