005

412 26 25
                                    

INOSENTENG CONDOM;

[WARNING: READ AT YOUR OWN RISK !]

"Babe, lagi mo itong ilagay sa wallet mo baka kasi hindi ko na mapigilan, atleast safe tayo." Taka akong napatingin sa binigay ng boyfriend ko.

"Ano ito?" taka ko pa ring tanong habang tinitignan 'yon.

"Sabihin na nating balloon 'yan, pero napakalaki ng tulong lalong-lalo na sa isang mag nobyo."

"Ha?"

"Aww, my innocent girl." Ginulo niya ang buhok ko habang nakangisi.

"Ano nga 'to?" Hindi pa rin kasi ako mapakali, gusto ko talaga 'yong malaman

"Malalaman mo rin 'yan." I sighed, ano pa nga bang magagawa ko? Nilagay ko na lang sa wallet ko yung bagay na binigay niya sa akin.

--

Nalala ko yung binigay sa akin ng boyfriend ko-- ayy ex na pala.

Nilabas ko 'yon sa wallet ko. Binuksan ko ito at para nga itong balloon

"Baka balloon talaga ito?" Ini-stretch stretch ko pa ito.

Yung mga taong nakakasalubong ko ay napapatingin sa akin at sa balloon na hawak ko.

Nasa amusement park ako, at habang naglalakad ako ay pinapalobo ko yung parang balloon na binigay sa akin ng ex ko dati.

Nasa bibig ko yung balloon para lumubo ito gamit ang hininga ko.

Yung mga taong nakakasalubong ko naman takang-takang napapatingin sa akin, at yung iba naman pinagtatawanan ako. Bakit kaya?

"Damn woman, do you even know that thing on your mouth?" Nagitla ako ng may bumulong sa tenga ko.

"Balloon?" Napanganga ako sa lalaking kaharap ko. Shocks ang yummy!

I don't know why, he's laughing. "Ahm, why are you laughing?"

"That thing is condom..." medyo pabulong niyang sabi.

"What?! Condom?!" sigaw ko kaya lahat ng tao sa paligid namin ay huminto at napatingin sa amin. Hindi naman kasi ako bobo at alam ko kung saan ginagamit ang condom pero hindi ko nga lang alam kung ano yung itsura no'n.

"F*ck! Tumahimik ka nga, pinagtitinginan tayo ng tao." Napapahiyang napayuko ako. Ngayon ko lang narealize na condom pala yung pinapalobo ko sa bunganga ko.

Shet na malagkit! Kainin na lang sana ako ng lupa, huhuhu bakit kailangan ito mangyari sa akin?

Hawak ko pa rin yung condom na mukha ng lobo, kasi pinalobo ko ito kanina.

"Sorry guys, kawawa yung inosenteng condom dahil sa Girlfriend ko. Ayaw niya kasi akong pagbigyan mamayang gabi." Hinapit niya ang bewang ko, at lahat ng tao ay tumawa at yung iba naman ay kinilig dahil sa sinabi ng lalaking katabi ko.

"Aww, ang cute nilang dalawa!"
"Naku, mga bata nga naman oh!"
"Oo nga kawawa yung inosenteng condom na hawak ni Ate girl."
"Ang gwapo nung guy, sayang at may girlfriend na."

Ang dami kong narinig sa mga taong nakapaligid sa amin.

Teka--?

Taka akong napatingin sa lalaking katabi ko na hawak pa rin ang bewang ko. Girlfriend niya ako? Ano daw?

Hinila niya ako kung saan at umupo sa may bench

"Hoy! Anong sinabi mong Girlfriend?"

"Mabuti nga at niligtas kita sa kahihiyan." Nakasimangot na sabi niya

"Saan ba 'yan galing? Hindi mo alam kung ano 'yan tapos hawak-hawak mo pa." Napatingin ako sa inosenteng condom na hawak ko pa rin pala.

"Ahh, sa ex ko. Sabi niya kasi magagamit daw namin 'to, pero hindi na ata mangyaya-- what the?? Yung lalaking 'yon talaga, ang bastos!" Naalala ko yung sinabi nung ex ko dati na, binigay niya ito sa akin kasi baka hindi na siya makapagpigil, mabuti na daw ang nag iingat. Kainis! Ang bastos talaga, dinamay pa pati yung inosenteng condom

Nagulat ako ng hinablot 'yon ng lalaki at tinapon sa kung saan yung inosenteng condom.

"Hoy! Bakit mo tinapon?"

"Ahh, ayaw mo? Sige bibili na lang tayo ng bago." Ang gulo nitong lalaki na ito, eh hindi naman kami close.

"Bakit?!"

"Ayaw ko na nanggaling na sa ex mo. Bibili na lang tayo ng bago, baka sakaling magamit natin." Nakangisi na ito kaya kinurot ko yung tagiliran niya.

"Isa ka pang bastos! Pati yung inosenteng condom dinadamay niyo!" medyo pasigaw kong sabi, baka mamaya mapahiya na naman ako sa maraming tao.

"Ayaw mo ba? Para nga safe tayo pag ginamit natin 'yon."

"Oo ayaw ko! Bastos! At hinding-hindi 'yan mangyayari ang iniisip mo!"

"Alam ko na, kaya ayaw mong gawin natin 'yon." Hindi ba siya titigil sa kakangisi?

"Oh, bakit?!" pataray kong tanong.

"Kasi gusto mong ligawan muna kita?" Naramdaman ko kaagad yung pag init ng pisngi ko.

"Ayaw ko pa rin. Hindi nga kita kilala!"

"Miguel Flores. Kilala mo na ako, kaya liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo."

Aba! Nang dahil sa inosenteng condom, magkakaboyfriend na ata ako ng 'di oras.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon