040

120 7 0
                                    

THE VALEDICTORIAN SPEECH

"May we call on the Valedictorian! Krisha Mariella Villago!"

Agad akong tumayo sa aking kinauupuan ng marinig kong binanggait ang buo kong pangalan.

Ngumiti ako sa lahat ng kapwa ko students at sa mga magulang nila habang sila ay nagpalakpakan sa achievement na nakuha ko.

Speech ko na bilang isang valedictorian. This is it!

Pero nang hawak ko na ang microphone para magsalita ay may nakita akong limang kababaihan na nasa stage rin at nakatayo.

Nanlaki ang mga mata ko.

NO!

Bakit sila nandito? Bakit nakasuot din sila nang pang graduation? They're not invited!

"P-paalisin niyo sila! Aagawin nila ang p'westo ko!" malakas na sigaw ko at tinuro ko pa ang limang mga kababaihan na nakangiti sa akin.

Lahat ay nag bulungan. May narinig pa ako na wala naman daw silang nakikita.

Lumapit sa akin ang mga babae kaya bahagya akong napaatras.

"Why are you scared?" Nagsalita pa ang isa sa kanila.

Ginawa ko ang lahat para manatili sa aking kinatatayuan. I'm the valedictorian and this is my spot!

Pero bigla akong napaatras ulit ng kaunti.

"Ikaw nga dapat ang matakot kaysa sa amin hindi ba? Ikaw yung pumatay sa aming lima."

Bigla akong napangiti ng demonyo ng may maalala ako.

They are right.

Tumingin ako sa mga taong na nagugulahan sa kinikilos ko.

Muli akong tumingin sa limang babae na patay na, dahil ako mismo ang pumatay.

"Bakit mo kami pinatay?!" galit na sabi ng isa.

Tumawa ako ng malakas at rinig na rinig 'yon ng lahat since nakatapat na sa bibig ko ang microphone.

I forgot! Yung speech ko pa pala!

Tumawa ako ng pang demonyo bago nagsalita sa harapan nilang lahat.

"Oh yes! I'm the Valedictorian! At hindi 'yon mangyayari kung hindi ko pinatay sina Ria, Lina, Sandra, Mary ann and Meia. Ang mga taong pinatay ko na hinaharangan ang pagiging Valedictorian ko! Oo! Ako ang pumatay!"

Gulat silang lahat na napatingin sa akin. Ang dapat na matiwasay kong speech ay napunta sa confession.

But anyway, i'm proud of it. Kung hindi ko iyon ginawa ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon