076

105 6 0
                                    

JUSTICE WILL NOT MAKE IT FOR YOU, SO YOU'LL MAKE JUSTICE.

'Yan na ang mga salitang tinatak ko sa aking isipan ng mangyari ang trahedya na 'yon.

If you don't have power and money, you can't have justice you wanted.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Kahit ilang taon na ang nakalipas, parang kahapon lang ang nangyari.

Hindi ko maiwasan na maalala ang lahat.

Ang pag lipat ng pamilya namin sa ibang lugar para makaiwas na sa gulo pero kahit anong gawin namin, patuloy pa rin kaming hinahabol ng kaguluhan.

Kapag mahina ka, kahit anong iwas mo, aabusuhin ka pa rin nila.

I protected my younger brother at any cost. Lahat gagawin ko para sa kanya, mapabuti, maging maayos lang siya.

I know my brother is depressed, so I am doing anything just for him. Kahit na depress din ako sa lahat ng nangyayari sa amin, I need to be strong for my brother and for my family.

"Ate..." I looked at my brother, naka uniform na siya, at maayos na siya— but his eyes. It's telling me how he is tired in everything.

"Ano 'yon?"

Napayuko ang kapatid ko at nakita ko na nag unahan ang mga luha niya sa pagtulo. Tuloy-tuloy hanggang sa naging hagulgol ito.

"I tried." Napailing-iling ako habang lumuluha na rin, but i bit my lower lip to stop my sobs. I need to be strong, my brother need to see me that i am strong.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Ate p-pagod na pagod na ako..." Alam ko, pero halos punitin ang puso ko ng pira-piraso, dahil sa lahat ng nangyari sa amin, ngayon niya lang sinabi na pagod na siya. And it terrifies me. Natatakot ako.

"No, your ate is always here, right? I always protect you no matter what. Please, lumaban pa lang para sa akin, para sa pamilya natin— para sayo." I hugged him.

He cried again on my shoulder.

"Save me, a-ate."

"Shh, ofcourse ate will always save you. I promise."

Nang mahimasmasan na siya ay sabay na kaming lumabas ng bahay at pinuntahan si mama para makahingi ng baon.

"Pasensya na anak, wala talaga akong pera." Napayuko kaming dalawa ng kapatid ko.

Pati kila mama at papa ay kita na rin ang pagod.

But i smiled.

"Okay lang po ma, may extra pa naman akong pera rito, sapat na po 'yon. Ako na rin po bahala kay Jax."

Naramdaman ko ang palad ni mama na hinaplos ang buhok ko, pati na rin ang buhok ni Jax na kapatid ko.

"Maswerte talaga ako na kayo ang naging anak ko."

"Kami rin po. Alis na po kami, ma."

Nang makarating ng school ay natatakot ako na mahiwalay sa kapatid ko. Paano kung may mang bully na naman sa kanya?

"Jax," I called his attention. Nakikita ko na naman ang takot sa mga mata niya habang hindi mapakali.

"Jax, look at me. Kapag may ginawa na naman silang masama sayo, don't hesitate to call me, okay? Please, ayokong may mangyaring masama sayo." He look at me already and nodded at me.

Pero maghihiwalay pa lang kami ay pinatagil ako ng kapatid ko.

"Why?" Umiling-iling siya.

"A-ate, huwag mo ako iiwan."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon