018

185 13 0
                                    

[WHO'S THE KILLER]
Warning: Read at your own Risk!

My bestfriends are here at our house, may business trip kasi ang mga magulang ko kaya pinapunta ko sila dito. Pati yung boyfriend ko ay nandito. Gabi na rin kaya dito sila mag o-overnight.

Five silang lahat. Ang boyfriend ko na si Dailer, ang pinakaclose ko sa mga bestfriend ko na si Leila, ang boybesfriend ko na bakla na si Keilan, at ang dalawang ko pang kaibigan na si Arlene and Jenny. At syempre ako na si Hartley, so bali anim kaming lahat sa malaking bahay namin.

"Gosh! Ang laki talaga ng bahay niyo Hart" sabi ng bakla na si Keilan. I rolled my eyes at him- I mean her, baka magalit haha.

"Wala namang katao-tao. Malungkot" malungkot na sabi ko.

Napatingin ako kay Arlene ng akbayan niya ako "Kaya nga kami nandito e"

"Nako Hon! Kumain na muna tayo" I smiled ng makita si Dailer na may dalang pagkain ang nagsalita. Siya talaga ang taga luto sa amin, future chef 'yan e!

"Let's go na guys! We will watch a movie pa" naiiritang sabi ni Leila kaya natawa kaming lahat.

Sabay-sabay kaming pumunta sa may sala kung nasaan nandoon ang pinakamalaki naming T.V

Inayos ni Jenny yung papanoodin namin at lahat kami ay napabuntong hininga sa gusto niyang panoorin.

"Jenny naman! Final Destination talaga?" sabi ni Arlene na pinakaclose ni Jenny.

"Ofcourse, maganda kaya 'yan!" she happily said, kaya wala na kaming nagawa.

Nang magsimula ay nakaupo kami sa malaking Sofa, katabi ko si Dailer.

Sigawan doon, tiliian dito. 'Yan kasi, ginusto niyo 'yang panoorin e.

Mas lalong lumakas ang sigawan naming lahat nung pumatay ang ilaw at ang t.v kaya kanya-kanya kaming tayo sa mga pwesto namin.

"Dailer? Where are you?" sigaw ko rin. Kanya-kanya din kaming tawag sa mga pangalan namin. Sobrang dilim, lahat ng ilaw ay nakapatay.

"Pumunta kayo sa Dance room ko" sabi ko dahil wala talaga kaming makita, kahit magkahawak-hawak pa kami ay wala rin naman kaming magagawa.

"Medyo malayo dito yung dance room mo Hart" narinig kong sabi ni Leila.

"May emergency light ako doon, kaya magkita-kita tayo doon" narinig ko ang mga yabag nila na parang paalis.

"Sige" sabi ni Arlene na sumang-ayon.

"Hon?" narinig ko namang sabi ni Dailer na boyfriend ko.

"Pumunta ka na din doon" sabi ko na lang, narinig ko din ang yabag niyang papaalis.

Nagsimula na rin akong maglakad. Medyo nahihilo pa ako kaya napakapit ako sa kung saan.

"Hart?!" narinig kong sigaw ni Arlene.

"Arlene!" wala man akong masyadong makita ay agad akong pumunta sa kanya. Nakahiga siya kaya umupo ako.

May nakapa akong malapot na basa, nandito kami sa may bandang bintana at ng umihip ang malakas na hangin at kasabay no'n ay ang pagsilip ng liwanag galing sa buwan.

Napaatras ako sa nakita ko. Dugo! Punong-puno ng dugo ang katawan ni Arlene!

"Arlene!" sigaw ko.

"H-ha-" hindi niya pa nababanggit ang pangalan ko ay nalagutan na siya ng hininga.

Agad na pumatak ang luha sa mga mata ko. Sino ang pumapatay?

"M-may p-pumapatay" nanlaki ang mata ko ng may marealize ako. Tumayo agad ako at hinabol ko ang natitira ko pang kaibigan.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon