THE ART OF BEING STRONG
"Bes, my boyfriend just broke up with me. I need a friend," I said while biting my lower lip to stop my sobs, so my bestfriend on the other line won't heard it.
I heard her chuckles before she speak, "oh c'mon Bes, I know you don't need me. Ikaw pa ba? Baka nga sapakin mo 'yang ex mo e!"
I fake my laugh.
"Oo nga. Ako pa ba? Sige na bye."
"Bye," she replied before I ended the call.
I tap where my heart is.
"Kaya mo 'yan, ikaw pa ba? Malakas ka nga e."
Ginawa ko ang lahat para hindi umiyak. Walang nakakita na umiyak ako kaya alam nilang lahat na kaya ko, na hindi ako basta-basta nasasaktan.
This is the benefit of being brave. They know that I am strong. I can handle this.
--
"At saan ka galing?" I looked at my Father.
"Oh? Diyan lang po sa tabi-tabi." I said and rolled my eyes at them.
"Sa ganitong oras? Tama ba 'yang uwi mo?" my Father muttered in a sharp voice. Galit nga siya, but I don't care.
"So what? Your daughter is strong, right?" I heard him took a deep breath.
"Go to your room. Now." He use his authorive voice, as if naman na matatakot ako.
"Tsk. Agad akong umalis sa harapan nila.
Yung Mom ko naman ay sinundan ako papunta sa aking kwarto.
I thought, tatanungin niya ako kung okay lang ba ako.
"Nak, intindihin mo na lang ang Papa mo. You know my sakit ang Ate mo. Stress lang kaya gano'n."
I looked at my Mom without emotion on my face.
"Really? Okay." I just plainly said.
Alam kong galit na rin si Mama pero pinipigilan niya lang.
"Alam naming malakas ka, kaya nga hinahayaan ka namin diba? Lahat ng gusto mo, pinapayagan ka namin. Anak hindi kasi ikaw katulad ng Ate mo na malakas."
I sighed.
"Okay."
Nanlaki ang mata ko ng sinampal ako ng malakas ni Mama.
I'm right, she's already furious. Tumawa lamang ako ng sarkastiko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at Papa ko naman ang pumasok kasama ai Ate.
"Sumusobra na ang anak mo! Nagiging suwail na!" sigaw ni Mama habang nakatingin kay Papa.
Napahawak ako sa kabila kong pisngi ng sinampal din ito ni Papa.
Uminit yung gilid ng mga mata ko.
Huminga muna ako ng malalim.
Kaya ko ito.
Malakas ako.
Tumingin ako sa kanilang lahat bago nagsalita.
"So ano? Galit kayo sa akin?"
"Lumayas ka sa pamamahay ko!" malakas na sigaw ni Papa sa loob ng kwarto ko.
"Talaga! Aalis ako sa pamamahay mo!" sigaw ko pabalik.
"Aba't! Kami pa ang masama? Porket alam mong kaya mo ang sarili mo, porket malakas ka! Sana ikaw na lang ang nagkasakit at hindi ang Ate mo!" galit na galit na sigaw ni Papa.
Hindi ko hahayaan na makita nila akong umiyak sa harapan nila.
Tumakbo ako palabas ng kwarto para hindi nila ako makitang umiyak.
Ngunit palabas pa lamang ako ay nahigit na ako ni Papa.
"Aba! Tumatalikod ka na ngayon pag kinakausap ka!"
Isa-isa ko silang tinignan. Si Mama at Papa na galit na nakatingin sa akin, si Ate na umiiyak dahil sa nangyayari.
"Sana nga. Sana nga naging mahina na lang ako katulad ni Ate." Taka silang napatingin sa akin.
At last! Nagsalita rin ang magaling kong Ate.
"Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko, hindi mo alam kung anong sakit ang nararamdaman ko!"
Tumawa ako pero kasabay na ang pag tulo no'n ng luha ko.
Shock is written all over their face, dahil siguro ito ang una nilang nakita na umiyak ako.
"Wow! Hindi ko alam? Alam ko! Alam na alam ko dahil mas malala pa ang pinagdadaanan ko kaysa sayo!"
"Anong pinagsasasabi mo?!" sabi ni Mama na galit na galit na rin. Sinigawan ko ba naman yung paborito nilang anak. Sinong hindi magagalit?
"Palagi na lang si Ate." mahinahon kong sabi ngunit patuloy lamang sa pagtulo ang luha ko.
"Dahil mahina siya. Siya yung p-priority. Siya palagi ang inuuna."
Huminahon na din ang Papa ko. "Alam mo namang may sakit siya diba? Kaya kami ganito dahil alam naming kaya mo, alam naming malakas ka."
"Exactly!"
"Ano bang pinupunto mo?" tanong ni Ate.
"Na nakakapagod ng maging malakas. Alam niyo ba? My Boyfriend just broke up with me."
"Marami pa namang lalaki diyan anak," sabi ni Mama na mahinahon na rin.
"I didn't pass the board exam." Lahat sila ay natahimik.
Nagsalita akong muli, "si Ate mild lang naman yung sakit pero halos dalhin niyo na siya sa hospital. Yung nagkalagnat ako, walang nagbantay sa akin kasi binabantayan niyo si Ate sa hospital."
"A-anak"
I smiled.
"And guess what? I have s-stage 2 cancer."
Lahat sila ay gulat na gulat na nakatingin sa akin. Lahat sila napatanga. And worried plasttered on their faces— yung matagal ko ng hinahangad.
"WHAT? Kailangan ka ng madala sa hospital." Agad na hinawakan ni Papa ang braso ko.
"No, hindi na kailangan. Mayroon nga akong pamilya at kaibigan, p-pero ni isa wala man lang nag tanong..." Huminga ako ng malalim.
"W-wala man lang nag t-tanong kung O-okay lang ba a-ako. K-kung k—kamusta na ba ako. K-kung k-kaya ko pa ba." I said as I heard my voice cracked.
"Nakakapagod ng maging malakas. Ayoko na. Gusto ko na lang maging mahina. Sana nga mahina na lang ako."
"A-anak, s-sorry." si Papa.
"Patawarin mo kami." si Mama.
"Sorry bunso." si Ate.
"Hindi niyo kailangan mag sorry. Malakas ako diba? Kaya ko ito. Haha." I smiled.
At tuluyan akong umalis sa harapan nila.
At akala ko.
Akala ko may susunod sa akin para puntahan ako at aluhin.
Alam pa rin nila na malakas ako.
Naniwala sila sa kasinungalingan na kaya ko pa rin.
Walang sumunod sa pag-alis ko.
And this is the saddest and worst part of being strong.
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...