DON'T JUDGE ME;
"Sex with me, Penelope" lumuluha na ako sa aking kinatatayuan ngayon
Nandito kami ng boyfriend ko sa school pero liblib na lugar at walang tao.
"Love, ayoko hindi pa ako handa" umiiling kong sagot habang lumuluha
"You love me, right?"
"Yes" walang pag-aanlinlangan kong sagot.
"Then do it!" nagulat ako sa pagsigaw niya sa akin
"C--cristoper" nanginginig ang mga kamay ko habang isa-isa kong tinatanggal ang butones ng uniform ko
"Bilis!" napaigtad ulit ako sa sigaw n'ya
"I-ito na" tuluyan ko ng natanggal ang aking blouse na uniform
Nilapitan ako ni Cristoper at hahalikan na sana sa aking leeg ng bigla na lang s'yang bumagsak sa sahig
"Christoper!" sigaw ko
"Pre, pang ri-rape na ang ginagawa mo" nagulat ako ng may jacket na pumulupot sa aking katawan
"P-paul" nagulat ako ng hinila n'ya ako
"Ano ka ba Penelope. Tumigil na ako sa panliligaw sa'yo dahil kayo na ni Cristoper. Tapos papayag ka ng ganito?" napayuko ako sa sinabi ni Paul
Matagal ng nanliligaw sa akin si Paul, sobrang bait n'ya at nirerespeto ako pero kasi hindi ko s'ya mahal kaya hindi ko s'ya sinasagot.
"She's my Girlfriend" pigil naman ni Cristoper sa'min.
"Wala na akong pakialam. Hinayaan na kita na makuha mo s'ya, pero hindi na ako makakapayag na bastusin mo ulit ang taong mahal ko" sabay hila sa akin ni Paul, palayo at paalis sa lugar na 'yon.
--
Simula ng insidenteng 'yon nakipaghiwalay ako kay Cristoper. May nag vi-video pala sa nangyaring 'yon, kaya nakipaghiwalay ako kay Cristoper. Paano pala kung tinuloy ko ang gusto ni Cristoper? Puro kahihiyan ang matatanggap ko.
Si Paul naman ay pinagpatuloy ang panliligaw sa akin, hindi sumusuko.
Lahat ng tao na nakapaligid sa amin ay sinasabing sagutin ko na si Paul. dahil sa video sa insedenteng 'yon, maraming naawa kay Paul at nagagalit sa akin. Bakit daw hindi ko na s'ya sagutin, sa kabila ng lahat ng tinulong at ginawa para sa akin ni Paul.
Sinagot ko s'ya, at tinuruan ko ang sarili kong mahalin si Paul. Pero sa mga pinagsamahan namin ni Paul 'di ko s'ya kayang matutunang mahalin.
Bumalik si Cristoper at sinabing magbabago na s'ya at hindi na ulit gagawin 'yon. At napagtanto ko na si Cristoper pa rin pala ang mahal ko, kaya nagkaroon kami ng patagong relasyon ni Cristoper, kahit na kami pa ni Paul. Dahil alam kong magagalit s'ya kapag nalaman niya iyon.
--
Totoo ang kasabihang walang sekretong hindi na bubunyag. Nahuli kami ni Paul.
"Babe, wag mo'kong iiwan. Hindi ko kaya, bakit ba hindi mo ako kayang mahalin?" napatingin ako sa mga taong nagkukumpulan at nanonood sa aming dalawa ni Paul
Nakaluhod si Paul at nagmamakaawa na 'wag ko s'yang iiwan
Lahat ng tao masama ang tingin sa akin, mga nagbubulungan ng masasama tungkol sa akin.
"Ang arte naman ng babaeng n'yan"
"Oo nga eh, ang dami na ngang nagawa ni Paul para sa kanya"
"Tapos binalikan n'ya pa yung ex n'yang si Cristoper habang sila pa. Ang kapal talaga ng mukha"Ilan 'yan sa mga naririnig ko sa paligid ko. Masisisi ba nila ako? Hindi nila alam ang kwento ko, kaya 'wag sila agad-agad na nang huhusga sa'kin.
"Pagod na ako Paul. Ayaw ko na ulit mabitag sa'yo! You're playing weak, again!" There, nasabi ko na.
"Please maawa ka sa akin, Penelope. Ano bang kulang sa akin? Ano bang kailangan kong gawin, para mahalin mo rin ako?"
"I don't love you, Paul. And I will never ever love you." tumalikod ako at sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
Simula ng nangyaring 'yun sa amin ni Paul, marami ang nagalit sa akin. Marami ang kumampi kay Paul.
Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Ayoko ng makulong sa sitwasyong ito. Pagod na ako. Pagod na kong mahusgahan.
"Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo, pero sa isang kundisyon" sabi ko kay Cristoper
"Everything?"
I nodded at him "Yes. everything. Kahit ang katawan ko ay ibibigay ko sa'yo"
"So what do you want me to do?" ngumiti ako. Gumagana na ang aking plano
"Kill him. Kill Paul." walang pag aalinlangan kong sinabi. Nagulat s'ya pero sumang-ayon din naman.
--
Nabalitaan na lang ng lahat na patay na si Paul at si Cristoper ang nakulong. Dahil ako mismo ang nagsumbong sa Pulis na s'ya ang pumatay kay Paul.
Sa wakas ay makakahinga na rin ako ng maluwag. Nagawa ko lamang ang lahat ng 'yon dahil sa mga pinag-gagagawa nila sa akin. Binaboy nila ako, wala silang awa. Kaya nararapat lang 'yon sa kanila
Tuluyan ng nakulong si Cristoper, at dinalaw ko s'ya sa kanyang kulungan.
"Penelope. Wala kang hiya! Bakit mo ito ginagawa? Ang sama mong tao!" agad na bungad sa akin ni Cristoper
Ngumiti ako ng sarkastiko kay Cristoper "Masaya ba?! Masaya bang paikutin? Masaya ba?!" sigaw ko rin sa kanya pabalik
"Ginawa ko ang lahat ng gusto mo" sabi ni Paul
"Akala mo ba nakakalimutan ko na? Pare-parehas lang kayo ni Paul! Ginamit at binaboy n'yo akong dalawa, ang pagkababae ko. Kaya pagbabayaran n'yo ang ginawa n'yo sa akin"
At tuluyan ng tumulo ang akong luha. Nung maging kami ni Cristoper, ginahasa n'ya ako ng maraming beses. Kaya nagpapasalamat ako ng dumating si Paul pero mas masahol pa s'ya kay Cristoper, nagpapanggap na mahina sa maraming tao para makuha ang lahat ng kanyang gusto.
"Minahal ko kayong dalawa, pero anong ginawa n'yo sa akin?! Mga walang hiya kayo!" malakas na sigaw ko, habang humahagugol
"Diba mahal mo ako?" ang kapal ng mukha n'ya para sabihin pa ito.
"Dati. But now? I don't love you anymore! Mabulok at mamatay ka d'yan sa kulungan" pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya ay agad na akong umalis.
Lahat ng tao masama ang tingin sa akin. Lahat sila ay agad na hinusgahan ako. Masisisi ba nila ako? Masisisi ba nila lahat ng ginawa ko? Wala silang karapatan na husgahan ako, dahil hindi naman nila alam ang kwento ko.
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...