WHEN THE STRANGER BECAME MY BOYFRIEND
Napatitig ako sa lalaking nasa kabilang table. May luhang tumulo sa mata niya saka tumungga ng inom sa boteng hawak niya na alak.
Napaiwas ako ng tingin ng napatingin siya sa gawi ko. May problema ang isang 'to.
Napatitig na lang ako sa kinakain ko na paubos na.
Nandito kasi ako ngayon sa kainan dito sa tagaytay. Gabi na at kitang-kita rito sa gawi ko ang buong city lights. Kahit papaano ay nawala itong bigat na nararamdaman ko.
"Hi, miss. Pwede ba akong makiupo rito?" Gulat akong napatitig sa lalaking tinititigan ko lang kanina ay ngayo'y nasa harapan ko na.
Wala sa huwisyong napatango ako. Hawak niya pa rin ang bote ng alak sa kamay niya.
Napatitig ako sa paligid ko, may mga tao pa rin naman kahit alas nwebe na ng gabi. At saka hindi naman mukhang may gagawing masama ang lalaking nakaupo na ngayon sa table na kinauupuan ko.
"Alone?" He asked.
"Yeah."
"What's your name?" Nagsalubong ang kilay ko pero sinagot ko ang tanong niya.
"Aleja Mae."
"I'm Dave."
"Hmm, can I asked?"
"You are asking." Hindi ko maiwasan na mapairap.
"Girl problem? I saw you crying." Walang pag-aalinlangang tumango siya.
"Nakakapagod ng mag mahal." Hindi na ako nagsalita ng sinabi niya 'yon. I don't know anything about love though.
"You? Why are you here alone? And I think you're from manila and... work?" Nagtatanong akong tumingin sa kanya.
"Huh? How did you know?" Nang tumungin siya sa bandang dibdib ko at akala ko ay manyak ang lalaking ito... 'yon pala ay nakatingin siya sa i.d ko.
"I think that company is somewhere in manila. So why are you here?"
"Nothing. Gusto ko lang mapag isa. And kung ikaw pagod ng mag mahal, ako naman ay takot mag mahal."
Maybe sharing my problem to a stranger is not bad. At least kahit i-judge niya ako hindi ako gano'n masasaktan because I know he is a strager.
"NBSB?" I nod.
"Funny right?" natatawa kong sabi.
"No!" Taka akong tumingin sa kanya?
"Huh?"
"I mean, just... wow. Sa ganda mong 'yan never kang nag ka boyfriend? And I think masaya ka kasama, wala man lang nanligaw sayo?" Hindi ko maiwasan na tumawa.
"Bolero."
"I'm not."
"Yeah, yeah. May manliligaw naman, but like what I've said takot akong mag mahal. I witness how my mom broke because of dad. Kung paano rin umiyak ang Ate ko, ang mga kaibigan ko ng dahil sa lalaki... at iyon ang kinakatakot ko."
Napaiwas ako ng tingin dahil grabe siya makatitig.
"Do you know the challenge na sumikat?" Kumunot ang noo ko. Ang layo naman ng topic namin kanina sa tinatanong no.
"And what is it?"
"24 hours jowa challenge."
Hindi ko maiwasan na pumangalumbaba at tumitig sa gwapo niyang mukha... yeah kaya ko rin siya tinititigan kanina because I can't stop myself to look at his handsome face.
"Ano namang kinalaman niyon?" Ngumisi siya sa akin na mas lalo kong ikinataka.
"Well, ako pagod ng magmahal dahil ako na lang palagi ang bigay nang bigay sa taong minamahal ko. Then here you are, takot mag mahal. You will make me feel how to be loved, and I will make you feel how happy when you are in a relationship. Kahit hindi 24 hours, kahit anong oras na gusto mong makipag break up sa akin. Deal? It's a give and take."
Napangiti ako. Not bad.
"Give and take it is."
"I know a place? Let's go?"
Tumango ako at nagbayad kami sa inorder namin kanina bagi lumabas sa kainan na 'yon kung saan kami nagkakilala.
--
"Wow! That was fun!" Masaya kong sabi.
We're here on the amusement park at nasa isang bench kami ngayon para maupo dahil napagod kami sa pag sakay ng mga rides.
Nakangiti rin siyang nakatitig sa akin.
Pero nagulat ako ng hinubad niya ang itim na leather jacket niya at isinuot sa akin.
"Malamig dito sa tagaytay, you need a jacket." Mas lalo akong napangiti.
"Ganito ba kapag mag jowa?" tanong ko.
"Yep, masaya diba?" Tumango ako.
"Well, I know na ganito rin ang naramdaman ng mama mo, ng ate mo, ng mga kaibigan mo, pati na rin ako. Sadyang nasobrahan lang ang binigay naming pagmamahal sa maling tao kaya kami nasaktan."
"Nakakatakot talaga." Nasabi ko na lang.
"Huwag kang matakot, nandito naman ako e." Then he winked kaya natawa ako.
"Corny mo!" Tapos hinampas ko ng marahan ang kanyang braso.
"I love you." He said again.
I smiled. "I love you too."
Wala akong takot na sinabi ang magic word na 'yon dahil alam kong hindi naman ako masasaktan.
"Let's eat? I know a place too."
"Dami mong alam dito ah?"
"Naman."
--
Hanggang sa mag umaga na.
Masaya sa pakiramdam na kasama siya, na maging boyfriend ang isang Dave.
Nung mag madaling araw kanina ay nag lakad-lakad lang kami at nag usap ng kung ano-ano, hindi ko nga namalayan ang oras e.
"Let's break up?" I asked him.
"Yeah, let's break up."
We're both smiling to each other. Siguro kung may makakakita sa amin ay sobrang weird naming dalawa.
Kahit papaano ay panandalian kong nakalimutan ang aking problema, siguro ay ganoon din siya.
Sa kaunting oras na nag sama kami ni Dave ay marami akong natutunan. Isa na doon na sa tuwing magmamahal ka ay paniguradong masasaktan ka.
And I know na may lesson din siyang natutunan sa akin.
"Thank you." I uttered.
"Salamat rin." Tinanggal ko ang Jacket na pinahiram niya sa akin at ibabalik na ito sa kanya.
"Sayo na 'yan, para may remembrance at maalala mo na may nakasama kang gwapo na Dave sa araw na ito." Natawa ako.
"Sira."
"So it's a goodbye?"
"Yeah, Goodbye Dave. See you when I see you." But I know na hindi na kami magkikita, dahil may mga tao talaga na dadaan sa buhay natin para lang pasayahin tayo pero mawawala rin.
"Goodbye, Aleja Mae."
And we're both smiling when we part our ways.
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...