"OFFICIALLY SIGNING OFF AS A WRITER."
Panay tulo ng luha ko matapos ko itong i-post sa dummy account ko kung saan pansamantala kong nakalimutan kung ano ako sa reyalidad.
Kumbaga ito na yung tinatawag nilang, "wala na, finish na."
Marami kaagad ang nag commnet sa post ko na iyon na huwag daw ako titigil at kung ano pa para mag patuloy pa rin sa pagsusulat, at halos punitin ng paulit-ulit ang puso ko sa mga nababasa ko.
Biglang may nag pop out na message sa screen ng phone ko, mahaba 'yon pero binasa ko pa rin.
"Hello ate! Bakit naman po kayo titigil sa pagsusulat? Alam niyo po ba na kahit puro tragic po ang stories niyo ay nagawa po ako niyong i-motivate na labanan yung cancer ko. Ate, ikaw at yung mga stories niyo po ang isa sa mga inspirasyon ko na lumaban. Lalo na po sa story niyo na yung mga character ay gusto ng sumuko pero nagpapatuloy pa ring lumaban, it's all about life and death po, at nakita ko po yung sarili ko sa story niyo, Ms. Author. Hindi ko po ito sinasabi para muli kayong bumalik sa pagsusulat, I respect your decisions po pero nanghihinayang ako. And alam niyo po ba? Magaling na po ako ngayon! At isa po kayo ang tumulong sa akin kahit hindi niyo po alam. Mahal na mahal ko po kayo ate, kahit hindi kita kilala o kung ano ang iyong mukha."
Napahawak ako sa aking dibdib ng mabasa ko ito.
I screen shot her mesaage to me and posted it.
Ang caption na nilagay ko ay, "Thank you and i'm really sorry." with emoticon na umiiyak at yellow heart.
Marami na naman ang nag si comment and this time ang mga comment nila ay kung paano ko silang natulungan through my stories.
Hindi man ako makareply but God knows how thankful I am at marami akong natulungan.
They've known me as a kind hearted and happy writer na walang problema.
And also God knows how I don't want to quit writting.
That's why my stories are all tragedy, para makita nila ang kagandahan at kahalagahan doon.
Masaya ako na marami akong natulungan kahit na ako mismo ay wala ng pag-asa.
I only have three days to live. At yung mga araw na nakakagawa ako ng mga story ay nandito lamang ako sa hospital para magpatuloy na lumaban katulad din ng mga story ko, pero wala. Hanggang dito na lang talaga ako.
Yung mga nakilala ko through internet lang ay mga naging pangalawang pamilya ko na.
Yung mga taong nabibigyan ko ng advices about life, kamusta na kaya sila? I hope they are all happy, now.
Nag post ulit ako sa huling pagkakataon, at least kahit hindi ko man sabihin ang pinakaproblema ko, nakapagsabi pa rin ako sa kanila ng totoo.
Masyado akong nasasaktan na kapag tinatanong nila kung ano ang dahilan ko kung bakit ako nag quit sa pagsusulat ay hindi ko sila masagot.
"No one knows how happy I am na marami akong natulungan gamit ang mga akda ko. Thank you, I love you everyone. And I'm really really sorry. I have my reasons. Please, mabuhay kayo ng masaya hangga't nabubuhay pa kayo."
'Kasi ang buhay na iyon ang pinagkait sa akin.' sabi pa ng aking isip nang maipost ko na ang huling status ko.
--
HartleyRoses
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomThese are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it with you here on wattpad. Happy Reading! 🖇:: COMPLETED || Compilation of One Shot Stories. 🖇:: Photo that used in the book cover is not m...